Chapter 65- Denise Confession

316 17 0
                                    


RAINE'S POV

Lumapit ako kay Edward sa pag-upo at niyakap siya. Inaamin ko na ang lalaking ito ay parte ng bad memories ko, pero kong palagi akong nakatuon sa masamang nangyari sa akin. Napag-isip isip kong wala akong mararating sa hinaharap, hindi ako makaka-move on.

"Hindi ko alam kong paanong nangyari ito Raine." iyak parin ni Edward sa akin.

Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero ramdam ko sa bawat linya ang sakit ng mawalan ng anak.

"Edward, you need to be strong. Alam kong kailangan din ako ni Denise pero remember mas kailangan ka niya dahil hindi lang ikaw ang nawalan. Malalagpasan din ninyo itong dalawa." wika ko.

"Sorry sa nagawa ko sayo Raine. Salamat kahit na nasaktan ka namin, nandito ka para dumamay. Lalo na sa kinakaharap na problema namin ni Denise hindi mo parin kami tinalikuran."

Humiwalay ako kay Edward sa pagkakayakap at napahawak sa balikat niya.

"Let's forget the past Edward and move on... matitiis ko ba kayong dalawa, dahil sa inyo naging parte kayo ng maturity ko. Nagbago na ako. Hindi na ako ang Raine na nanakit sa mga lalaki, kayo nila Marco ang pagbago sa akin." Mabait kong tugon.

"Ngayon na narinig ko mismo sayo Raine, parang gumaan na ang pakiramdam ko. Maraming salamat hindi mo kami nalimutan.."

"Tanggap ko na hindi na tayo magkakabalikan, basta ipangako mo sa akin na aalagaan mo si Denise at wag pagbabayaan. Alam mo naman yung bestfriend ko, mahal ko yon."

Napatingin siya sa mga mata ko.
"Oo Raine pangako yan.. aalagaan ko si Denise."

Ngayon na nagkaayos na kami ni Edward parang gumaan din ang pakiramdam ko. Wala na yung mabigat sa damdamin ko lalo na nang makita kong nawala na ang lungkot niya sa pagpapatawad ko sa kanya.

Ilang saglit ng pag-uusap ay hinatid ako ni Edward sa harap ng room ni Denise kung saan siya na admit. Narito pa rin ang kaba na muling pag-uusap namin matapos nang masasakit na salita nabitawan ko noong huling pag-uusap namin.

Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ay nakita ko ang maputlang Denise na malungkot nakaupo sa kama na tila nakatulala at nakatinggin sa malayo.

Nang marinig niyang sinara ko ang pinto. Napalingon siya na parang natauhan sa pagdating ko. Nang tuluyan na niya akong nakilala ay mabilis siyang napadungo ng ulo.

Tinago niya ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kong paano ko uumpisahan ang usapan na ito pero lakas loob akong lumapit sa parin kanya.

"My twin Denise..." mabait kong tawag kanya kaya napataas ang paningin niya sa akin at tinignan ako sa mga mata. Doon ko nakita na isang malaking luha na tumulo sa pisngi niya.

"Alam mo ba Raine... wala na akong mukhang mapakita sayo." Wika niya pero nanatili akong tahimik. "I lost everything to me siguro ito ang karma sa ginawa ko sayo." malungkot niyang wika.

"I know. But I not here para ipagmukha kang kawawa Denise..." mabait kong tugon.

"Anong pinunta mo dito?" nanghihina niyang tanong.

"If you need my hug, nandito ako para yakapin ka." bigla nalang akong lumuha matapos sabihin yon.

Naluluha ako hindi dahil sa awa sa kanya pero naiiyak ako dahil pareho kaming babae at sa kalagayan niya alam kong kailangan niya ng kaibigan na makakaramay sa pinagdadaanan niya ngayon.

"Raine..." tumulo rin ang mga luha niya na makita akong lumuluha sa harap niya.

Ito yung panahon na niyakap ko na siya sa kinauupuan niya sa kama. Napayakap din siya sa akin ng mahigpit. Halos matagal-tagal din namin hindi ito nagawa dahil sa naging problema namin ng nakaraan.

"I lost my baby Raine..." pagtatapat niya sa akin.

"I know... wag mo nang pilitin sarili mo magsalita, I understand everyting."

Pag-uunawa ko sa kanya.

"This is my fault. Sa sa sobrang depression ko, napabayaan ko pati sarili ko. Hindi ko namalayan na unti-unti kong pinapatay ang baby ko."

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Wag mong sisihin ang sarili mo... wala naman may gusto nang nangyari."

"Ang sakit-sakit Raine... parang gusto ko nang mamatay.." iyak pa rin niya.

"Wag mong sabihin yan Denise, malalagpasan mo ito... nandito ako para sayo." patahan ko sa kanya.

"I'm sorry Raine..." hagol-gol niyang iyak sa akin.

"Pinapatawad na kita... kalimutan na natin ang lahat ang let's move on." mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Napatawad ko na kayo ni Edward... ang mahalaga ang mag palakas ka dahil kailangan ka namin Denise... Kailangan ko ang bestfriend ko at wala iba yun kung di ikaw yun Denise."

Himiwalay siya sa akin sandali at doon ko na nakita ang maraming luha sa mga pisngi niya.

"I'm sorry Raine, Hindi ko naman talaga sinasadya... noong panahon tinutulungan mo ako kina Margarette sa mga pambubully  nila sa akin kahit nagka-amnesia ka at walang maaalala. Sobra akong nakokonsensya sa pagtatanggol mo sa akin..." napahikbi siya sa kaka-iyak. "Alam mo ba na gustong-gusto ko nang makipag-ayos sayo noon pero nang malaman kong buntis na ako... natakot na ako dahil ayokong lumaki ang anak ko na walang ama. Kaya pinagpatuloy ko parin ang relasyon namin ni Edward kahit na balang araw malalaman mo rin ang totoo at masasaktan kita."

Mas lalo pa akong naawa sa pagtatapat sa akin ni Denise. Ngayon ko na pagtanto na sobra din pala siyang nahirapan sa sitwasyon namin noon.

"Okay na sa akin ang lahat Denise, I'm sorry din sa nasabi kong masasakit sayo noong nakaraang araw. Patawad kong nadagdagan ko pa ang depression na pinagdadaanan mo dahil sa mga sinabi ko..."

"No Raine kasalanan ko dahil sa sobrang pag-iisip ko sa mga problema, hindi ko na naaalalagaan ang sarili ko kaya nawala sa akin ang baby ko..." iyak pa ulit niya.

"Wag kang mag-alala, simula ngayon aalagaan kita."

Matagal siya bago nakapagsalita.

"Bakit sobrang bait mo sa akin?" hindi parin makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Tinatanong pa ba yan... diba nga magbestfriend tayo. Ang magbestfriend dapat nagdadamayan..." mabait kong tugon sa kanya.

Sa sinabi kong iyon ay mas lalo siyang umiyak at niyakap ako. Sa pagpapatawad ko at pagpapatawad niya sa akin ay mas lalong gumaan ang pakiramdam ko.

Wala na yong mabigat nadala-dala sa dibdib ko matapos nakaayos na kami ngayon. Kaya nagpasya akong manatili sa ospital kasama niya at hindi iniwan sa buong gabi upang matiyak ko na maaayos ang kalagayan niya.


To be continued...

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon