MARCO'S POV
Nang makarating kami sa bahay nila. Umalis na agad si Raine sa likod ko. Ginarahe ko naman ang motor ko.
Paglingon ko sa likod ay wala na siya. Ang bilis naman mawala ng malditang pangit na yon. Napalingon-lingon ako sa paligid. Nakita ko na lang siya na papunta na siya sa pinto ng bahay nila. Hindi man lang nagpaalam sa akin na papasok na siya.
"Ulan!" tawag ko.
"Oh!" pasigaw niyang wika na lumingon sa akin.
"Ganyan kana nang iiwan kana."
Napakrus siya ng mga braso. "Wag ka ngang pabebe dyan Marco, halika na dito!"
"Ayoko! gusto kong kunin mo ko dito."
"Isa!" kasabay nang masama niyang tingin.
"Dalawa!" sumakay na ako sa motor.
Mabilis siyang lumapit. Hinila niya ang kamay ko para makaalis ako sa motor.
"Ang loser nato! parang naiwan lang sandali, naging pabebe na." reklamo niya habang hinila ako papasok ng bahay nila.
Napangiti na lang ako. Akala ko kasi papabayaan niya akong umuwi sa bahay namin dahil sa pagiging pabebe ko. Hindi naman pala.
Pagpasok namin sa loob ng bahay nila ay walang tao roon. Wala si Tita Irish at ang kasambahay nila.
"Nasaan ang mag tao dito Raine?"
"Wala si yaya Amanda dahil Day off, si Mommy naman ay nasa restaurant dahil nagkaproblema daw doon."
"Yung dad mo?" muli kong tanong.
"Wala din si Dad, may meeting kasi siya ngayon sa client niya ."
Ang Ibig sabihin ay kami lang dalawa ni Raine ang tao dito sa bahay nila. Binitawan ni Raine ang kamay ko. Pumunta na siya ng sala para maupo sa sofa. Sinundan ko naman siya.
Sa sofa na inuupuan niya ay sinamahan ko siyang manood ng TV habang naka-akbay sa kanya. Ang ulo naman niya ay nakasandal sa bandang dibdib ko. Sa bango ng buhok ni Raine ay nahalikan ko ang buhok ng isang beses. Napansin kong hindi na gumagalaw si Raine.
"Ulan..." tawag ko.
Hindi siya umimik. Sinilip ko ang mukha niya. Nakapikit na ang mga mata niya at nahihimbing na nang tulog.
Ang babaeng ito! Minsan nga lang kami mapag-isa, tinulugan pa ako! Ilang Segundo lang ay narinig kong humihilik na siya. Ang daya ng babaeng ito. Iniwan akong gising dito.
Pinagmasdan ko na lang siyang matulog. Kung titignan mo ang mukha niyang natutulog ay para siyang anghel na hindi makabasag pinggan. Kapag gising naman ay parang tigreng nakawala sa hawla kung mainis sa akin. Pero kahit na may pagkamaldita, pintasira, mayabang si Raine, I still love her dahil totoo siya sa sarili niya.
Sa kakatingin ko sa mukha niya ay napatingin ako sa labi niya. Ang mapupula niyang mga labi parang ang sarap halikan.
Utang na loob, kahit natutulog ang malditang pangit na ito ay parang inaakit niya ako. Kailangan kong pigilan ang sarili dahil baka anong magawa ko sa kanya.
Ayaw na ayaw pa naman niyang hinahalikan siya nang walang permiso sa kanya. Napalunok ako ng isang beses nang makita kong gumalaw ang labi niya.
Hindi ko na mapigilan, ki-kiss ko na lang siya kahit isang beses lang. Wala namang masama dahil girlfriend ko na siya.
Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang mukha niyang natutulog. Nilapit ko ang labi ko sa labi niya. Isang inch ang pagitan ng mga labi namin ay biglang tumunog ang cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Ficção AdolescenteDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.