Chapter 58- Memories with Luigi

280 13 2
                                    

RAINE'S POV

Pagising ko ay naramdaman ko nalang na nasa malambot na akong kama nakahiga. Masakit parin ang ulo ko at nanghihina.

Nilibot ng paningin ko ang paligid. Napansin ko na hindi ito ang kwarto ko. Inalala ko lahat ang nangyari. Hanggang sa maalala ko iyon. Biglang bumalik sa alaala ko ang sakit na nararamdaman ko nang maalala ko na ang lahat ng mga taong nagtraydor sa akin.

My ex na si Edward, my bestfriend Denise, Marco at kahit parents ko maraming tinago sa akin. Halos lahat hindi ko mapagkatiwalaan dahil sa ginawa nila sa akin.

Sa gilid ng kama ko ay nakita akong litrato. Ang picture na binigay sa akin ni Luigi. Ang picture kong saan magkasama sina Luigi at Marco noong bata pa sila.

I know parang naloko ko ang sarili ko nang makita ulit kami ng mahabang panahon. Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa hampas lupang mga lalaking ito.

Ang dalawang lalaking ito ang sumira sa akin noong bata pa ako. Sa tuwing inaalala ko ang mga daninas kong paghihirap sa kanila noon. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na umagos sa mga mata ko.

Sa sobrang galit ko ay natapon ko ang litrato iyon.

Bakit nagkita kami ulit? Bakit sa lahat ng taong dito sa mundo ay sila pa makakatagpo ko pangalawang pagkakataon.

Isang katok ang narinig ko mula sa pinto. Hindi ako umimik pero nakita ko nalang na may pumasok na isang lalaki. Si Luigi na may dalang bulaklak at napangiti siya ng makita ako.

"Finally you're awake." natigilan siya sa paglapit  sa akin nang makita niya ang picture na tinapon ko sa sahig. "So naaalala mo na ba ang tungkol sa picture nato?" tanong niya matapos niyang damputin ito.

Sa tanong niya ay halos hindi ako makatingin sa sobrang galit ko sa kanya.

"Bakit mo binibisita ngayon ang greatest enemy mo?" tanong ko din sa kanya.

"Hindi ako nagkakamali, Naalala mo nga talaga." Sabi niya sabay abot ng bulaklak na rosas na dala niya sa akin, "My Target." pahabol pa na sabi nito.

Ang huling linya niyang iyon ang hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Tinanggap ko ang mga bulaklak at tinapon sa sahig. 

"Ayoko ng plastican Luigi, Hindi pa ba kayo nakontento sa ginawa ninyo sa akin noon. Pati ba naman ngayon na malalaki na tayo ay ginugulo n'yo parin ako!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi kita ginugulo Raine... tinulungan kitang malaman ang totoo!" malakas na rin ang boses niya.

"Totoo? Para saan pa Luigi? Sinira na ninyo ang buhay ko noon sa tingin mo ba pagkakatiwalaan ko pa kayo?!"

"I'm sorry Raine kung nasaktan kita. Pinagsisihan ko na yon."

"Kahit na mag sorry ka, hindi na mababago ang pagtingin ko sa inyong mga lalaki. Isa kayong mga basura.. Lalo na sa iniwan mong peklat sa likod ko, simula noon. Sinumpa ko na kayo!"

"About what happened last time Raine, Kung  yun ang dahilan nang galit mo sa akin. Hindi ako ang may gawa noon." napalunok siya bago nagsalita. "Hindi ako ang nagsaksak sayo ng ballpen sa likod noong mga bata pa tayo."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Biglang nag flashback sa akin ang mga nangyari noong mga bata pa kami.

Noon, lagi nila inaasar noon dahil sa pangit kong mukha. To the point gusto ko nang tumigil sa pag-aaral dahil pananakit na ginagawa nila sa akin. Isang beses nang mapadaan ako sa room nila. Isang balpen ang biglang sumaksak sa likod ko. Sobrang sakit noon kaya napahiga ako sa sahig.

Medyo matagal ako bago makalingon, kaya nang nagkaroon nang lakas para malaman kong sino ang gumawa sa akin noon. Nakita ko si Luigi na may hawak ng ballpen na may bahid na dugo. Hindi ako pwedeng magkamali siya lang ang nakita ko nang oras na iyon.

"Pinagloloko mo ba ako Luigi? Ikaw ang nakita ko paglingon ko, Bakit mo dini-deny mo pa!"

