Chapter 11- After 3 months

710 31 3
                                    

A/N : Fast forward ito para hindi na siya maging boring basahin. Sa chapter na ito ay marami nang nagbago sa kanila. Yun lang thanks you. :)


RAINE'S POV

Papasok na ako sa school nang dali kong hinablot ang bag ko sa study table ko may nahulog na green folder sa sahig. Dali ko iyong dinampot para ibalik sa dating kinalagyan nito. Ang folder na nahulog ay background check ni Margarette na pamblackmail ko sa queen bully na iyon.

Binasa ko ulit iyon kasi matagal-tagal ko na rin ito hindi nabasa. Nakalimutan kong sabihin kay Margarette ang tungkol sa kambal niyang kapatid na nagngangalang Miguel john Armeda.

Marahil ay Armeda ang real Surname ni Margarette noon ng hindi pa siya na adapt ng current family niya ngayon. Anyway wala naman akong pakialam sa personal na buhay niya noon at ngayon ang akin lang ay wag niya kaming gambalahin ni Denise.

Napabuntong hininga ako. Bahala siya basta importante ngayon ay hindi na niya binu-bully si Denise. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumunta na ako sa school.

Mag-tatlong buwan na ang relasyon namin ni Edward at hindi rin nagtagal ay napamahal narin ako sa kanya. Naglalakad ako sa Hallway ng mga oras na iyon ng nagkasulubong kaming dalawa ni Edward at nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Happy monthsarry my vice." bati niya sa akin.

"Happy monthsarry to us my pres." nakangiting bati ko din sa kanya.

Halos bulong ang usapan namin dalawa upang walang makarinig sa aming usapan. Hindi man kami magkahawak ng kamay sa school pero sa mga text at tawag niya sa akin pinaparamdam na mahal na mahal niya ako. Sabay kaming pumasok sa room at naging malalim pa ang usapan namin.

Minsan lang kaming mag-usap dito sa room dahil baka may makahalata ng mga classmate namin na nakapaligid sa amin. Ilang saglit ay nagpaalam na siya sa akin.

"Lalayo muna ako, alam mo na."

Napatango lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko nang patago bago siya bumalik sa upuan niyang nasa unahan. Sa pag-upo ko ay lumapit sa akin si Margarette.

"Hey Raine." tawag niya sa akin.

"Bakit Queen bully?" napataas ang kilay ko.

"May relasyon ba kayo ni Edward?" tanong niya.

Bigla akong kinabahan kaya bigla akong napatayo. "Bakit mo na tanong?"

"Nakita ko ang ginawa niya sa kamay mo."

Napakunot-noo ako. Ang ibig sigurong sabihin ni Margarette ay ang patagong paghawak sa ni Edward sa kamay ko. Three Seconds lang iyon nakita niya agad iyon?

"What are you talking about?"

"Nang papasok ako dito, nakita kong hinawakan niya ang kamay mo."

Napatingin ako sa paligid. Mabuti nalang ay abala sa pagdadaldalan ang ibang classmates namin kaya hindi nila narinig ang sinabi niya.

"Bakit kung hinawakan niya ang kamay ko, kami na agad?"

"Baka."

"Duh.. magkaibigan lang kami ni Edward."

"May magkaibigan bang hinawakan ang kamay mong patago?"

"Masyado kang pakialamero sa buhay ko. Hindi ko kailangan may explain dahil wala naman dapat."

"Patago kasi ang paghawak niya sa kamay mo kaya medyo kahinala-hinala."

Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit.

"Bitiwan mo nga kamay ko!" sigaw niya sabay piglas sa akin.

"Kahit sino pwede humawak sa kamay mo Margarette, ganoon din sa kamay ko.. Porket hinawakan na niya kamay ko.. kami na agad. Mag-isip ka nga queen bully paminsan-minsan."

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon