RAINE'S POV
Sa harap ng salamin ay abala akong sinusuot ang bagong pulang hikaw sa isang jewelry shop na binili namin kahapon ni Marco. Nang saktong matapos ko iyong suotin ay may kamatok sa pintuan.
"Sino yan?" tanong ko habang inaayos pa rin ang buhok at tinitignan ang make-up ko.
"Ma'am Raine, tinatawag na kayo ng mommy mo!" sigaw ni Yaya Amanda sa labas.
Tumayo muna ako sandali para tignan ang kabuuan ko. This dress is perfect for me, halos bumagay sa bangkinitan kong bewang.
"Oo pababa na ako."
Suot ang white whole dress na binigay sa akin ni Marco kagabi ay namamadaling ako bumama papuntang sala. Nakita ko doon na nakatayo sina Mommy at Daddy na nakabihis na at tila handa na rin.
"Ang tanggal munang magbihis Raine." Reklamo ni Mommy.
"Pabayaan mo na yan honey... nagpapaganda kasi yan dahil magkikita sila ng boyfriend niya doon." asar ni Dad habang inaayos pa ang neck tie nito.
Sa daddy naman oh. Pinahihiya ako.
"Syempre kailangan kong magpaganda kasi kasal yon nila Tita Cass at Tito Henry."
"Ang sabihin mo ang future manugang ko ang pinagagandahan mo doon." asar din ni Mommy.
"Mommy!" masama na ang tingin ko sa kanya.
Napangiti na lang si Daddy at napatingin sa relo. "Shall we go, baka ma-late na tayo sa kasalan ng kompare ko."
Napatango kami ni Mommy. "Punta na tayo dad," wika ko.
"Tara... baka na mi-miss na ni Raine si Mahal niya."
Nakakadalawa na talaga itong si Mommy ayaw talaga akong tigilan sa pang-aasar. Hay naku. Mga parents ko masyadong akong kinukulit pagdating sa love life ko.
Pumunta na kami sa garage para sumakay ng kotse. Ilang minuto nang byahe ay nakarating din kami ng matiwasay sa simbahan. Mabuti nalang pagdating namin doon ay hindi pa dumating ang ikakasal na bride na si Tita Cass.
Sobrang daming inbitado sa okasyon at masasabi kong karamihan nito ay negosyante rin tulad ng daddy ni Marco.
Sa simbahan ay nakipag-usap muna si Dad at Mom sa ibang kilalang bisita na naroroon. Ako naman ay sa entrance palang ay sinalubong na ako ni Marco at kinuha ako. Pumayag naman ang parents ko na hiramin ako ni Marco.
"You're beautiful Raine."
"Thank you... Mahal." sabay ngiti ko.
He's wearing black tuxedo na bumagay din sa matikas niyang pangangatawan. Hawak niya ang palad ko nang pumasok kami sa simbahan at siya ang nagsilbing escort ko.
Nang dumating ang bride ay nagsimula na agad ang seremonya. Sayang hindi ko nadala ang camera ko para mapicturan si Biena na flower girl din sa kasal na ito.
Nasa harap kaming dalawa ni Marco naka-upo hanggang matapos ang kasalan.
"You may now kiss the bride." sabi ng pari.
Hinalikan ni Tito Henry si Tita Cass. Kaming lahat naman na nonood ay nagpalakpakan at naghiyawan pati si Biena na katabi ko rin.
"Ate Raine... bagay sila nu?" tanong ni Biena.
"Oo... naman." sagot ko.
"Kayo din ni Kuya Marco bagay din kayo." maliit na boses ni Biena.
Napangiti nalang kami dalawa ni Marco. "Ikaw wala ka bang boyfriend?" tanong ko din.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.