A/N : Hello guiz, Sorry kong matagal akong nawala at hindi nakapag-update. Naging busy lang ako sa career ko... hehe. Don't worry tatapusin ko talaga ang story na ito. Thanks for the votes and comments. God bless to all. :)
RAINE'S POV
Sa malaking hotel sa manila ang venue ng student night namin. Maaga pa lang ay narito na kaming dalawa ni Mellisa.
"Hindi sumasagot ng phone si Ryan my loves ko, Raine." sabi ni Mellisa na kanina pa hawak ang phone niya.
"Baka nag dri-drive na yun papunta dito, kaya hindi na sumasagot." sabi ko rin.
Narito kami sa gilid ng malaking venue habang pinagmamasdasan ang mga ibang studyante na naghihintay din na mag-umpisa ang event.
"Eh... si Marco nasaan na rin?" tanong ni Mellisa na parang sumuko narin sa pagtawag kay Ryan.
"Tumawag ako kanina, ang sabi niya ay papunta na siya." sagot ko.
"Ganun ba? Sana magsama yung dalawang yun."
Bahagyang napangiti ako. "Naku... yun pa, impossibleng hindi magkasama ang dalawang yun. Kung tutuosin mas mukhang magjowa pa si Marco at Ryan kaysa sa atin." biro ko.
Natawa na lang si Mellisa at mukhang sang-ayon siya sa sinabi ko. Isang malakas na tilian ng mga babae ang biglang nagpatigil sa usapan namin ni Mellisa.
"Anong ingay 'yon?" tanong ni Mellisa.
Napalingon agad kaming dalawa kung saan galing ang ingay na iyon.
Si Edward, nakangiting na nakasuot na itim na Americana. Para siyang isang prinsipe kung maglakad sa tuwing papasok dito venue namin. Sa oras na ito, Kahit sinong babaeng nakatingin sa kanya ay gusto siyang maka-date ngayong gabi.
"Ang gwapo ni Edward noh?" sabi ni Mellisa.
"Oo nga." sang-ayon ko dahil 'yon ang nakita naming dalawa ni Mellisa kay Edward ngayon.
"Ang swerte siguro ng magiging last dance niya noh..." kasabay ng kaunting kilig na tono nito.
"Sinabi mo pa." nakangiti ko ring sabi.
Para kaming natulala at tila parang na gayuma kami ni Mellisa sa mga oras na iyon.
"Aha! Sinong gwapo ang pinag-uusapan ninyo?" tanong ng dalawang boses ng lalaki mula likod namin.
Natigilan ako dahil tila pamilyar sa akin ang mga boses na iyon.
"Bulag ka ba! Di mo nakikita... Syempre si Edward." sagot agad ni Mellisa sabay lingon.
Nang makita kong hindi na maipinta ang mukha ni Mellisa at biglang napipi ay kinabahan na ako. Paglingon ko ay sina Marco at Ryan, nakakunot-noong nakatingin sa amin.
Nagkatinginan kami ni Mellisa sa isat-isa. Isa lang ang nasa isip namin, yun ay paano namin malalagpasan ito. Sa narinig nila sa amin, marahil kung ano-anu na ang tumatakbo sa isip nila.
Napangiti kaming dalawa ni Mellisa pero deep inside para ang lakas na nang kabog ng dibdib namin. Iniisip siguro nila may gusto kaming dalawa ni Mellisa kay Edward.
"Gwapo pala huh... edi si Edward na lang ang date ninyo." masungit na wika ni Marco sabay talikod.
"Oo nga... kung sabagay mas gwapo naman siya sa amin." dagdag pa ni Ryan at tuluyan na kaming iniwan ng dalawa.
Aba! Parang yun lang nagalit agad?
"Ang OA naman ng mga lalaking iyon?" nakanunot noo na wika ni Mellisa.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.