MARCO'S POV
Isang malakas na bagsak ko ng baso mismo sa harap ni Ryan.
"Bigyan mo pa ako." wika ko.
Kahit hilong-hilo na ako sa dami nang nainum ko.
"Boss, tama na! kanina ka pa umaaga umiinom. Baka pagalitan ako ng daddy mo."
Napangiti ako kahit nakapikit ako mga mata ko. "Hindi ka pagagalitan nun!"
"Bakit?"
"Kasi hindi naman ako uuwi." Tumingin ulit ako sa lamesa kung saan ko nilagpag ang baso ko. Napansin kong nawala ang baso ko. "Naaaasaan naaa aaang baso ko?" tanong ko.
"Tinapon ko na kasi, ubos na rin ito iniinom natin."
"Di buuumiiiliii ka!" kumuha ako ng five thousand sa bulsa at binigay ko sa kanya. "Ubusin mo yan."
"Tama na boss... kahit anong gawin mong paglalasing, hindi mo pa rin mawawala ang problema mo."
Naalala ko na naman ang mga hinayupak na si Edward at Denise. Nag-flashback na naman sa akin ang ginawa nilang panloloko sa akin kagabi. Ang sakit ng ginawa nila.
"Mga gago kasi sila, Hindi ko kasi makapaniwala na magagawa akong ipagpalit ni Denise sa Edward na iyon." sa tuwing inaalala ko iyon hindi ko talaga mapigilan tulo ng luha ko.
"Hindi nga rin ako makapaniwala na magagawa yon ni Denise, ang babait-bait kasi ng mukha tapos... niloko iiwanan ka rin niya."
"Sabi pa nila sa akin ng walang hiyang Edward na iyon, si Denise ang girlfriend niya noon na after ng one month ay nakipaghiwalay sa kaaaaanya." paliwanag ko kahit hilong-hilo na ako.
"Ibig sabihin ay nililigawan mo palang si Raine yung bestfriend niya, sila ng dalawa?"
"Oo.. pinahirapan lang nila kaming dalawa ni Raine. Sobra ang hirap na dinanas ko sa bestfriend niya mapatunayan ko lang na sincere ako sa kanya.. halos nagkagusto pa nga ako sa Malditang pangit na iyon... Tapos aaaaaang eeeending, wala kaming kaalam-alam ni Raine na sila pala dalawa ni Edward ang mag jowa. Pinaasa lang kami." nakadungo kong wika dahil nahihiya ako sa sarili kong umiiyak ako sa harap mismo ng kaibigan ko.
"So paano na si Raine? Hiwalay na sila ni Edward?"
Hinarap ko ulit si Ryan. "Waaalaaa na sila, magbabalikan na sila ni Denise.. mahal kong iniwan lang din ako." Nakakalungkot isipin pero iniwan ako.
"Paano na si Raine ang bestfriend niya? Masisira friendship nila kasi boyfriend ni Raine si Edward.."
"Waaaaalaaaa na din, mas importante na sa kanya ang lalaki niya kaysa bestfriend niya na wala nang ginawa kundi ang ipagtanggol sa kanya sa pambubully." tumingin ako sa lamesa.
Hilong-hilo na ako pero napansin kong may alak pa sa bote. "Sabi mo wala ng alak bakit may laman pa it" sabay hawak ko sa bote na nasa harap.
"Tama na boss." kinuha niya ang bote at nilayo sa akin nang makatayo na ako ay mas lalo akong nahilo. "Dito ka nalang sa bahay matulog."
Nag-iinuman kami dito sa bahay nila. Nakasampa ang isang braso ko sa leeg niya at mukhang gusto niya akong ipasok sa loob.
"Hindi, ayoooookong matulog.. gusto kong makausap si Deniseeee."
"Bukas muna kausapin." pilit ni Ryan.
"Hindi.. aalis ako." sabay piglas ko kanya.
Hilong-hilo na ako pero kinaya kong tumayo mag-isa at pinuntahan ang motor ko para puntahan si Denise sa bahay nila.
"Boss.. lasing kana! Wag kang magmotor! Mag-taxi ka nalang." hawak niya sa braso ko.
Pumiglas ulit ako at hindi ko siya pinakinggan. Hinawakan ko parin ang motor ko at sumakay para paandarin ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/120982627-288-k70392.jpg)
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.