MARCO'S POV
Sa oras ng usapan namin ay maaga akong nakarating sa park. Eight o clock ang usapan namin kaya mga seven thirty at narito na ako. Habang naghihintay ay naupo muna ako sa bench kung saan kami palaging nakaupo nila Raine at Denise noon.
Ilang saglit nang paghihintay ay ang unang dumating ay si Raine. Simple white dress lang siya. Ang ganda-ganda niya at naka-make up pa. Nagpaganda talaga siya sa boyfriend niyang si Edward. Hindi na ako magugulat pa kung paghandaan niya ito. Lalo na first time niyang makakasama sa date ang gusto niyang si Edward.
"Kanina ka pa?" tanong niya.
"Ngayon lang." sagot ko.
Umupo din siya sa bench pero malayo ang distansya namin. Nasa dulo ako ng bench at nasa bandang dulo na rin siya sa kabila. Nasaan na ba si Denise ang girlfriend ko? Kahit sa una namin date ay late parin siyang dumating. Wala silang pinagkaiba ni Edward puro late kung dumating kahit sa sa unang double date namin.
Lumingon ako kay Raine na tahimik na nakatingin sa paligid. Kakausapin ko na lang siya. Madali akong mainip pag walang kausap. Inaamin kong madaldal din ako.
"My president pala ang tawag sa boyfriend mo?" tanong ko.
"My Vice din kasi ang tawag niya sa akin kaya.. 'yon na ang endearment namin." sagot niya.
"Ang unique ng endearment ninyo hindi katulad sa amin na masyadong common."
"Hindi naman importante ano'ng endearment ninyo as long as doon kayo comportable."
Totoo nga naman. May punto siya. Babe kasi ang comportable kong itawag sa kanya kay Denise.
"Kamusta na kayo ni Denise?" tanong niya.
"Okay kami.. sobrang bait niya sa akin, pinagluto nga niya ako sa bahay ng favorite kong beef stake."
"So pinakilala mo na siya sa parents mo?" bahagya siyang ngumiti.
"Oo... Actually gusto siya ng parents ko."
Dinala ko si Denise sa amin kagabi. Natural lang na ipakilala ko din si Denise sa pamilya ko dahil unang hakbang ko iyon para matutunan kong gustohin siya. Maabilidad si Denise sa kusina kaya nagustuhan siya nila Dad at Tita Cass.
"Then I'm glad to hear that.. mabuti hindi tutol ang parents mo sa bestfriend ko." mabait niyang wika.
"Gusto siya ng bago kong mommy dahil parehas silang ng interest sa pagluluto."
"Sana maging masaya kayo."
"Kailan mo ipakilala si Edward sa parents mo?" tanong ko.
"Siguro mamaya after sa date." sagot niya.
"Sana magustuhan siya ng parents mo."
"Kahit hindi ko napapakilala si Edward alam kong magugustuhan siya ng parents ko."
"Paano na sabi?" tanong ko.
"In my eyes Edward is a perfect guy, maski isang kapintasan wala akong nakita sa kanya." sagot niya.
Alam kong sasabihin niya iyon. Naaalala ko na high standard girl pala ang kausap ko. Si Edward talaga ang bet niya sa umpisa palang kaya ganito nalang siya ka walang puso sa aming lalaking naghihirap na ligawan siya.
Si Edward pa talaga ang naging first boyfriend niya na hindi man lang siya niligawan. Ang tanga-tanga ko talaga kung bakit nahulog pa ako sa katulad niya na wala ng ginawa kundi ang sarili lang ang iniisip.
"Sana hindi ka niya saktan." sabi ko.
"Impossibleng mangyari yan.. gagawin ko ang lahat para na maramdaman niyang naging maswerte siyang naging girlfriend niya ako."
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.