Chapter 6- My President

788 34 5
                                    

RAINE'S POV

Wala si Sir Ocampo kaya kanya-kanya na naman kaming daldalan ng mga classmate ko. Basta ganito ay ang tangi ko lang kausap dito ay si Denise. Lalapit ako sa upuan ni Denise at doon tatayo sa harap niya.Si Marco ka daldalan niya si Ryan ng mga oras na iyon.

"Twin, musta naman ang paghatid sayo ni Edward kahapon?" mahinang tanong niya.

Napansin kong malayo naman ang ibang classmate namin kaya kinuwento ko na.

"Okay lang.. sumakay ako sa kotse niya." sagot ko.

"Wala ba kayong napag-usapan?"

Napakrus ako ng mga braso at napa-isip. Naalala ko yung tungkol sa ex-girlfriend ni Edward. Nilapit ko ang bibig sa tenga niya at may binulong.

"Wag mong ipagsasabi kahit kanino huh.. ang sasabihin ko."

"Ano ba ang sasabihin mo?" bulong din niyang tanong.

"Tungkol sa ex-gf ni Edward, hindi ko akalain na ang type niya ay simple lang."

"Talaga.. ano bang sinabi niya?"

Bakas sa mukha niya ang pagnanais na malaman ang sasabihin ko. Umupo ako sa table niya para kami lang dalawa ang magkarinigan sa kwento ko.

"Hindi mayaman pero matalino naman at magaling magluto.. kaso ngalang sinagot lang siya ng girl kasi naawa lang sa kanya."

Mahina lang ang pagkakasabi ko.

"As in? pwede ba yon?" bakas sa mukha ni Denise ang gulat na sinabi ko.

Basta ganito kausap si Denise ay ginaganahan talaga akong makipagdadalan sa kanya.

"Oo twin, alam mo ba noong kinikwento niya sa akin tungkol sa girlfriend niya, ikaw agad ang pumasok sa isip ko." wika ko sa kanya.

"Grave ka naman Raine, porket magaling akong magluto eh.. ako na agad."

"Syensya na Denise kasi ikaw lang kasi ang kilala kong kaparehas sa description ni Edward."

"Impossibleng ako yun kasi NBSB nga ako, at si Marco ang first boyfriend ko." sa tono pananalita niya ay confident siyang sa sinabing iyon.

Napangiti nalang ako. Sa totoo lang ay tama nga naman ang sinabi ni Denise. Hindi lang naman ang bestfriend ko ang may kapareho ng description na iyon.

Sa dami ng babae sa school at sa mundo marahil ay nagkataon lang na nakapareho sila ng description ng ex-girlfriend ni Edward. Hindi rin na sabi ni Edward kong classmate ba namin ang ex-girlfriend niya. Kaya possible hindi ko kilala ang babaeng iyon. Well malaki naman ang mundo.

"Tama ka.. impossibleng ikaw din yon kasi hindi mo naman type si Edward diba?"

"Oo naman." mabait niyang sagot.

"Nakakaawa nga si Edward eh.. sa tuwing kinukwento niya yung ex-girlfriend niya, ang lungkot-lungkot ng mukha niya. Ramdam ko yung sakit niya." sabi ko pa.

Nanatiling tahimik lang si Denise.

"Ang tanga-tanga ng ex-girlfriend niya. Halos total package na si Edward tapos hinawalayan pa niya." napailing pa ako. "Hay naku.. kung sino man ang babaeng yon sana naisip niya na dapat hindi niya sinagot si Edward kong sasaktan niya sa huli kasi nanakaawa talaga si Edward."

"Baka may ibang rason yung ex-girlfriend niya kaya hinawalayan siya."

"Dapat sinabi niya.. hindi yung iiwan niya sa ere si Edward, sobrang bait eh.. tapos hihiwalayan lang at ang masakit pa monthsarry pa nila."

"Galit kaba sa ex-girlfriend niya?" tanong niya sa akin.

Medyo malakas na boses ko pero nakaya ko pang maging mahinahon. Napatingin ako sa paligid at pansin kong masyadong malayo ang mga classmate ko para marinig kami.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon