A/N : Greetings! Tonight is Valentines day, February 14. Sensya na kung minsan lang mabilis mag-update ang author dahil meron din akong ginagawa maliban sa pagsusulat sana maintindihan pero don't worry dahil sisiguraduhin kong tatapusin ko talaga ang storyang ito. Promise. Hehehe. (This is a valentines day chapter.) Enjoy reading...
~~~~~¤~~¤~~¤~~¤~~~~~
RAINE'S POV
Sa paglalakad namin ni Marco ay nakarating narin kami sa entrance ng building. Sa pagdating naming dalawa roon ay nadatnan namin ang hindi inaasahan ay pagbuhos nang malakas na ulan.
"Kung minamalas nga naman... naabutan pa tayo ng ulan." si Marco na nakaabay pa rin sa akin.
"Umakbay ka kasi sa akin... kaya umulan." sabay tawa ko.
"Anong kinalaman nang pag-akbay ko sayo sa ulan ngayon?" taka niyang tanong.
"Bawal kasi magkadikit ang ulan at ang kidlat." sagot ko.
Sa sinabi ko alam kong... alam niya anong ibig kong sabihin. Ang Ulan bilang ako at ang Kidlat ay siya.
"Ano naman kung magdikit tayo dalawa?"
"Edi... bumabagyo."
Napangisi siya. "Ang sabihin mo! Ayaw mo talagang magpa-akbay sa akin! Dinamay mo pa ang ulan."
Nang makita kong medyo naaasar siya ay palihim ko siyang tinawanan habang nakatabon ang bibig ko ng book na hawak ko pa kanina.
"Mang-asar ka pa... iiwan kita dito, may dala pa naman akong payong." pananakot niya.
Ako pa ang tinakot ng Loser na to! Mabilis akong pumunta sa likod niya at tinulak siya papalabas ng building upang mabasa siya sa ulan.
"Walang hiya ka... Raine!" gigil siyang bumalik sa akin. "Palagi mo nalang akong pinagtri-tripan!" ininat niya ang magkabilang pisngi ko bilang ganti sa ginawa ko sa kanya.
"Ikaw naman kasi!" Pinalo ko ang kamay niya ng tatlong beses.
"Ouch, ouch, ouch..." sabay piglas sa akin.
Nagtatagis ang kanyang bagang dahil sa ginawa ko pero tinawanan ko lang siya.
"Marco... Minsan nakakatawa kang tignan."
Sometimes Marco is attractive lalo na kapag medyo naiinis siya kung kaya't minsan ay naiisipan ko siyang pagtripan. Natigil ang aming asaran ni Marco nang makarinig kaming dalawa ng babaeng umuubo sa bandang likuran ko.
Si Denise nakasuot ng itim na jacket, nakatakip ang ilong ng panyo at patuloy pa rin ang pag-ubo. Sa itsura niya ay tila giniginaw parin siya. Naalala tuloy ang palagi niyang pag-absent simula noong nakita ko siyang nawalan ng malay. Marahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kanyang lagnat.
Maraming nakatambay dito sa entrance ng building na walang payong at tulad ni Denise ay tila hinihintay din nila ang pagtila ng ulan.
"Tara... umuwi na tayo ulan." yaya ni Marco kaya natigilan ako sa pagtingin kay Denise at napalingon sa kanya.
Narinig ko na naman ang ubo ni Denise. Lumingon na naman ulit ako kay Denise. Sa tuwing nakikita ko ang babaeng ito ay palagi nalang akong nakakaisip na tulungan siya. Minsan hindi ko maintidihan ang sarili ko bakit lagi nalang akong nag-aalala sa kanya.
"Nakikinig kaba Raine?" tanong ni Marco.
Lumingon ulit ako kay Marco. "Dyan ka lang... babalik ako."
Iniwan ko muna si Marco at nilapitan sandali si Denise. Pagdating ko sa harap ni Denise ay tila nabigla siya nang makita ako.
"Raine..." mahina niyang sabi at napaatras siya ng isang hakbang palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)