Chapter 14- Past

742 39 3
                                    

RAINE'S POV 

Umabot ako sa park dahil sa kakatakbo para lang lumayo sa bestfriend kong halos naging kapatid kong ituring. Hindi ko maintindihan kong bakit sa kabila ng pagiging mabait ko sa kanya ay nakuha niya akong traydorin at saktan ng ganito.

Halos manghina ang buong katawan ko sa nangyaring ito. Ano bang nagawa ko kay Denise ay nagawa niyang akitin si Edward ko?

Sobrang naguguluhan na ako sa tuwing naalala ko ang nakita ko kanina paulit-ulit nagfla-flashback sa isip ko ang eksenang iyon. Bakit nagawa ito sa akin ni Edward? Bakit niya hinalikan si Denise at niyakap na parang nilasap-lasap nila ang isat-isa?

Naguguluhan ako. Gusto kong sumigaw at saktan silang dalawa. Sobra akong nahihiya sa sarili ko. May kulang pa ba sa akin para maghanap si Edward ng iba at mismong ang bestfriend ko ang gusto niyang ipalit sa akin.

Sa tuwing iniisip ko ito ay hindi ko maiwasang manikip ang dibdib ko. Sobrang sakit na para bang halos nahihirapan akong makahinga. Wala na akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak dito mag-isa. Feeling ko tuloy ay walang akong kwentang tao.

"Ang sasama ninyo!! Mamatay na sana kayo!" napalingon ako sa bandang kilid matapos kong marinig ang sigaw ng isang batang babae.

Naka-upo sa damuhan at pinagkakaisahan ng limang lalaki.

"Anong sabi mo!" sabay bato ng batang lalaki ng buhangin sa batang babaeng pinagtutulungan nila.

Biglang nagflashback sa akin ang aking nakaraan ng makita ko iyon.

I was 9 years old ng minsang lumapit sa akin ang kaibigan ko na ang pangalan ay Cloe. She's my classmate since kinder hanggang ngayon. Sa lahat ng classmate ko ay siya lang din ang palagi kong kausap dahil seatmate ko siya.

"Raine, tulungan mo naman ako." Wika niya habang nagda-drawing ako ng mga oras na iyon.

"Ano?" tanong ko. Natigil ako sa ginagawa ko dahil sa pagdating niya.

"May gusto sana ang ipautos sayo kahit ngayon lang. Kung okay lang sayo."

"Ano naman?"

Pinakita sa akin ang isang papel na nakapilo. "Kung okay lang sayo, gusto kong pakibigay sana ito kay Luigi na taga ibang section F."

Kinabahan ako sa utos niya dahil hindi ako nagpupunta sa section na iyon at hindi din ako tipo ng batang nakikipag-usap sa hindi ko kilala.

"Pwedeng ikaw na lang.. kasi wala akong kilala doon."

"Please Raine, tulungan mo ko.. nakikiya kasi ibigay sa kanya ng harapan."

"Ano ba kasi yan?" tanong ko.

"Love letter."

Mas lalo akong kinabahan dahil love letter pala ang gusto niyang ipadala. Hay naku itong si Cloe, ang bata-bata pa love na agad ang iniisip.

"Ayoko.. hindi ko kilala yang Luigi na yan." tanggi ko.

"Sige na Raine, kahit ngayon lang." pilit niya.

Napabuntong hininga nalang ako. "Okay papayag na ako pero pwedeng basahin ko muna."

"O sige." pumayag naman siya.

Curious din ako kaya kinuha ko ang inabot niya at binasa. Habang binabasa ko ang love letter niya ay sumakit ang ulo ko dahil ang pangit ng handwriting niya, parang grade one pa.

"Ang pangit naman ng handwriting mo!" sabi ko.

"Pangit ba?" tanong niya.

"Oo.. sobrang pangit, kasit pangit nating dalawa." pranka kong sabi sa kanya.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon