Chapter 37- Dear Future wife

540 16 4
                                        

MARCO'S POV

Maaga akong pumasok sa school para maunahan ko si Raine pumasok para batiin siya. Papasok palang ako ng gate ay nagtitinginan na ang mga studyanteng nadadaanan ko at ang iba ay nagbubulungan pa.

Anong problema nila? Natatarantang lumapit si Ryan sa akin at hingal na hingal.

"Boss! May bad news ako."

Kinakabahan ako sa sasabihin ni Ryan. Napakaseryoso ng mukha niya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganoon.

"Bakit pre?"

"Nagkalat sa buiding natin yung picture ninyong dalawa ni Raine na parang halos magkahalikan." sumbong niya.

"Anong picture?"

"Basta boss sumama ka sa akin!"

Bigla siyang tumakbo papalayo sa kin kaya sinundan ko agad siya. Pagdating namin dalawa sa buiding ay nakita ko kung saan-saang parte ng building ang picture namin dalawa ni Raine. Lahat ng studyante roon ay nakatingin sa akin. Kumuha ako ng isang picture.

Nang pinagmasdan ko iyon ay nagflash back sa akin ang picture na pinakita sa akin ni Raine noong hindi pa siya nagka-amnesia. Ang picture na halos magkahalikan kami sa hagdan.

Ang picture na ginamit ni Margarette na pang-black mail kay Raine para mabully ulit si Denise.

"Sino kaya ang nagkalat nito dito?" si Ryan na napatanong sa akin.

"Kilala ko kung sino ang may kagagawan nito. Kundi si Margarette pre." sagot ko.

"Huh? Paanong siya?"

"Pumunta tayo sa classroom."

Galit na galit akong tumungo sa classroom para hanapin si Margarette. Palagi nalang siya gumagawa ng problema sa amin. Pagdating ko roon ay nadatnan ko na si Margarette at Raine na nagkakainitan na ng ulo.

"Ikaw lang ang may galit sa akin kaya umamin kana Margarette!" sigaw ni Raine.

Ang bilis ni Raine at nakakakita agad siya nang mabibintangan sa skandalong ito.

"Raine..." lumapit ako sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang Marco? May alam ka ba sa picture natin dalawa na nagkakalata dito?" tanong niya.

Pinaliligiran na kami ng mga classmate namin. Si Margarette tulad ng dati ay kalmado lang sa pangyayari. Bakas sa mukha niya na parang wala siyang kinalaman sa nagkalat na picture namin ni Raine.

"Ang picture na ito ay galing kay Margarette, pinikturan tayo noon para pamblack mail sa'yo Raine. Ginawa niya iyon para mabully nila ulit si Denise." pagtatapat ko.

Maraming classmate namin ang nakarinig sa sinabi ko.

"Ano?" bulaslas ni Raine nanlisik na naman ang mga mata niya kay Margarette.

Gulat si Margarette sa sinabi ko. Marahil hindi niya alam na sinabi sa akin ni Raine ang tungkol dito. Bago pa ito ma-aksidente at magka-amnesia.

"Sumama ka sa akin Marco!" hinila ako ni Margarette papalabas ng room.

Sumama ako sa kanya para maka-usap din siya. Iniwan namin si Raine sa loob kasama ang ibang classmate namin. Dinala ako ni Margarette sa bandang hagdan na walang studyanteng dumadaan.

"Alam mo ang tungkol sa picture na ito?" tanong sa akin Margarette.

Bakas sa mukha niya na namumutla na siya sa kaba.

"Oo queen bully! sinabi sa akin ni Raine! Sabihin mo nga sa akin.. bakit ba ginagawa mo ito?"

"Ano pang sinabi niya sa'yo?"

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon