Chapter 45- Virus

450 16 8
                                        

RAINE'S POV

Sa court patuloy pa rin kaming nanonood ni Mellisa. Ilang Segundo na lang ay matatapos na ang laro at lamang ang grupo nila Marco sa score na 60 laban sa 58 na score naman nila Luigi.

"Sana hindi na maagaw yung bola Raine." sabi ni Mellisa.

"Tama, baka maka-score pa sila Luigi." sabi ko rin.

Masyado ng mainit ang laro dahil hawak ni Marco ang bola at tanging ginagawa lang nila ay ang tapusin ang oras para manalo na sila since lamang narin sila sa score.

"Thirty seconds left!" sigaw ni Maricris na timer sa laro.

Thirty seconds na lang at mananalo na sila Marco. Magkahawak na kami ng kamay ni Mellisa dahil konting-konti nalang ay mananalo na kami. Pinasa ni Marco ang bola kay Ryan ngunit sa ginawang iyon ni Marco ay naagaw ni Luigi ang bola.

Hindi pwede lalo't meron pang natitirang oras! Laking gulat ng grupo nila Marco sa nangyaring iyon. Mabilis na tumakbo si Luigi at hinagis ang bola sa ring. Isang three point shot ang nakuha niyang points.

Sa laban na 60 points nila Marco, panalo ang grupo nila Luigi na nakakuha ng 61 points.

"Time out!" sigaw ni Maricris.

Tapos na ang laro. Sobra ang tuwa ng grupo nila Luigi na ang mga kasamahan niya mga taga ibang section lang din. Lumapit sina Marco at Ryan sa amin na puno ng mga pawis ang mukha at hingal na hingal.

"Sayang natalo pa tayo boss." si Ryan.

"Hayaan mo na, importante ay ginawa natin ang lahat." lumapit si Marco sa akin. "Kanina ka pa ba nanonood mahal?" tanong niya.

"Kararating ko lang din." sagot ko.

"Sorry kung natalo kami sa laro nila Luigi."

"Wag ka ngang magsorry sa akin! laro lang naman yon."

"Hindi lang basta laro yon Raine."

Napaisip ako. "Ano'ng hindi basta laro?" tanong ko.

Natigil ang pag-uusap naming dalawa ni Marco nang lumapit sa amin si Luigi.

"Hi Raine." bati sa akin ni Luigi.

Hinarap naming dalawa ni Marco ang kakarating lang na nakangiting Luigi. Nagsimula na namang sumama ang tingin ni Marco sa paglapit nito.

"Congratulations." sabi ko sabay hawak ko nang mahigpit sa kamay ni Marco.

"Thank you Raine." nagpasalamat siya sa akin pero unting-unti nawala ang ngiti niya sa mukha nang makita niyang magka-holding hands kami ni Marco.

"Sa susunod mananalo din kami." ani ni Marco.

"No problem with me pero sa larong natin ngayon sana wag mong kalilimutan ang napagkasunduan natin."

Napangisi si Marco. "Bahala ka!"

Walang emosyon na hinila ako ni Marco papalayo kina Luigi kasama sina Ryan, Mellisa at iba pang ka-grupo. Patungo na kami para lumabas sa loob ng gym. Habang naglalakad ay naka-akbay na si Marco sa akin.

"Ano bang pinagkasunduan ninyo ni Luigi?" tanong ko.

"Wala."

"Ano'ng wala?"

"Basta wala." hindi siya tumingin sa akin.

Napakrus ako ng mga braso. "Gusto mong si Luigi pa ang tanungin ko?"

Natigil siya sa paglalakad kaya nahinto rin ako. "Kasunduan namin kapag nanalo ako sa laro, lalayuan kana niya pero dahil natalo ako. Pwede pa rin siyang lumapit sa'yo."

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon