MARCO'S POV
Dumating na ang hapon pero ayaw pang umuwi ni Biena kaya hindi rin ako maka-uwi. Gusto pa kasi niyang makasama maglaro si Ate Raine niya.
Habang naglalaro sila ni Raine ako naman ay nakaupo lang sa sofa ng sala at nakatingin sa kanila. Ilang saglit ay lumapit si Biena.
"Kuya, nagugutom ako."
"Eh ano naman kung nagugutom ka?"
"Gusto kong kumain."
Lumapit din si Raine. "Ano bang gusto mong kainin?" tanong niya kay Biena.
"Spaghetti." sagot nito.
"Marco, bakit di ka magluto ng spaghetti? Diba marunong kang magluto noon?" wika ni Tita nasa likod ko pala nakatayo.
Matagal-tagal na ako hindi nakakaluto ng spaghetti. Noong una kung luto ay para kay Raine ang niluto kong spaghetti noong nililigawan ko pa siya. Kaso binasted lang ako.
"Kuya please.. luto kana." pagmamakaawa ni Biena.
"Marunong ka palang magluto Marco?" tanong ni Raine.
"Alam mong marunong akong magluto Raine, kaso nagka-amnesia ka kaya nakalimutan mo!"
"Okay sorry.. nakalimutan ko." matapos ay inirapan ako.
"Kuya.. naman eh.. nagugutom na ako." pangungulit ni Biena.
Kawawa na talaga ang mukha ni Biena kaya lulutuan ko nalang siya. Na-miss ko narin ang magluto. Pumunta na ako sa kusina para lutuan sila ng spaghetti. Matapos ang dalawang oras ay naluto na ang spaghetti.
"Kuya.. luto na ba nagugutom na ako."
Pangungulit ni Biena katabi si Raine sa lamesa. Namamadali na nga ako masyado pang demanding ang kapatid ko. Wala silang pinagkaiba ni Raine. Mas bagay nga silang magkapatid.
"Teka lang... pwede maghintay!"
"Ako rin nagugutom narin ako!" pagpaparinig din ni Raine.
May balak din palang kumain ang masungit ng niluto kong spaghetti. Nang mapansin nilang nilalagay ko na sa plato ang spaghetti niluto ko ay nagsimula nang ngumiti ang dalawa na kanina pa naghihintay. Matapos kong ilagay sa plato ang spaghetti ay nilapag ko na sa lamesa mismo sa harap nila ni Raine.
"Chaaaanaaan.. nandito na ang spaghetti ninyo." sabi ko.
Nang nasa harap na nila ang spaghetti ang naging malungkot ang mukha nilang dalawa. Anong bang problema nila at bigla na lang silang nalungkot? Isang patak ng luha ang pumatak mula sa mata ni Biena.
"Ano'ng nangyari sayo at umiiyak ka dyan?" tanong ko kay Biena.
"Kuya, bakit walang cheese?" malungkot niyang tanong.
"Duh.. akala ko ako lang ang nakapansin, ikaw din pala Biena." reklamo rin ni Raine.
Nakakabadtrip na sila. Wala talaga silang pinagkaiba pati sa pagkain pareho silang masyadong maarte..
"Kuya.. I want cheese." malungkot niyang wika.
"Kayo nalang magluto! Andami ninyong reklamo!"
Si Tita Irish ay tumawa sa amin tatlo.
"Ako nalang maglalagay ng cheese Marco.. Umupo kana."
Mabuti ay tinutulungan ako ni Tita Irish sa dalawang maarte na ito.
"Ano galit kana?" tanong ni Raine.
"Sinong hindi magagalit eh ang arte ninyong dalawa." sagot ko.
Binigyan lang ako ng fake smile. Pasalamat siya ay bahay niya ito kung hindi ikukulong ko siya sa kwarto ko habambuhay. Nang dumating na ang spaghetti with cheese na dala ng mommy ni Raine ay tinikman na agad ni Biena.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)