Chapter 41- Rooftop

446 20 4
                                    

RAINE'S POV

"Oh Raine you're here." sabay beso sa akin ni Tita Cass nang lumapit kami sa kanila sandali after ng dinner.

Ang ganda-ganda ni Tita Cass sa suot niyang white wedding gown at sa light make up niya ay hindi halatang 40's na siya.

"Congratulation po sa inyo, Tito at Tita." bati ko habang nasa tabi ko lang si Marco.

"I'm happy to hear mismo kay Marco na kayo na ng anak ko." sabi naman ni Tito Henry ang dad ni Marco.

"Thank you po tito sa pagtanggap din ninyo sa akin." wika ko.

Masaya akong malaman na boto din sa akin ang parents ni Marco.

"Sana ay umabot din kayo sa kasalan tulad namin someday." sabi ni Tita cass.

Nakakahiya naman, kasal na agad ang nasa isip ng parents ni Marco. Magco-college pa nga kami.

"Don't worry Dad... dadating din tayo dyan.." sabay tawa ni Marco na parang kini-kilig din.

Hay naku. Namumula na naman ang loser. Parang sa aming dalawa ay siya pa ang unang tuwang-tuwa sa sinabi ng dad niya.

"Don't forget... may college pang naghihintay sa inyo, all I can advise to both of you is just enjoy kung anong meron kayo." sab ni Tita Cass.

"Thank you Tita sa advise." napangiti kaming dalawa ni Marco.

"Mommy!" maliit na boses ni Biena na patakbong lumapit sa aming apat. Natigilan muna kami sa pag-uusap. "Congratulation mommy... flowers for you." sabay bigay niya ng pulang rosas na bulaklak at wala naring tinik.

"Thank you Baby.." makangiting Tita Cass.

Kinagarga naman siya ni Tito Henry. "Ang sweet talaga ng baby namin."

"Daddy... bagay kayo ni Mommy." maliit na boses nito.

"Talaga?" tanong ni Tita Cass.

"Oo... tapus bagay din si Ate Raine at Kuya Marco."

Bigla nalang kaming napangiting apat. Pati kaming dalawa ni Marco ay nadamay sa ka-kulitan ni Biena.


HAWAK ni Marco ang kamay ko simula ng pumasok kami sa elevator.

"Mahal... Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Diba I told you na pupunta tayo sa roof top after kumain."

Naalala ko ang nangyari kanina noong nahilo ako. Nasabi nga niya iyon sa akin. Bumukas ang elevator ay ilang hakbang lang ay nakita ko na ang roof top.

"Good evening Ma'am, Sir." bati ng isang staff na nakasalubong namin at papasok na rin ng elevator kung saan kami galing.

"Good evening din." sagot namin at nagpatuloy kami sa paglalakad para makita ang kabuan ng rooftop.

Kahit gabi na mga oras na iyon ay maliwanag parin dahil sa naglalakihang ilaw sa paligid. Mala-garden design sa taas, maraming lamesa at upuan na pwedeng pagtambayan.

"Nagustuhan mo ba ang lugar na ito?"

"Oo... Ang ganda."

Napangiti siya at dinala ako sa bandang corner. Sa lugar kung saan makikita ko ang lawak at naglalakihang ibat-ibang gusaling sa  manila.

"Naalala mo ba sa lugar na ito? dito tayo unang nagkita."

Napatingin ako sa paligid. May isang round table na malapit sa amin at may apat na upuan. Sa di kalayuan ay may malaking base na may nakatanim na halaman.

"Hindi ko maalala Marco." walang imaheng pumasok sa isip ko habang nililibot ng mata ko ang lugar na ito.

"Mabuti ding wag nating e-pressure utak mo para maalala ang lahat."

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon