Chapter 66- Margarette's Cofession

332 13 2
                                    

RAINE'S POV

Kinabukasan ay nagising akong hawak ang kamay ni Denise na nahihimbing parin sa tulog. Marahil napagod siya sa kakaiyak simula kagabi.

Napagtingin agad ako sa relo ko at nakita kong alas otso na pala ng umaga. Kahit ako ay napagod din sa nangyari kagabi kaya pati din ako ay tinanghali narin gising.

Habang nakaupo ako sa gilid ng kama ni Denise ay napalingon agad ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto. Si Edward na may dalang pagkain. Maliwalas na ang mukha nito, hindi katulad ng huling pag-uusap naming dalawa.

"Salamat Raine sa pagbabantay kay Denise habang wala ako." lapit niya sa akin.

"Wala yun..." sagot ko naman.

"Pinuntahan ko na ang pamilya ni Denise kagabi... pinagpaalam ko ang nangyari sa kanila at baka mamaya pupunta na sila para bisitahin siya."

"Mabuti naman." mabait kong wika.

Umupo si Edward sa kabilang upuan sa gilid din ng kama ni Denise. Pinagmamasdan niya ito habang nahihimbing ito ng tulog.

Sa tuwing nakikita ko ang sincere na tingin ni Edward sa bestfriend kong si Denise parang gumagaan na ang pakiramdam ko dahil alam kong nasa mabuting kamay na kaibigan ko.

"Kamusta na kayo ni Marco?" biglang tanong ni Edward.

Natigilan ako at napa-isip sa sandaling iyon. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang nakapagtanong si Edward tungkol sa relasyon namin ni Marco. Bigla ko na naman naaalala ang mukha ni Marco sa isipan ko.

"Ang totoo nyan Edward, nag break na kami." malungkot na wika ko.

"Bakit?" mahinang tanong nito.

Para hindi na masyadong humaba ang usapan namin ay kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari at sinabi ko na rin ang dahilan ng pagiging heartbreaker ko sa mga nanliligaw ko.

Habang nakikinig siya sa kwento ko ay maging siya ay hindi makapaniwala sa nakaraan ko. Na naging target din ako ng mga bully noon.

"Kaya pala ganoon na lang pala ang pagtatanggol mo kay Denise sa mga nambubully sa kanya dahil maski ikaw ay nakaraanas din nito." si Edward.

Napatango ako. "Oo Edward... alam ko ang feeling ng mabully kaya nang malaman ko ang pambubully na ginagawa sa kanya ni Margarette. Nagtransfer agad ako sa Elite Central High para ipagtanggol siya."

"Now I finally realized na your such a good friend Raine, ang swerte ni Denise na nagkaroon siya ng kaibigang tulad mo."

"Maswerte din naman ako kay Denise kasi kahit na maldita at mainitin ang ulo ko ay lagi niya akong iniintindi..."

Napangiti nalang si Edward sa sinabi ko. Ilang saglit ng pag-uusap namin ay unti-unti nang dumidilat ang mata ni Denise. Nang makita niyang nakapaligid kami sa kanya ay tuluyan na siyang nagising.

"Nandito pa rin kayo.." wika niya na mukhang inaantok pa.

"Hinihintay ka namin gumising." sagot ni Edward.

"Pasensya na sa inyo, pati kayo na puyat sa kababatay sa akin."

"Ang importante magpalakas ka kasi malapit na matapos ang school year, diba nga sabay tayo gra-graduate." wika ko.

Kahit namumutla pa si Denise ay puminta na sa mukha niya ang mga ngiti. Atleast kahit paano ay unti-unti niyang nalilimutan ang kalungkutan niya kagabi.

"Salamat Raine." hinawakan niya ang kamay ko at ngumuti ulit. Ginantihan ko rin ng ngiti na pinakita niya sa akin.

Sa pag-uusap namin ay dumating na sina Ryan at Mellisa na may dalang bulaklak.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon