RAINE'S POV
Pumunta ako ng Locker Area para kunin ang ibang gamit na iuuwi ko sa bahay. Sa hindi kalayuan nakita ko si Margarette may kaharap na lalaki at binigyan siya ng isang sulat.
"Isa lang itong basura." walang awa niyang pinunit nang pira-piraso ang liham na natanggap mismo sa harap ng lalaking kaharap niya. Matapos ay tinapon sa sahig. "Walang kwenta ang love letter mo."
"Pwede mo naman basahin muna, bakit kailangan mong wasakin 'yan?" tanong ng lalaki.
"Diba sinabi ko na sa'yo na hindi ako tatanggap ng manliligaw, Bakit ba ang kulit mo? Wag ka na ngang lumapit sa akin! Mukha kang palaka!" matapos ay iniwan niya ang lalaki na malungkot ang mukha nito.
Nang makita ko ang pangyayaring iyon. Labis akong naawa sa lalaking binasted ni Margarette. Brutal niya ah! Hindi man lang binigyan ng chance yung lalaki na ligawan siya.
Kung gusto niyang bastedin dapat naman hindi ganoon na gamitan pa nang masasakit na salita. Ang sama niya. Nang akmang dadaan si Margarette sa kilid ko ay hinawakan ko ang braso niya.
"Bitiwan mo nga ako Raine!" inis na piglas niya sa akin.
"Kung gustong mambasted ng lalaki Margarette, Don't be so harsh! Kung ayaw mo sa isang lalaki wag ka nang mamintas! Hindi kaba naawa sa lalaking 'yon?"
Napataas ang kilay niya. "C'mon Raine, pinapangaralan mo ba ako?"
"Sinasabi ko lang na mali ang ginagawa mo!"
Isang halakhak ang narinig ko mula sa kanya. "You're funny Raine, did you know na sayo ko lang ginaya 'yon?"
"Ang alin?" takang tanong ko.
"Yung ganoong pambabasted, actually ang pambabasted kong iyon ay basic lang 'yon sa'yo."
Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Margarette. "Ano'ng basic?"
"How I wish na sana bumalik na ang alaala mo Raine, Siguro matatawa ka sa sarili mo kung bakit mo ako pinapangaralan ngayon... To be honest, Until now... I'ts still a mystery to me ang pagiging heartless mo pagdating sa mga manliligaw mong lalaki."
"What?" I'm clueless sa pinagsasabi niya.
"Kapag naalala mo na ang memories mo... Sana sabihin mo sa akin ano'ng sekreto mo kung bakit ka ganoon, Baka same tayo ng reason kung bakit ayaw ko na rin tumanggap ng mga manliligaw ngayon." napangisi siya matapos ay umalis na parang natalo niya ako sa isang debate ngayon.
Nakaka-irita ang pinagsasabi ng Margarette na iyon. Siguro ganoon na lang siyang mambasted dahil naging broken hearted siya.
Impossible naman na broken hearted ako noon kaya nangbabasted ako. Ang pagkakaalam ko ay hindi naman ako nagkaboyfriend noon. Napakrus na lang ako ng mga braso. Simula ngayon gagawa ako ng paraan para bumalik na ang memories ko.
NAGMAMADALI akong tumakbo papuntang Girl's comport room. Mabuti nalang at hindi humaharang si Marco dadaanan ko kanina kundi baka naihi sa ako sa salawal ko.
Nang nakaraos na ako galing sa cubicle ay pumunta muna ako sa harap ng salamin para mag-ayos sa sarili. Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay nakita ko si Denise na lumabas sa kabilang cubicle na nilabasan ko.
Namumutla, nanghihina at tila mukhang may sakit siya. Nagtama ang aming mga mata.
"Denise... okay kalang? May sakit kaba?" tanong ko.
Medyo concern lang ako dahil mukhang may dinadaramdam siya. Napansin kong may kaunting luha ang kilid ng mga mata niya.
"Wag mo kong intindihin." matapos ay umalis siya ng CR.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.