Chapter 28- Project

532 24 3
                                    

RAINE'S POV

Matapos kumain ng tanghalian ay dinala na kaming dalawa ni Biena ni Marco sa kwarto niya. Malawak at maganda ang kwarto ni Marco. May cute pa na teddy bears sa kilid ng kama niya.

"Dito tayo gagawa ng project, binili ko na ang kailangan na material para sa model house natin." sabi niya.

"Mabuti naman pinaghandaan mo, grades natin dalawa ang nakasalalay dito."

"Basta ako, laging handa." sabay ngiti niya.

Naramdaman kong napahawak sa kamay ko si Biena. Napahikab siya. Kalahati ng mata niya ay nakasara.

"Ate Raine, inaantok na ako."

Mukhang pagod na pagod ang mukha ni Biena. Unti-unti nang pumipikit ang kanyang mga mata.

"Gusto mo na bang matulog?" tanong ko.

"Opo..."

"Samahan kitang matulog muna, saan ba kwarto mo?" tanong ko.

"Doon pa sa second floor eh." sagot nito.

Nasa third floor kami ngayon sa kwarto ni Marco kaya kailangan pa naming bumababa.

"Sige... samahan kita."

Hinila ko na siya papuntang pintuan.

"Teka! Dito nalang siya matulog sa kama ko... para mabantayan natin." sabi ni Marco.

Napatingin ako kay Biena. "Dito nalang ako matutulog ate... Raine, ayokong matulog mag-isa, wala si Mommy eh."

"Okay... halika tabihan kita."

Sabay buhat ko sa kanya at pinahiga sa kama ni Marco. Infairness sobrang lambot ng kama ni Marco. Sobrang laki ng kama niya parang may kasama siyang kasama matulog dito. Ang bango-bango pa ng kama niya parang may pabango binuhos dito.

"Pwedeng sumama sa inyong matulog?" nakangising tanong ni Marco sabay higa nito kabilang kilid ni Biena.

"Hindi pwede!" hinablot ko ang teddy bear para ihampas sa ulo niya. 

"Ano ba! Parang sasamahan ko lang kayo humiga masama ba? Kama ko naman ito!" reklamo niya.

"Kama mo nga ito pero mga babae kaming katabi mo! Umalis ka nga dito!"

"Mag-aaway na naman ba kayo Ate Raine?" tanong ni Biena.

Naalala ko tuloy ang nangyari sa kwarto nang umiyak si Biena dahil palagi kaming nag-aaway ni Marco.

"Hindi... nag-uusap lang kami."

"Akala ko nag-aaway na naman kayo."

"Tulog na baby..." sabay yakap ko habang nakahiga kaming dalawa.

Si Marco naman ay nakatingin lang sa amin. Tahimik na pinagmamasdan akong pinapatulog ang kapatid niya.

"Thank you ate Raine..." pumikit na ang mata ni Biena.

Isang saglit lang ay naramdaman kong hindi na siya gumagalaw at nakarinig na ako ng hilik niya. Nakatulog din si Biena. Nakita ko si Marco na bumangon at lumapit sa lamesa kung saan naroroon nakalagay ang mga materials gagamitin sa project namin.

"Tara... gawa na tayo." mahina niyang yaya sa akin.

Nagdahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Biena mula sa pagkakatulog. Lumapit agad ako kay Marco at sinamahan siyang umupo.

"Nandito na ba ang lahat?" tanong ko.

"Yes... Ulan."

Tinignan ko lahat ng material. Lahat ay complete na maliban sa model house na gagayahin namin.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon