Chapter 27- Marco's house

561 20 1
                                    

RAINE'S POV

Nakalabas na kami ng bahay ni Marco nang biglang tumawag sa akin mula sa likod.

"Raine! Saan kayo pupunta?" tanong ni Kuya Raymond na nakatayo sa pintuan.

Napalingon agad ako. "Nagpaalam na ako kina Mommy, Pupunta kami sa bahay ni Marco."

"Ano'ng gagawin ninyo doon?"

Nagkatinginan kami ni Marco. "Gagawa ng project." sagot ko.

"Ano'ng oras kayo uuwi?"

"Hindi ko alam, kapag siguro natapos." sagot ko.

Napabaling siya sa katabi kong si Marco. "Hoy Marco! Iuwi mo yang baby sis ko huh!"

"Ayoko! Doon na siya titira sa amin!" sigaw din ni Marco.

Mabilis na lumipad ang kamao ko sa ulo ni Marco. Nabatokan ko tuloy siya.

"Arayy.. bakit kaba namamatok!" reklamo niya.

"Kapag hindi ka sumagot nang maayos, hindi tayo makakaalis dito!" inis na bulong ko sa kanya.

"Joke lang naman eh." sabay hawak sa ulo.

Hay naku. Kung hindi ko lang siya partner sa project. Hindi talaga ako mag-aaksaya ng panahon sa kanya.

"Umayos ka Marco! Iuwi mo yang baby sis ko, bago lumubog ang araw!" banta ni Kuya.

"Wag kang mag-alala kuya, iuuwi ko po ang prinsesa ninyo dito ng maaga."

"Sige... pwede na kayong umalis."

Ang kuya kung play boy. Hindi ko siya maintindihan, Sobrang concern sa akin pero pagdating sa ibang babae. Kung sino-sinu nalang ang gini-girlfriend. Sana magbago na siya. Nagsimula na kaming dalawa na maglakad.

"Tara na Ulan." yaya ni Marco.

"Anong Ulan?" tanong ko.

"Ikaw, Ikaw si Ulan. Ulan sa tagalog."

"Duhh... kung ano-anu nalang nick name ang binibigay sa akin."

Malapit na kaming makarating sa kung saan naka-garahe ang motor niya.

"Simula ngayon tatawagin kitang Ulan, tapos ako tatawagin mong Kidlat."

"Ayoko ko nga! Ang childish ng tawagan na yan."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nonsense naman kasi ang usapan namin.

"Sige na! hindi tayo pupunta sa bahay kapag hindi ka pumayag." pagmamatigas niya.

"Aba! Ano ito black mailing? Loser!"

"Don't call me loser!"

"Kidlat." tawag ko.

Biglang siyang ngumiti. "Yes... Ulan."

Bakas sa mukha niya ang kagustuhan iyon ang itawag ko sa kanya. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya ay napapangiti na lang ako. Ang weirdo niya kasi.

"Uy.... Ngumiti siya."

"Loser parin tawag ko sayo! Period."

"Edi... hindi mo na makikita sa Biena."

Pinapalabas niya na kung hindi ako papayag. Hindi din kami pupunta sa bahay nila at kapag nangyari iyon. Hind ko narin makikita si baby Biena.

"Oo na... kidlat na mukhang loser pumunta na tayo."

"Tss... palagi mo nalang ako, binubully." nagtatampo tinig niya.

"Kidlat..." tawag ko.

"Ulan...."

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon