Chapter 64- Edward's confession

316 11 4
                                    

RAINE'S POV

Sa nangyari kay Denise nagkagulo sa loob ng room ngayon. Gusto kong lumapit para tumulong sa kanya ngunit bago pa ako makalapit ay buhat na siya ni Edward. Lumapit din si Ryan na kanina lang nakamasid.

"Ano'ng nangyari sa kanya?"

"Tulungan mo ko Ryan! Nahimatay siya!"

"Why she's bleeding?" sabi ni Luigi.

Bleeding? Napansin kong may dugo sa bandang binti ni Denise. Bakit may dugo? Maging ibang classmate namin ay nagulat sa nakita.

"Kailangan natin dalhin natin siya sa clinic ngayon din!" natatarantang Edward.

"Sarado pa clinic ngayon Edward! mas okay na dalhin na natin agad siya mismo sa ospital!" natataranta narin si Ryan.

Wala pa ang adviser namin kaya para-paraan nalang silang nagdesisyon.

"Dalhin natin siya sa kotse ko!" si Edward na namamadali nang lumabas sa room at pumunta na sa elevator para madala sa ospital. Sumama din si Ryan.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang napakawalang kwenta kong tao! Bakit sa lahat ng nangyari ay wala akong nagawa! Parang namanhid ang buong katawan ko.

"Kailangan kong sumama!" si Margarette na kanina ay gulat, ngayon ay parang natauhan na.

I know kahit siya ay di makapaniwala sa nangyari. Mabilis siyang lumabas at iniwan kaming lahat.

"Raine... are you okay?" tanong ni Luigi.

"No... I'm not fine." sabi ko nalang.
Dahil kahit ano pang gawin ko ngayon ay hindi na maiibabalik ang nangyari.



End of class... Naglalakad akong mag-isa papalabas ng gate na may narinig akong tawag ng isang boses babae.

"Raine..." paglingon ko ay si Mellisa nakangiting papalapit sa akin.

Ang babaeng ding ito hindi nagpakita ako simula ng ma-aksidente ako.

"Mellisa... kumusta na?" tanong ko.

"Okay lang... mag-isa ka lang ba ngayon?"

"Oo... simula ngayon."

"Bakit nasaan na ba si Marco?"

"Wala na kami nun..."

"Anong wala na?" usisa ni Mellisa.

"Nag-break na kami."

Biglang lumungkot ang mukha niya. "So totoo pala ang sinabi sa akin ni my loves, na wala na kayo at nakaalala kana."

Tumango ako. Nanatiling malungkot pa rin ang mukha niya.

"Ano kaba! Pati ba naman ikaw Mellisa apektado sa hiwalayan namin."

Nagpatuloy kami sa paglalakad papalabas ng gate.

"Nalulungkot lang kasi ako... syempre kilala ko si Marco kapag may problema kayo, Si Ryan ang palaging pinupuntahan nun... noong nakaraang gabi lasing na lasing kaya sinamahan namin para karamay siya."

"Kinokonsensya mo ba ako Mellisa, sa ginawa ko kay Marco?"

"Hindi naman... ang totoo nyan sinabi na rin sa amin ni Marco ang totoo nangyari sa inyo kung bakit kayo nagkahiwalay, kaya wala kaming magagawa kung yan talaga ang desisyon mo."

"Sa totoo lang Mellisa, pati ako hindi makapaniwala nasa lahat ng mga lalaki na nanakit sa akin... isa si Marco doon."

"Kaibigan kita Raine kayong dalawa ni Marco, pero sa lahat nangyari sa inyo kahit papaano naging masaya ka naman sa kanya diba?"


Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon