RAINE'S POV
Nasa likod kami ng driver ni Edward nakaupo habang nagbabyahe kami upang ihatid ako sa bahay namin. Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko tungkol sa babaeng naging girlfriend niya at anong dahilan ng paghihiwalay nila.
Habang tahimik siyang katabi ko ay napatingin ako sa kanya. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang mukha niya ay wala naman akong makitang kapintasan sa kanya. Si Edward hinawalayan? Tanga siguro ang babaeng nagustuhan niya.
"Bakit Raine, meron kabang gustong sabihin?" tanong niya.
Marahil napansin niyang nakatingin pala ako sa kanya.
"Napapaisip lang ako kung anong dahilan ng break up ninyo ng girlfriend mo?"
Bakas sa mukha niya ang lungkot.
"Sinagot niya lang daw ako dahil naawa siya sa akin."
Naawa kay Edward? Meron bang ganoon na naawa lang sa kanya kaya sinagot niya.
"Siguro ubod ng yaman at ganda ang girlfriend mo."
Bigla siyang napangiti. "No Raine, ordinary lang siyang babae."
"Gaano ka ordinary?"
"Hindi galing sa mayamang pamilya at hindi rin sobrang ganda pero simple lang siya at matalino, bukod doon ay magaling din siyang magluto."
"Ganoon ba.."
Bigla pumasok sa isip ko ang bestfriend kong si Denise kasi yun lang ang alam kong babaeng may katagian na ganoon base sa description niya. Akalain mo ba naman. Ang gusto palang klaseng babae ni Edward ay ordinaryong lang.
Halos kabaliktaran ang katangian ng ex niya sa akin maliban sa matalino kasi kahit papaano ay may ibubuga din ako.
"Nandito na tayo sa bahay ninyo Raine." wika ni Edward.
Hindi ko namalayan na nakarating napala kami sa tapat ng bahay naming.
"Salamat Edward sa paghatid."
"Basta ikaw Raine," mabait niyang wika.
Matapos noon ay lumabas na ako ng kotse. Bago pa umalis ang kotse ay nakuha pa niyang ngumiti sa akin.
Nang wala na ang kotse sa harap ko ay napaisip nalang ako.Naalala ko na naman kasi yung nangyari sa classroom na parang inaakit ako ni Edward ng mga mata niya. Inaamin ko na halos mahulog na naman ako ulit kay Edward ng mga sandaling iyon.
Pero habang naglalakad kami ni Edward sa hallway ng buiding para umuwi na. Ako naman ay nakasunod lamang sa kanya sa likod. Ang sa tuwing tinitignan ko ang likod ni Edward ay ang naiimagine ko ay ang likod ni Marco.
Oh my god! Para akong baliw bakit ang likod ni Marco ang nakikita ko. Bigla kong nadampi ang mukha ko ng dalawang beses. Parang napagtanto na marahil ay mahal ko parin si Marco. Nakakainis naman oh! Hindi ko kasama ang Loser nayon pero siya ang palaging nasa isip ko. Bigla ko na naman siyang na miss.
Sa Kwarto ko. Habang nakahiga ako sa kama ay naisipan kong kunin ang phone ko na nasa kilid ko. Sa ika-limang pagkakataon ay dinial ko ulit ang number ni Marco.
Tatawagan ko siya kong kamusta na siya o kamusta na sila ang bestfriend ko. Kung pwede ba na kahit kaibigan nalang kami.
Ngunit sa ika-limang pagkakataun ay hindi ko parin ma contact ang number niya. Siguro binock niya ang number ko. Ramdam ko na talaga ngayon na galit pa rin siya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.
MARCO'S POV
Sa school nagdating ko sa classroom ay wala pa si Denise. Tinanghali na naman yon siguro ng gising.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)