RAINE'S POV
Saturday walang pasok kaya sa bahay lang ako tambay. Nanonood ako ng T.V sa sala nang biglang may sumulpot na kamay mula sa likod at tinakpan ang dalawang mata ko. Sinong walang hiya ang tumakip sa mata ko!
"Sino ba to?" tanong ko habang pilit na tinatanggal ang kamay na nakatabon sa mata ko. Nahihirapan akong alisin iyon dahil sa sobrang higpit ng pagkakabon. "Ano! Kaninong kamay ito!" sigaw ko pa.
"Hulaan mo kong sino?" boses ng isang lalaki.
Hindi pamilyar sa akin ang boses na iyon pero sa tono ng pananalita niya ay parang kilalang-kilala niya ako. Hinablot ko ang unan sa kilid at hinampas sa likod ko.
"Tumingin ka nga!"
Isang tawa ang narinig ko mula sa kanya na parang masaya siyang iniinis ako.
"I miss you baby sis." sabay tanggal ng kamay niya.
Nang nawala na ang kamay sa mata ko ay tumayo agad ako para harapin siya. Hinabot ko ang malambot na unan at hinampas sa ulo niya.
"Aray!" bulaslas niya matamaan ko siya sa ulo. " Kahit kailan,.. kahit nagka-amnesia ka ay nanghahampas ka parin ng unan!"
"Ikaw naman nangunguna eh!" sigaw ko sa lalaking kamukha ko.
"Raymond! Inaaway mo na naman yang kapatid mo!" si Mommy na lumapit sa aming dalawa galing sa hagdan.
"Na-miss ko lang siya Mommy... ang malditang ko kapatid." sabay ngiti niya.
"Duhh... kapatid."
"Baby sis... Naalala mo pa ba ang gwapo mong kuya?" tanong niya sa akin.
"Ang alam ko, wala akong kuya."
Bigla nalang nawala ang ngiti niya sa sinabi ko. "Kahit kailan masama parin ugali mo."
"Duhh..."
Sino ba naman ang hindi maiinis sa kanya. Hindi man lang siya nagpakilala sa akin nang maayos.
"Raine... siya ang kuya Raymond mo, ang kuya mong... ang tanda-tanda na hindi pa nag-aasawa." pakilala ni Mommy.
Napakrus ako ng braso. Ngayon ko lang nalaman na may kuya pala ako.
"Mommy naman... eh, hindi ko pa nakikita ang true love ko eh."
"Ipano ka makakakita ng one true love mo!... kung sino-sinu nalang ang babae ang gini-girlfriend mo!" mukhang sini-sermonan na itong si kuya ni Mommy.
"Hayaan ninyo mommy, kapag nagka-girlfriend na ako... pakakasalan ko na."
"Wag mo kong paasahin Raymond! Sampung beses mo na yan sinabi... okay lang naman kung hindi mo kami bigyan ng apo, basta mag-seryoso ka lang.. ayus na sa amin."
Kawawa naman ang kuya ko, pinagalitan ni Mommy. Ang lungkot-lungkot pa ng mukha nang mapatingin siya sa akin.
"Buti nga sayo!" asar ko sa kanya.
"Ang sama ng ugali mo... babae ka!"
Tinawanan ko lang siya.
"Ikaw din Raine! Tumahimik ka rin."
Napadungo nalang ako. Hindi na ako magsasalita kasi baka ma-sermonan din ako. Pumunta nalang ako sa kusina para humanap ng pagkain. Nagugutom na ako sa kapapanood ng TV. Pagbukas ko ng refrigerator, walang laman. Hindi pa siguro nag-grocery si Yaya.
"Anong hinahanap mo... Baby sis?"
"Nagugutom ako, gusto ko ng pagkain."
"May pasalubong ako."
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.