Chapter 2- Suitors

1K 39 4
                                    

MARCO'S POV

Simula nang umalis na si Raine papuntang classroom ay wala na akong ginawa kung ang sundan siyang papalayo. Hanggang ngayon napapaisip parin ako kung bakit kaibigan lang ang turing niya sa akin samantalang ginawa ko naman ang lahat para mapasaya siya.

Sana man lang sa pagbigay ko ng rosas kay Denise mismo sa harap niya ay makaramdam man siya ng selos pero sa mukha niya kanina ay parang wala siyang pakiaalam. Kahit kailan ay manhid nga talaga siya. Nang makita ko siya sa araw na ito hindi ko alam pero hanggang ngayon ay mahal ko parin siya.

"Marco, salamat sa rosas.." wika ni Denise.

Napabaling ako sa katabi ko. "Nagustuhan mo ba?" tanong ko.

"Oo.." sagot niya matapos at tumingin sa rosas.

Sobrang bait naman ni Denise. Bigla kong naalala tuloy noong una kong binigyan ng rosas ang bestfriend niya ay pinakain iyon sa akin pero si Denise tinanggap lang na walang halong kabaliwan.

"Pwedeng palitan natin ang endearment natin, ayoko ko kasi ng babe Marco."

Napaisip ako. "Pero bakit?"

"Basta ayoko ko lang ng babe."

"Babe kasi ang gusto kong itawag sayo."

"Pwedeng iba na lang."

"Basta babe ang gusto kong itawag sayo.. wag kang kumontra." pilit ko.

Bigla siyang napatikom ng bibig. "Okay.."

Sobrang bait naman ni Denise kung bestfriend niya ang kausap ko marahil ay nasigawan na ako. Masyadong malambot si Denise para sa akin. Simula ngayon ay kailangan ko nang mag-adjust sa ugali niya.

"Mahal mo ba ako Denise?" bigla kong tanong.

Nahinto siya sa pagtingin sa rosas na ibinigay ko sa kanya.

"Tinatanong pa ba yan.. syempre mahal kita Marco." nakangiting wika niya.

"Bakit mo ko mahal? Ngee minsan hindi nga tayo palaging nag-uusap noong nililigawan ko pa ang bestfriend mo."

"Mahal na kita noon pa Marco."

Nabigla ako sa sinabi niya at napaisip. "Kailan pa?"

"Simula noong niligtas mo ko sa pangbu-bully nila Margarette."

Inalala ko ang nakaraang iyon. Ang nangyari sa classroom at sa labas ng gate, dalawang beses ko siyang niligtas sa pambu-bully. Ginagawa ko iyon dahil iyon ang nararapat dahil mabait siya at hindi dapat inaapi.

"Kung mahal mo pala ako noon bakit kailangan ko pang ligawan ang bestfriend mo?"

"Dahil ayaw ni Raine sayo noong una. Inisip ko na kung ang bestfriend ko ang liligawan mo marahil ay makakabati din kayo at balang araw ay magkakasundo din kayo.. since parehas ko kayong mahal.. pasensya na kung ngayon ko lang nasabi sayo ang tunay na dahilan."

"Ganoon ba.." ngayon alam ko na.

"Siguro friends na kayo ni Raine, hindi ba?" tanong niya.

"Oo." Pagsisinungaling ko.

"Mabuti naman."

Kung alam lang ni Denise na kinakausap ko lang si Raine kapag nandyan siya.

"Sige nga.. gaano mo ko ka mahal babe?"

"Mahal kita higit pa sa inaakala mo Marco.."

Sa tono nang pananlita niya na parang bukal sa puso niya ang binitawang salita. Ngayon na alam kong mahal pala ako ni Denise marahil ay balang araw ay matutunan ko rin siyang mahalin. Pero meron paring tanong sa isip ko.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon