DENISE'S POV
Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Marco na namumula ang kanyang mga mata. Medyo nagulat siya nang makita ako. Sabay kaming napadungo ng ulo at umiwas ng tingin sa isa't-isa. Inaamin ko kapag nakikita kaming dalawa naiilang pa rin ako.
Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako ng konsensya ko sa ginawa ko sa kanya. Niloko ko siya. Kaya hanggang ngayon ramdam ko parin ang guilty sa pakikipaghiwalay sa kanya.
"Kamusta kana?" tanong niya.
After nang nakipagbreak ako sa kanya. Ngayon lang ulit niya ako kinamusta.
"Ok lang." matipid kong sagot.
Sa pagkakataon na ito ay ngayon lang ako nagkaroon na ako ng lakas ng loob na harapin siya.
"Mabuti." nakangiti siya pero malungkot ang mga mata niya.
"Ok ka lang ba Marco?" tanong ko.
Malalim siyang napabuntong hininga na parang nag-iipon ng lakas bago magsalita.
"Raine broke up with me." pagtatapat niya kasabay ng pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya.
Nang makita ko siyang ganoon, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Unang nakaramdam ko ay awa. Parang nasaktan din ako nang malaman ito.
Marco and Raine ay mababait kong kaibigan kahit tinakuran ko sila dahil kay Edward. Palihim ko parin silang sinusubaybayan. Hindi ko akalain na magkakahiwalay sila.
"Sorry Marco kung natanong ko pa, Sorry sa lahat ng kasalanan ko sayo. I'm sorry... kung hindi lang sana kita hinawalayan noon, hindi ka sana masasaktan ngayon."
"No Denise, wag mong sisihin ang sarili mo... kasalanan ko naman talaga dahil matigas ang ulo ko. Pinagsisikan ko pa kasi ang sarili ko sa inyo dalawa ni Raine... Pinipilit ko pa kahit na hindi naman talaga ako kamahal mahal sa inyo."
Mas lalo akong naawa na marinig ko iyon sa kanya kaya lumapit ako at niyakap siya.
"Wag mong sabihin yan Marco."
Niyakap niya rin ako. "Tanggap ko na Denise, sana maging masaya kayong lahat kahit na wala na ako."
Humiwalay na siya sa pagkayakap ko.
"Aalis ka?" tanong ko pero hindi na siya sumagot at ngumiti nalang.
Malungkot pa rin ang mga mata niya na humarap sa akin. Iniwasan niya ako. Tahimik siyang bumaba ng hagdan at hindi na ako nilingon pa. Sorry Marco sa lahat nang nagawa ko. Kung pwede lang mabalik ang dati natin pagkakaibigan, hindi ko na iyon sasayangin pa.
NANG malaman kong hindi pumasok si Raine ay nagpahatid na ako kay Edward sa mismong harap nang bahay nila. Sa bahay ng dating kong bestfriend.
Medyo kinakabahan nang makarating kami sa lugar na ito. Matagal-tagal na rin nang huling nakapasok ako sa loob ng bahay ng bestfriend ko. Kahit papaano ay namiss ko rin ang bumisita dito.
"Okay na ba sayo na kausapin si Raine?" tanong ni Edward.
"Kailan kong gawin Edward, ako ang kasalan kong bakit nangyari ito."
"Hindi mo kasalanan Denise, Kasalanan ko dahil pinilit kita na bumalik ka sa akin."
Huminga ako ng malalim. "Hindi na importante kung sino ang may kasalanan, ang gusto ko lang mangyari na magkaayus na kami ni Raine."
"Diba sabi ko na ako na ang bahala."
"No Edward, Sa akin nag umpisa ang lahat ng problema. Nadamay lang kayo kaya hayaan mo muna ako na umayos nito." Sabay hawak sa mga kamay niya ng mahigpit. "I have to do this."
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.