Chapter 18- My room

675 28 3
                                    

MARCO'S POV

Pinabayaan ko na lang na isipin ni Raine na ako ang nagbigay ng bulaklak. Nag-isip ako ng idadahilan para hindi niya isipin na may gusto ako sa kanya.

"Ipinabigay ko yan kasi yun naman ang ginawa kapag bumubisita sa ospital diba? Nagbibigay ng bulaklak." dahilan ko.

"Ah ganun ba... Okay." wika niya na parang wala lang din.

"Hindi ate Raine.. sabi niya gusto ka niya kaya pinabibigay niya itong bulaklak." sabat ni Biena.

Pinagtatakpan ko na nga ang kasinungalingan niya. Dinadagdagan pa niya. Hinawakan ko ang ulo ni Biena.

"Wag sinungaling kundi, hindi na kita isasama sa susunod." pananakot ko.

Napanguso si Biena. "Sorry kuya.. hindi na po ako magsisinungaling."

Tumingin sa akin at nagpalungkot-lungkot ng mukha. Kundi lang bata at kapatid ko ay napalo ko na ito.

"Wag mo naman takutin ng ganyan yung bata Marco!" nakakunot-noo na si Raine.

"Pinagsasabihan ko lang siya, kasi masama ang nagsisinungaling."

Hindi agad siya nagsalita. Hindi niya ako pinansin. Hinawakan niya ang kamay ni Biena at pinaupo sa kilid ng kama niya.

"Lapit dito baby.. kawawa naman pinagalitan." sabay yakap niya kay Biena.

Kinokonsente naman ni Raine ang pagsisinungaling ng kapatid ko. Lumaki ang ngiti ni Biena.

"Ate, you're so pretty." sabi ni Biena na parang nakalimutan kong pinagalitan ko siya.

"Oh Thank you." nagkayakapan silang dalawa.

Sa tuwing pinagmamasdan ko silang dalawa. Mukhang mas bagay silang magkapatid dahil parehas silang maarte.

"Tara na uwi na tayo." yaya ni Tita.

Nagsimula nang magbihis si Raine. Tinulungan ko naman magligpit si Tita ng gamit matapos noon ay ako na ang nagdala nito sa kotse nila sa garage ng ospital. Nang doon na kami ay hinila ni Biena ang damit ko sa harapan.

"Kuya, dito ako sakay kasama si Ate Raine." paalam niya.

"Bahala ka."

Ang laki nang ngiti niyang tumakbo at humawak agad sa kamay ni Raine. Si Raine naman ay nakangiti lang rin. Mukhang mas nagkakasundo silang dalawa.

"Tara na." yaya ni Tita Irish.

Dahil dala ko ang motor ko. Yun ang ginamit kong papunta sa bahay ni Raine kasunod ng sasakyan nila. Pagdating namin sa bahay nila ang laki ng ngiti ni Biena.

"Ate Raine, anlaki pala ng bahay ninyo?"

"Bakit yung bahay ninyo malaki ba?" tanong ni Raine.

"Malaki din pero malungkot doon kasi wala akong kalaro."

Naging malungkot ang mukha ni Biena habang nakahawak pa rin kay Raine.

"Yung kuya mo di ba kayo naglalaro?" tanong ulit ni Raine.

Baka nadamay ako sa usapan nila. Narito ako sa likod nila at kunyaring nag-lalapag ng mga gamit galing sa ospital.

"Ayaw niyang makipaglaro sa akin kasi gusto niyang kausap si Ate Denise." nakanguso sagot nito.

Parang ako ang sinisisi ni Biena kung bakit malungkot siya sa bahay kasi ayokong makipaglaro sa kanya.

"Sinong Denise?" usisa ni Raine.

"Girlfriend niya."

Hindi lang sinungaling ang kapatid kong ito. Madaldal din pala.

"Ahh.. May girlfriend na pala kuya mo, gusto mo tayo nalang maglaro?"

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon