MARCO'S POV
Sa labas ng gate, naglalakad kaming dalawa ni Ryan at balak nang pumasok sa gate. Sa pagpasok namin sa loob ay tumunog ang phone ni Ryan. Nahinto muna kami sandali.
"Boss, sasagutin ko muna ito, tumawag si Dad. eh"
"Sige pre." payag ko.
Lumayo siya sandali para sagutin ang phone. Nahinto muna kami sa paglakad at pumunta muna kaming dalawa sa tabi. Nakatingin ako sa mga nagdadaanang mga studyante at napansin kong may tatlong babaeng nakatingin sa akin na napadaan.
"Hi Marco." bati nila sa akin.
"Hello." bati ko rin.
Lumapit sa akin ang tatlong mga babae na mukhang friendly naman.
"Hoy Marco, Pwede ka bang sumama sa amin bukas.. please." pagmamakaawa ng tatlong babae.
"Sorry girls hindi pwede alam naman ninyo na I'm already Raine's property."
"Ayy... so totoo pala yung sabi nila na nagkabalikan kayo." malungkot nilang tono.
"Nagtampuhan lang kami girls..."
"How I wish na sana magkaroon din kami ng gwapong boyfriend na tulad mo... Marco." sabi pa ng isa.
"Kay Luigi na lang kayo, yun wala pang girlfriend yon." sabay tawa ko.
"Naku may pagkasuplado kasi yun kaya nahihirapan kaming lapitan siya." reklamo ng isa.
"Ganyan lang ang buhay parang life girls, kaya sensya na. I'm already Raine's property." sabay paalam ako sa kanila.
Kailangan kong lumayo sa kanila dahil kapag nakita ako ni Raine na may kausap na ibang babae, baka magalit na naman yun sa kin. Sa paglayo ko sa kanila ay naiwan ko silang malungkot at mga luhaan. Pasensya na talaga mga girls pero tulad ng sinabi ko. I'm already Raine's property.
Tinignan ko si Ryan sa tabi hanggang ngayon ay hindi parin siya tapos makipag-usap sa Dad niya sa phone. Napatingin ulit ako sa daanan at nakita ko si Denise na napadaan dala ang bag niya.
"Hoy Denise!" tawag ko sa kanya.
Napalingon siya at nahinto sa paglalakad. Napatingin ako sa paligid, tinitignan ko kung narito ba si Raine. Mabuti ay wala siya dahil gusto kong maka-usap si Denise kahit sandali.
Parang gustong umiwas ni Denise sa akin pero nang nakalapit na ako sa kanya ay hindi na siya naka-iwas pa sa akin.
"Bakit mo ba ako tinawag?" tanong niya.
Tinignan ko siya Head to foot. Kahit papaano ay namiss ko rin si Denise kahit na niloko niya ako noon.
"Kamusta?"
"Aalis na ako." balak niyang talikuran ako.
Hinila ko ang bag niya sa likod kaya hindi siya naka-alis sa kinatatayuan niya.
"Ano ba!" inis na bulaslas niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Uuwi na ako sa amin."
Hinarap niya ako pero nakakunot-noo na siyang lumingon sa akin.
"Meron pang afternoon class Denise, uuwi kana?"
Pilit niyang tinanggal ang kamay ko sa likod ng bag niya at sinabayan pa ng masamang tingin sa kin.
"Gusto kong umabsent."
"At Bakit?" napamulsang tanong ko.
"Dahil masama ang pakiramdam ko." tumalikod ulit siya.
Sa pag-uusap namin ay pilit talaga niyang umiwas sa akin.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.