RAINE'S POV
Nasa harap ako ng salamin habang inaayos ko ang sarili bago pumasok sa school nang biglang tumunog ang phone ko na nakalagay sa lamesa.
Kinuha ko iyon. Gwapo is calling...
Matagal na sa akin ang bagong phone ko pero never ko pang nalaman kung sino ang "gwapo" na naka-phonebook dito. Sinagot ko ito agad.
Me : "Hello?"
Him : "Nasaan ka na ba?" sa tono ng boses niya ay parang naiinip na siya.
Me : "Sino ba ito?" napakunot-noo kong tanong.
Him : "Si Kidlat."
Akalain ko ba naman na ang Marco the Loser pala ang may ari ng number na ito. Bakit kaya naka-phonebook agad phone number niya dito.
Him : "Ulan... pumunta ka na dito?"
Me : "Nandito pa ako sa bahay nagbibihis."
Him : "Agahan mong pumunta dito."
Me : "Bakit?"
Him : "May naghahanap sayo."
Me : "Sino?"
Him : "Basta secret."
Me : "Wala kang kwenta kausap!"
Him : "Basta hihintayin kita dito! bilisan mo huh, wag kang ma-late! Kapag nalate ka humanda ka sa akin!"
Aba! siya na nga ang nakikiusap. Siya pa itong sobrang demanding!
End call...
Matapos niyang sabihin ang pakay niya sa akin ay pinutol na niya agad ang linya. Hindi man lang nagba-bye. Humanda siya sa akin pagdating doon. Ang aga-aga pinaiinit niya ulo ko. Akala mo kung sinong makademand sa akin. Nagmamadali akong kinuha ang bag ko at lumabas sa kwarto.
Pagdating sa school ay mag-isa akong naglalakad papasok sa gate nang mapansin kong lahat ng studyanteng babae na nadadaanan ko ay nakatingin sa akin.
May dumi ba ako sa mukha? Nawe-weirduhan ako sa kanila pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Isang babaeng hindi ko kilala ang nakangiting lumapit sa akin.
"Happy Roses day." bati niya.
Binigyan niya ako ng isang rosas. Taka akong tinanggap iyon.
"Para saan ito?" tanong ko.
Ngumiti lang siya at umalis. Ang weird, pagkatapos niya akong bigyan nito ay umalis agad. Nagpatuloy ako sa paglakad papuntang building.
Isang grupo ng mga babae ang sabay na sumigaw. "Happy Roses day." bati nila sa akin.
Naguguluhan na ako sa nangyayari sa mga studyante dito. "Happy roses day din.." bati ko din sa kanila at naglakad ulit patungong elevator.
Lahat ng lalaking madaanan ko rin doon ay bumabati din sa akin. "Happy Roses day Raine." sabay abot ng mga roses.
"Thank you..." sabay tanggap ng mga roses matapos ay pumasok ng elevator.
Ano bang nangyayari dito? Kinakabahan na ako. Nang nasara na ang pintuan ng elevator ay nakasama ko ang mga classmates ko.
"Happy Roses day!!!" sigaw nila tapos nagpaulan sila ng mga rose petals. Halos mabingi ako sa paulit-ulit nilang sigaw. "Happy Roses day."
"Anong problema ninyo? Anong happy Roses day?" tanong ko sa kanila.
Hindi sila sumagot pero nakangiti lang silang lahat. Nang bumukas ang elevator ay bigla silang lahat naglabasan. Sumunod din ako sa kanila sa paglabas sa loob. Lumapit sa akin ang nakangiting Mellisa.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Fiksi RemajaDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.