Chapter 4- My Vice

857 33 1
                                        


MARCO'S POV

Matapos kong sabihin ang sagot sa tanong ni Raine ay bigla na lang siya tumakbo sa ulan. Sana ay maintindihan niya ang binitawan kong salita. Sa totoo lang hindi ko maiwasan ang magtampo sa pambabasted niya sa akin.

Mahirap man sa akin sabihin na "Because I hate Raine." Na ibig sabihin na siya mismo ang hate ko at hindi ang ulan.

Humugot ako ng lakas na loob na sabihin yon para iparamdam sa kanya na nasaktan talaga ako sa ginawa niya. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya at bigla nalang tumakbo. Kahit kailan hindi ko parin siya maintindihan.

"Babe.. pasensya na kung natagalan ako."

"Saan kaba galing?"

"Hinahanap ko kasi si Raine para sumabay sa atin sa pag-uwi. Nakita mo ba siya?"

"Hindi." pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba.. bakit bigla nalang siya nawala?"

"Pwede hindi na natin isama si Raine sa pag-uwi para may time tayo na isat-isa kasi sa classroom kayo rin naman ang palaging magkausap."

"Sorry kung minsan lang kita makausap sa loob."

"No problem basta sa pag-uwi gusto kong tayo lang ang magkasabay."

"Okay." mabait niyang wika.

Sa totoo lang kaya ayokong sumama na si Raine sa pag-uwi namin ay para maiwasan ko narin siya since pinagtabuyan niya ako sa bestfriend niya. Unti-unti kong kukunin si Denise papalayo sa kanya.

Pipilitin kong kalimutan si Raine gamit ang bestfriend niya. Sana makalimutan ko na ang nararamdam ko sa kanya.


RAINE'S POV

Basang-basa ang buong katawan ko ng makarating sa bahay namin. Sa pagpasok ko sa loob ay sinalubong agad ako ni Mommy.

"Raine, bakit basang-basa ka?"

Malungkot man ako sa sinabi ni Marco kanina ay pinilit ko parin na kausapin si Mommy.

"Wala kasi akong dalang payong Mommy."

"Sa susunod magdala ka ng payong para hindi ka mabasa baka magkasakit ka niyan."

"Opo Mommy."

Napabuntong hininga siya. Samantalang ako ay nakadungo parin. Patungo na ako ng hagdan ng may katanungan na pumasok sa isip ko.

"Mommy bakit ba Raine ang pangalan ko?" tanong ko.

"Bakit mo na tanong?"

"Wala lang gusto ko lang malaman."

"Raine ang pangalan mo dahil noong pinanganak ka ay umuulan. Katunog lang din sa English ng ulan na Rain. Kaya yun ang pangalan mo."

Kaya naman pala Raine ang pangalan ko yun pala ang dahilan. Sana mali ang naisip ko kanina ng marinig ko ang sinabi ni Marco. Feel ko talaga na ang pangalan ko ang ibig niyang sabihin at hindi ang English ng ulan. Nagkataon pa talaga na seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Okay ka lang anak?"

"I'm fine mom." matapos ay tumalikod na ako.

Nanghihina akong pumasok sa kwarto at naisipan narin na maligo.


SA Kwarto ko matapos maligo ay nakita ko ang album na kung saan naroroon ang mga picture na nakuha ko kay Marco. Binuksan ko ulit iyon. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nagsasawang tignan iyon.

Sa maiksing panahon ng panliligaw niya sa akin ay hindi ko akalain na marami pala kaming good memories na kasama siya. Mahal ko si Marco at mahal niya din ako pero mas kailangan siya ng bestfriend. Halos nasa akin na ang lahat.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon