Chapter 43- Our Password

433 18 0
                                    

RAINE'S POV

"Edward Abuena." tawag ni Sir Ocampo.

"Present sir." sagot ni Edward.

Matapos ang discussion ay nag-check na si Sir Ocampo ng attendance namin. Tinawag na rin ang ibang classmate namin.

"Denise Matrigal." tawag ni Sir.

Walang sumagot.

"Absent sir." si Ryan na ang sumagot.

Napatingin ako sa upuan ni Denise. Nakita kong bakante ang upuan niya. Simula nang makita ko siyang nahimatay ay palagi na siyang absent. Hindi naman siya ganito noon.

"Wala bang iniwang excuse letter sa inyo si Denise?" tanong ni Sir.

Walang sumagot sa mga classmate ko at tahimik silang lahat. Napabuntong hininga nalang si Sir at napailing habang sinarado ang class record niya.

"Kapag pumasok si Denise, pakisabi na puntahan ako sa office." wika ni Sir.

"Yes Sir." sagot ng ibang classmate ko.

"Okay... Goodbye class." sabay alis ni Sir.

Sa pag-alis ni Sir ay nag-umpisa na naman maging maingay dito sa loob. Mga classmate ko palagi nalang nagdadalan kapag walang teacher. Sa tuwing napapatingin ako sa upuan ni Denise palagi nalang akong napapaisip sa kanya. Ano naman kaya nangyari sa kanya?

"Ulan..." tawag sa akin ni Marco.

"Bakit?" lingon ko.

Nilapit niya ang upuan niya sa akin. "Sama ka sa akin." nakangiti niyang sabi.

"At saan naman tayo pupunta?" stricta kong tanong.

"Basta." sabik niyang sabi.

"Ayoko! baka saan mo pa ako dalhin."

Hindi ko na siya tinignan ay binuklat ang book na nasa harapan ko. Ilang sandali ay bigla niyang inagaw sa akin ang librong nabuklat ko na kanina. Unti-unti na akong nang naiinis sa kanya.

"Ibalik mo yan!"

"Libro o Ako?" galit na tanong niya.

"Ibalik mo yan habang mabait pa ako Marco." pananakot kong tono.

Naniningkit ang mata ko sa kanya. Nagtitimpi na ako sa kanya. Kung hindi pa niya ibibigay ngayon ay masasaktan ko na siya.

"Hindi mo ko mahal, sarili mo lang ang mahal mo."

"Wag kang OA Marco... ibalik na sabi yan!" unti-unti ng tumataas ang boses ko.

Tumayo siya at lumayo sa akin. "Kapag hindi mo ko sinundan, hindi ko ibibigay to sayo." sabay takbo papalabas ng classroom.


Sira ulo talaga ang Loser na yon! Napabuntong hininga ako. Saan ba kasi niya ako dadalhin? Recess time na rin kaya sumunod nalang din ako sa kanya. Paglabas ko ng classroom ay inaabangan pala niya akong lumabas. Inakbayan niya ako.

"Susunod ka rin pala eh..." nakangiting sabi niya.

"Baliw!" mabigat ang braso niyang nakapatong sa balikat ko.

Pinabayaan ko na lang kasi ang mukha niya parang ngiting aso sa tuwing napapadaan kami sa hallway.

"Brad... Girlfriend ko.." tawag niya sa mga lalaking nadadaanan namin. Anong ginagawa ng Loser na ito? "Pre... Girlfriend ko si Raine." sabi pa niya sa iba. Baliw talaga itong si Marco! Pinagyayabang ba naman niya ako sa mga lalaking nadadaan namin. "Brad ... Girlfriend ko si Raine." tawag pa nito ulit sa mga nagkukumpulang lalaki.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon