RAINE'S POV
Matapos kong kumain ng merienda ay bumalik na agad ako sa kwarto para balutin ang regalong binili namin ni Edward kanina. Isang headphone iyon na kulay itim ang napili kong bilhin.
Nang simulan ko ng balutin ang regalo ay nalaman kong medyo mahirap pala gawin iyon. First time ko kasing magbalot ng regalo. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Si Mommy pumasok at dala ang damit na susuotin ko.
"Ito na.. tapos nang plantahin ang damit mo." sabi niya.
Nahihirapan talaga akong balutin itong regalo ni Ryan.
"Mommy marunong ka bang magbalot ng regalo?" tanong ko.
"Bakit?"
"Nahihirapan kasi akong balutin ito." malungkot kong wika.
"Itong batang ito, matanda na hindi pa marunong." lumapit si mommy sa table ko at tinignan ang regalo. "Ako na ang magbabalot."
Sa inis ni mommy dahil matanda na ako hanggang ngayon ay hindi parin ako marunong magbalot ng regalo. Napanguso nalang ako.
"Ano pang hinihitay mo, magbihis kana.. baka dumating na si Edward."
"Opo."
"Doon ko na sala babalutin ito."
"Okay."
Matapos umalis ni Mommy. Inasikaso ko na ang sarili ko. Pumunta sa CR para maligo matapos ay nagbihis. Sa pool ang venue ng birthday nila Ryan kaya simple lang ang suot kong damit. Nagdala na rin ako ng damit kong sakaling naisipan namin maligo ni Denise.
Biglang nag-ring ang phone ko na nasa lamesa. Dali ko iyong kinuha at sinagot.
My Twin_Denise is calling...
Me : "Hello."
Her : "Twin.."
Me : "Oh Twin.. bakit?"
Her : "Ready ka na ba?"
Me : "Oo.. malapit na akong matapos mag-ayos."
Her : "Ganoon ba.. sabay na tayong pumunta."
Me : "O sige.. punta ka na dito, sabay ka nalang sa akin kasi kukunin ako dito ni Edward.
Her : "Sa kotse ni Edward?"
Me : "Oo.. sabi kasi niya na sabay daw kaming pumunta. Teka na saan ba si Marco?"
Her : "Nandoon na kasi siya sa bahay nila Ryan.. tumulong sa pagluto sa birthday ni Ryan."
Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon si Marco adik parin sa pagluluto
Me : "Ganoon ba.. punta ka na dito para makasabay sa amin."
Her : "Okay."
Me : "Sige.. bye."
Her : "Bye Twin."
Matapos ay nag end call na kaming dalawa. Alas 6: 00 pm ang birthday ni Ryan pero mga 5: 00 naroon na kami para makapagchickahan pa kami ni Denise.
Natapos na akong mag-ayos sa sarili ay pumunta na ako sa sala para maghintay. Ilang sandali ay dumating na rin si Denise at magkasunod pa talaga sila ni Edward.
"Hi twin." bati niya sa akin.
"Tamang-tama nasa likod muna si Edward." wika ko.
"Timing naman nandito na rin ako."
Galing sa kotse ay lumapit agad sa amin si Edward. Napangiti agad ako, gwapo talaga ng boyfriend ko at ang bango-bango pa.
"Nandito ka pala Denise?" gulat na Edward.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)