Chapter 17- Blush

754 33 9
                                    

MARCO'S POV

Isang ingay ng cellphone ang narinig namin tatlo ni Raine at ni Tita Irish mula sa lamesa na nakalagay sa kilid ng kama. Dali iyong sinagot ni Tita Irish. Siguro ay sa kanya ang cellphone na iyon.

"Hello," sagot niya. Ilang saglit ay napatingin siya sa aming dalawa ni Raine. "Dyan muna kayo, kakausapin ko muna itong tawag sa phone sa labas."

"Wag mo kong iwan dito mommy," sabi ni Raine.

"Dyan lang ako sa labas."

"Iiwan mo ko sa rapist na ito."

Umaandar na naman ang pagiging judgemental ng maldita na ito. Nakakbadtrip siya, hanggang ngayon hindi pa rin siya makamove on sa pangtri-trip ko sa kanya kanina.

"Mabait si Marco.. aalis muna ako."

Matapos ay namamadali lumabas ng kwarto si Tita Irish. Nang wala na si Tita ay tumaas naman ang kilay ni Raine na nakatingin sa akin.

"Sino ka ba?" tanong niya.

"Sure ka ba na hindi mo ko nakikilala?" tanong ko.

Habang pinagmamasdan siya ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagka-amnesia siya.

"Kaya nagtatanong ako, kasi hindi kita kilala."

Akala ko sa teleserye lang nangyayari ang amnesia. Nangyayari din pala sa totoong buhay.

"So hindi mo nga ako kilala?"

"Paulit-ulit, Paulit-ulit," medyo naiinis na siya sa akin.

Kung pagmamasdan mo siya ay wala na man siyang pinagbago lalo sa ugali pero nagkaiba lang hindi niya ako makilala.

"Ang pangalan ko si Marco Ruiz Montellier," pakilala ko.

"Ano?" tanong niya. Hindi guro niya narinig ang sinabi ko.

"Marco Ruiz Montellier," ulit ko.

"Marco, Ano?" tanong niya ulit.

Nagka-amnesia lang, naging bingi na.

"Sabi ko Marco Ruiz Montellier." nilakasan ko na ang boses ko para marinig niya.

"Marco Rapist Montellier?" nakangising pa tanong niya.

Nakakabadtrip na siya. Nararamdaman kong nagsisimula na naman akong palaruan ng babaeng ito. Sinasadya niya talagang magbingi-bingihan para galitin ako.

"Kapag inasar mo pa ako, magiging rapist na talaga ako!" pananakot ko sa kanya.

Bahagya siyang napangiti. Sa ngiti niyang iyon, totoo nga na panaglalaruan niya ako. Di pa rin siya nagbago. Malakas pa rin siyang mang-asar sa akin.

"Sino ka ba kasi sa buhay ko?" tanong niya.

Babawi ako sa pangtri-trip niya sa akin. "Ako ang boyfriend mo," sagot ko.

"Boyfriend? Sure ka na boyfriend kita?" parang ayaw pa niyang maniwala.

"Oo.. kung naalala mo pa, nagkiss na nga tayo noon eh."

Ano kaya magiging reaksyon niya sa sinabi ko?

"Yuck, paano ako nakipagkiss sayo? Paano kitang naging boyfriend?"

Sa tono nang pananalita niya ay parang ayaw niya talaga sa akin. Kahit nagka-amnesia siya ay maarte pa rin siya.

"Joke lang, naniwala ka kaagad! Hindi kita girlfriend.. ang pangit mo kaya!"

"Mas pangit ka!" asar din niya.

Hindi ko nalang siyang pinansin. Ang tagal naman ng mommy ni Raine na bumalik. Gusto ko nang umalis dito. Lagi kasi akong inaaway ni Raine.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon