Chapter 63- Twin

322 14 4
                                    

RAINE'S POV

Sa dami nang nangyari sa akin noong nakaraang araw kahit na wala pa akong ganang pumasok ay napilitan pa rin ako dahil kunting panahon na lang ay matatapos na ang school year. Sa kinauupuan ko ay lumapit ang isang lalaki na kanina pa nakatingin sa akin.

"Raine... kanina ka pa tahimik?" tanong ni Luigi.

"Gusto kong mapag-isa."

"Iniisip mo pa rin ba si Marco?"

Napatingin ako sa upuan ni Marco kung saan walang naka-upo. Ang lakas ng loob niyang umabsent! Simula nang nag-usap kami noong nakaraang gabi ay hindi ko na siya nakita.

Hanggang ngayon naaalala ko parin ang huling halik niya sa akin. Inaamin ko nagustuhan ko iyon pero ayoko ko nang ma involve sa kanya lalo na nalaman ko ang totoo sa kanya.

"Raine... tulala ka." si Luigi na nasa tabi ko pala.

"Sorry.. may sinasabi ka?"

"Kahit anong gawin ko sayo Raine... hindi mo ko maririnig kasi iba ang iniisip mo."


Sa pagkakataong ito ay napasin ko na siya.

"Diba Luigi,.. sinabi ko na sayo na kahit anong gawin mo papansin sa akin. Wala na akong interest."

"Kasi nga si Marco pa rin ang interest mo."

"Tigilan mo nga ako Luigi. Wala na kami ni Marco, nagbreak na kami."

"I know..."

Hindi ko akalain na alam na niya ang tungkol sa amin ni Marco.

"How did you know?" tanong ko.

"He came to my house last night. Sinapak niya ako dahil sa binigay kong picture sayo. Dahil kasi doon naaalala mo na lahat ta sino siya noon." paliwanag niya.

"Kawawa ka naman Luigi, parang pinanganak ka talagang sapakin ni Marco palagi."

Napabuntong hininga siya. "Sanay na ako kay Marco, Kung hindi mo alam. Ako ang nagturo sa kanyang makipaglaban kaya hindi ko siya masisi."

"So pinagsisihan mo naman na tinuruan mo siya?" tanong ko ulit.

"Yes.. kasi kung hindi siya marunong makipaglaban, hindi ka niya kayang protektahan. Di sana hindi karin mahuhulog sa kanya."

Bahagya akong napangiti. "Hindi naman kasi yun ang dahilan kung bakit nagustuhan ko si Marco."

"Then what?" tanong niya.

"Nagustuhan ko siya dahil magaling siyang manligaw." sagot ko.


Sa tuwing napag-uusapan namin si Marco, inaamin ko na mimiss ko rin siya.

"Doon ako talo kay Marco kasi hindi ako nanliligaw sa isang babae."

"Eh paano ka nagkaka-girlfriend.." tanong ko.

"Sila kasi ang nanliligaw sa akin." pagmamayabang niya.


Napa-iling nalang ako. Kahit kailan mga lalaki mayayabang. Ilang saglit ay lumapit sa amin si Margarette.

"Hey Raine.. can I talk to you."

"Ano naman Queen bully?"

"Totoo ba ang mga balita na nakakaalala kana?" tanong niya.

Bagot akong napatayong at hinarap siya.

"Kahit kailan Margarette lagi ka nalang huli sa balita."

"So totoo nga but anyway... nasaan na si Marco your boyfriend?"

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon