RAINE'S POV
Matapos kung isara ang pinto ng kwarto ko ay namamadali akong bumababa sa hagdan para mag-almusal.
"Oh, ang aga mo ngayon Raine?" gulat na tanong ni Dad.
"Gusto ko kasing maagang pumasok." sabay upo ko sa harap ng lamesa.
"Bakit Raine?" tanong ni Mommy.
"Gusto ko kasing matutuong pumunta ng school na hindi umaasa kay Marco." sagot ko.
"Ayaw mo ba siyang kasama?" si Dad.
"Hindi naman sa ayaw dad pero ayoko lang na umaasa sa kanya, nakakahiya."
"Kung yan ang gusto mo, eh tuturuan na lang namin kung paano ka makakarating doon."
"Thank you dad." nakangiting wika ko.
Mabuti naman ay naiintidihan din nila ang gusto ko. Matapos ang almusal ay tinuro na sa akin ni Daddy kung saan at kung anong jeep ang dapat kong sakyan.
Pinaliwanag naman din nila sa akin na noon palang ay sanay na akong mag-commute. Pinagbigyan rin nila ang gusto ko dahil baka malaking tulong na rin iyon para unti-unting bumalik din ako sa normal kong gawain noon.
Medyo malayo ang school namin sa bahay pero nagsikap akong matuto para hindi na ako palaging umasa kay Marco. Pagdating ko sa classroom ay nagbasa agad ako ng notes sa math namin dahil may quiz daw kami mamaya.
"Hoy Malditang pangit." tawag sa akin mula sa likod.
Paglingon ko ay si Marco nakatayo sa gilid ko at magkasalubong na ang mga kilay.
"Anong problema mo?"
"Bakit wala ka na sa bahay ninyo, pagpunta ko roon?"
"Wag mo na akong kunin sa amin, kaya ko nang pumunta dito sa school mag-isa." sagot ko.
Umupo siya sa upuan niya. "Iniiwasan mo ba ako?" nakakunot-noo pa rin niyang tanong.
"Hindi nuh, pwede gusto ko lang matuto mag-commute." matapos ay nagpatuloy akong mabasa sa notes ko.
"Ikaw bahala, basta mamaya sa math quiz. Pacopyahin mo ko huh." nakangiti niyang wika.
Natigil ako sa pagbabasa. "Anong sabi mo?"
"Pacopyahin mo ko Raine please.." pagmamakaawa niya.
Sa tuwing pinagmamasdan ko ang mukha ni Marco. Para siyang pulubi kong magmakaawa sa akin.
"Mag-aral ka Marco, wag kang umasa sa akin. Kalalaki mong tao, umaasa ka sa akin na isang babae. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo."
"Ngayon lang naman eh." nakasimangot niya wika.
"Ayoko. Manigas ka!" nagpatuloy ako sa pagbasa sa notes ko.
Inagaw niya ang notebook na hawak ko at hinagis sa harap ng blackboard. Ang aga-aga kumukulo na ang dugo sa ginawa niya.
"Bakit mo ginawa yun?" sigaw ko.
"Wag ka nang mag-aral, para parehas tayong zero mamaya." ngiting aso niyang wika.
"Gusto mo talagang mandamay?"
"Oo." walang pag-aalinlangan niyang sagot.
Aba ginagalit talaga ako ng lalaking ito. Kinuha ko ang baseball bat ko sa kilid ng upuan ko at tinutok ang mukha ni Marco.
"Kunin mo notebook ko kundi, hahampasin kita nito!" pananakot ko.
"Kahit kailan walang kang puso!"
Tumayo siya at pinulot ang notebook ko. Palungkot-lungkot pa siya ng mukha nang ibinalik niya sa akin ang notebook ko. Pasensya na, hindi ako naawa sa kanya. Binuklat ko ulit ang notebook ko pero sa pagkakataong ito ang likod ng notes ang nakita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/120982627-288-k70392.jpg)
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
JugendliteraturDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.