Chapter 56- Think again Raine

294 14 4
                                    

RAINE'S POV

Pumunta ako ng kusina para silipin ang refrigerator kung anong laman kaso wala roon ang hinahanap kong pagkain. Nakakalungkot dahil gusto kong kumain ng ice cream.

Habang hindi pa dumarating sina mommy at daddy gumala mo na ako sa labas para maghanap ng convenience store ng pagbibilhan ko ng ice cream.

Ako lang mag-isa na lumabas ng gabing iyon. Nang makakita na ako ng convenience store ay bumili na agad ako.

Papalabas na ako ng tindahan ng may nakaabang na agad sa akin sa labas na isang lalaki na pamilyar sa akin. Nakangiti at tila hinihintay ako sa paglabas. Napabuntong hininga nako.

Paglabas ko ay binati na niya ako. "Hi, great timing... mabuti naman at nagkita tayu dito."

Ang lalaking bumati sa akin ay si Luigi na mukhang nahimasmasan na galing sa kalasingan noong huli namin kita.

"Timing? Baka naman sinasadya mo talagang makita ako?"

"No. nandito talaga ako para humanap ng maiinom, but since nagkita tayo. I think next time nalang."

"Well, I don't care if you want to drink tonight, basta wag mong gawin sa loob ng campus 'yon."

"You know what I envy to Marco... Kasi nagkaroon siya ng girlfriend na matino na katulad mo. Marahil dahil sa'yo nagbago na talaga siya."

Napakrus ako ng mga braso. "Hindi nagbago si Marco dahil sa akin, mabait naman talaga siya bago ko pa siya naging boyfriend." sabi ko.

Isang halakhak ang narinig ko sa kanya. "Mabait? C'mon Raine, siguro hindi mo pa alam ko sino ang dating Marco Montellier na boyfriend mo ngayon."

Bigla akong napaisip sa pinagsasabi ni Luigi ngayon. Kung sabagay sa bawat usapan sa mga usapan namin ni Luigi noon lagi nalang hinahadlangan ni Marco.

But this time wala si Marco kaya malaya ko nang malalaman ang tungkol kay Marco,
Napalunok ako bago magsalita.

"Bakit ano ba si Marco noon?" tanong ko.

Napangisi siya. "Alam mo kung bakit pinapabayaan ni Marco na ibully nalang si Denise ni Margarette kahit dati niya itong girlfriend."

"Hindi ko alam kung anong reason ng hiwalayan nila ni Denise, but I think hindi na responsibilidad ni Marco na ipagtanggol pa si Denise dahil matagal na silang wala." paliwanag ko kay Luigi

Napangisi ulit siya. "Hindi 'yon Raine." lumapit siya sa akin. "Because Margarette and Marco are the same. Parehas silang masasama."

"I don't know what you're talking about." napakunot-noo na ako.

"Tulad ni Margarette, Marco is also a bully too... if you don't know. He's the most notorious bully in our school. At kahit ngayon, he loves doing it with Margarette kasi niloko siya ni Denise."

Napayukom ako ng kamao. Bigla namuo ang galit ko sa dibdib sa narinig ko mula sa sinabi niya.

"Sinisiraan mo lang si Marco!" galit na wika ko sa kanya.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit close sila ni Margarette?"

Napaisip ako dahil may point si Luigi. Ilang beses ko narin kasing nahuhuli si Marco na kausap ni Margarette kapag hindi niya ako kasama. Ang nakakapagtataka kasi patago pa ito at minsan ay pinagtatanggol niya pa.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon