RAINE'S POV
Narito kaming dalawa ni Mellisa sa bleacher kung saan ay nanonood kami ng basketball nila Ryan.
"Go Ryan my loves... kaya ninyo yan!" sigaw ni Mellisa na kanina pa nagche-cheer sa boyfriend niya.
Samantalang ako ay nanonood lang. Wala ako sa mood sumigaw o mag cheer man lang sa kanila dahil wala si Marco sa komonan nila Ryan. Nang makapasok ng isang puntos si Ryan. Kitang-kita na ang panalo, walang iba kundi sila. Sabay time-out. Panalo na sina Ryan.
Sa tuwa ni Mellisa ay tumakbo ito sa boyfriend niya at iniwan ako. Pinabayaan ko nalang, kaibigan ko naman ang dalawang iyon. Mabuti pa sina Mellisa at Ryan ang saya-saya samantalang ako ang lungkot-lungkot.
Umalis na ako ng bleacher, nagpasyang bumalik sa room. Nagtext na ako kay Mellisa upang hindi na nila ako hanapin mamaya. Paglabas ko ng gym ay nakasalubong ko si Marco. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila malayo sa mga tao.
"Alam mo ba kanina pa kita hinahanap?" hingal niya wika. Tila sa itsura niyang pawisan ay kanina pa siguro siya naglalakad.
"Hindi sa bawat oras Marco, kasama mo ako." ayoko tumingin sa mga mata niya.
Hanggang ngayon pa rin kasi ay masama parin ang loob ko sa kanya dahil sa hindi niya pagsabi tungkol sa kanila ni Luigi na magbestfriend sila noon.
"Iniwasan mo lang ako dahil tungkol sa nalaman mo kay Luigi... Three days na yon, galit ka parin ba."
"Oo nga! three days na ang nakakalipas pero hindi mo pa rin sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit nilihim mo yun sa akin?"
Napakunot-noo na rin siya. "Hindi naman importante 'yon, Raine..." tila naiirita narin ang tono niya.
"Importante 'yon sa akin Marco... Ano pa bang secreto mo? At ayaw mong pag-usapan natin ang tungkol kay Luigi." usisa ko pa sa kanya.
"Wala! Wala!"
"Kung ayaw mong sabihin ... wag mo muna akong kausapin." tinalikuran ko na siya at hindi pinansin.
Mahal ko si Marco pero ang lihiman niya ako ay hindi ko kayang matanggap lalo na ngayon na may amnesia ako.
"Teka.. lang!" pahabol ni Marco.
Tumakbo siya at hinarangan ang daan ko.
"Ano ba Marco?" inis na wika ko. Kahit kailan ay makulit talaga siya.
"Before ka umalis... may tanong sana ako.. sana sagutin mo ako Raine please." pagmamakaawa niya.
Sa totoo lang nakakaawa na siya tignan dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya pero kung tanong lang, pagbibigyan ko nalang baka sakaling kung masagot ko na ay lubayan na niya ako pansamantala. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Ano 'yon?"
Lumunok siya ng malalim na parang kinakabahan. "May peklat kaba sa likod?" tanong niya.
Anong klaseng tanong yan? Parang walang kasense-sense ang topic ng tanong niya.
"Yun lang ba ang tanong mo?"
"Oo..." mabilis niyang sagot.
"I don't know." sagot ko.
"Bakit hindi mo alam?" tumataas na ang boses niya.
"Nakikita ko ba likod ko? huh! Wala naman kwenta ang tanong mo."
"Dapat alam mo... dahil katawan mo yan."
"Duh... Marco, wala din akong interest pang alamin pa yun. Okay. I'm leaving." tumalikod na ako sa kanya. Sa ibang daan nalang ako daraan para maiwasan siya.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.