"Napagkamalan mo lang ako Raine ang sumaksak sayo pero ang totoo ang gumawa noon ay si Marco."

Mas lalo akong naguluhan sa pinagsasabi niya. Paanong nadawit si Marco sa usapan.

"How come na damay si Marco sa usapang ito?" inis na tanong ko.

"Tulad nang palagi kong sinasabi sayo lately, we're bestfriend. Kung ano ako noon, ganun din siya. Siya ang sumaksak sayo nang minsan na napadaan ka sa room. Sinaksak ka niya nang malaman niya na kinuha mo ang bag niya at tinapon sa basura."

Napalunok ako. Inaamin ko may ginawa akong ganoong bagay noong bata pa ako pero ang alam ko hindi kay Marco ang bag na yon.

"Baliw kaba? Hindi kay Marco ang tinapon ko sa basurahan! Ang bag mo ang tinapon ko noon dahil lagi mo kong sinasabuyan ng buhangin ang buhok ko noon kayo ng mga kaibigan mo!"

"No Raine, Hindi ang bag ko ang tinapon mo noon, nagkataon na magkaparehas kami ng bag ni Marco pero ang bag ni Marco talaga ang naitapon mo." pagtatapat niya.

Naalala ko na dalawang bag ang nakita kong magkaperas noon, pero hindi ko akalain na bag ni Marco ang nakuha ko.

"Sobrang nagalit si Marco kaya nang minsan makadaan ka roon sa harap ng room ay sinaksak ka niya sa likod ng ballpen." Dugtong pa niya. "Hindi mo na siya nakilala sa pangalawang pagkikita ninyo dito sa high school dahil hindi mo alam ang totoong pangalan niya noon diba? Bata pa tayo ay mahilig ka nang gumawa ng nickname sa mga naging bully mo. Remember,  boy kalbo ang tawag mo kay Marco... Maliban sa akin na pangalan ko ang tawag mo sa akin."

Napayukom ako ng kamao. "Pero bakit ikaw ang nakita ko sa paglingon ko na may hawak na ballpen!" hindi parin ako naniniwala sa sinasabi niya dahil kong totoo si Marco iyon.

Parang niloko ko ang sarili ko dahil sa dami ng lalaking binasted ko. Si Marco pa na ang nangbully sa akin ang naging first love ko at ang masama ay boyfriend ko ngayon.

"Yung ballpen nahawak ko noon, napulot ko na iyon. Hindi ko naman talaga alam anong nangyari sayo noon makita kitang may sugat sa likod! nagulat nalang ako nang... ako na ang napagbibintangan mo!"

Sarkastiko akong natawa, "So bakit hindi mo sinabi sa amin na ma guidance tayo na si Marco ang may gawa noon?"

"Dahil hindi ko alam na si Marco ang gumawa noon... huli na niya sinabi sa akin ni Marco ang totoo ang ginawa niya sayo. Noong pinagpasya ka nang parents mona e-transfer kana sa girls school. Tsaka pa sinabi sa akin ni Marco ang totoo na siya talaga ang sumaksak sayo."

Napayukom ako ng kamao. Sa pinagsasabi ni Luigi, parang nagsasabi siya ng totoo. Naalala ko, ilang beses siyang tinanong sa guidance noon sa nangyari pero tinatanggi niyang siyang ang sumaksak sa akin. Halos lahat ay nagtutugma.

"Raine.. I'm sorry kong naging target kita noon pero hindi ako ang sumaksak sa'yo... Kaya nga sa tuwing lalapit ako sa'yo nagagalit si Marco dahil sinabi ko sa kanya na ikaw ang babaeng naging target namin noon."

Sa mga nalalaman ko tungkol sa past ko ay hindi ko mapigilan mag agos ng luha ko sa pisngi. Wala na akong nasabi pa. Napadaungo nalang ako at pilit na pinipigilan ang mga luha ko.

"Pasensya na kung sinasabi ko ito ngayon, Ayoko kasing lang na niloloko ka ni Marco.. Kahit alam niya naman ang buong katotohanan." sabi pa ni Luigi na lumapit na sa akin sa kama niyakap ako.

Halos namanhid na ako sa nalaman ko. Hindi ko akalain na ang lalaking kinamumuhian ko noon siya pala ang tutulong sa akin malaman ang ka totohanan ngayon.

To be continued... 

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon