RAINE'S POV
Sa harap ng coffee shop kung saan napagpasyahan namin dalawa ni Marco na magkita. Magpapasama ako sa kanya na bumili ng gamit para sa project namin. Mahigit isa oras na akong naghihintay dito ay hanggang ngayon ay hindi parin siya dumadating.
Kinuha ko ang phone sa bulsa at denial ang number niya. Hanggang ngayon ay hindi parin siya sumasagot. Nakaka-imbyerna itong si Marco. Nasaan na ba siya? Kanina kumikilim ang langit at tila uulan na naman. Kapag hindi pa dumating si Marco after 5 minutes sasabunutan ko siya pagdating dito.
"Binibining Raine... Ano'ng ginagawa dito?" tanong ng lalaking nasa likod ko.
Paglingon ko ay si Luigi. Naka-black jeans, naka-jacket na maong at tila mukhang may lakad rin.
"Ikaw. An'ong ginagawa mo dito?" tanong ko rin.
"Wala lang... napadaan." sagot niya.
"Baka naman may binabalak ka na namang guluhin ako?" napakrus ako ng mga braso.
Napailing siya. "Kapag lumapit ako, nangugulo agad? Ang sama mo naman." nagtatampo niyang tono.
"Eh bakit ka lumapit dito?" mataray kong tanong.
"Pwede sinasamahan lang kita dahil kanina ka pa nandito?"
Napaisip ako. Bakit alam niyang kanina pa ako natayo dito?
"Sinusundan mo ba ako?"
Napangiti siya. "Kanina pa kita nakikita dito sa loob coffee shop." tinuro niya ang isang table na bakante sa loob. "Doon... habang kausap ko ang pinsan ko kanina, tinitignan na kita."
"Eh ano naman kung kanina pa ako nandito?"
"May hinintay kaba?"
Hindi ako umimik. Ayokong malaman niyang kanina ko pa hinihintay si Marco dito.
"Don't tell me na si Marco ang hinihintay mo dito?" tanong ulit niya.
"Na-traffic lang siya." sagot ko.
Ayokong tignan si Luigi dahil nahihiya akong kanina pa ako dito tinitignan. Maghihintay ako dito kahit mangawit ang tuhod ko sa kakahintay kay Marco ang basta siya ang gusto kong makasama.
Kinuha niya ang phone sa jacket at may denial. Sino tinawagan niya? After one minute ay lumingon ulit siya sa akin.
"Tinawagan ko si Marco, ayaw niyang sumagot."
"Baka hindi sinasadyang na silent niya ang phone niya." sagot ko.
Kanina lang nasa kilid ko lang siya nakatayo. Ngayon ay lumipat na siya sa harapan ko. Ano bang problema ng Luigi na ito? Ginugulo na naman niya ako.
"Kung ako ang naging boyfriend mo, Sisiguraduhin kong hindi kita ipaghihintay ng ganito." sabi niya.
"Pwedeng umalis ka nga sa harapan ko!" naiinis na ako sa kanya.
Hindi ko gustong umalis sa kinatatayuan ko pero dahil kay Luigi ay nawalan na akong maghintay sa dito sa labas. Paglakad ko ay nararamdaman ko na ang patak ng ulan. Great timing! Inis na nga ako kay Luigi, tsaka pa uulan.
"Dito tayo sumilong." hinila ako ni Luigi sa loob ng coffee shop.
Ilang sigundo ang pagitan ay bumuhos na ang malakas na ulan. This is a bad day for me lalo't wala din akong dalang payong.
Nasaan na ba si Marco? Mabuti nalang ay hindi nabasa ang damit ko dahil hinila ako ni Luigi dito sa loob ng coffee shop. Sa lakas aircon ay nanlalamig narin ako.
"Bakit hindi mo na tayo magkape habang hinihintay ang boyfriend mo?" nakangiting Luigi.
Napatingin ako sa loob ng coffee shop halos lahat ng naroroong customer ay nagkakape at pormal na nag-uusap maliban sa aming dalawa ni Luigi na nakatayo lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/120982627-288-k70392.jpg)
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.