Chapter 57- Lost Memories

273 14 2
                                    

RAINE'S POV

Pumunta ako sa music room para magtago kay Marco. Pagbukas ko palang ng pinto ay naririnig na akong iyak ng isang babae. Pamilyar ang iyak na iyon.

Nakita ko si Denise umiiyak sa habang nakaupo malapit sa piano. Mag-isa lang siya at mukhang sobrang lungkot niya.
Nagulat siyang makita ako.

"Raine.." tawag niya.

"Sinasaktan ka na naman ba nila Margarette?"

Hindi siya sumagot. Tumayo siya at balak niya akong takasan. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang umalis.

"Kinakausap kita."

Natigil siya sa pag-alis. "Raine, tama na. Wag na akong ipagtanggol kina Margarette."

"Diba ako ang bestfriend mo, bakit iniiwasan mo ko?"

"Masyado kang mabait Raine sa akin, hindi mo deserve ang kaibigan katulad ko."

"Pero bakit?"

Hindi siya nagsalita. Nakadungo ang ulo niya. Hindi siya makatingin sa akin.

"Wala kayong pinagkaiba ni Marco, halos lahat kayo may secreto sa akin."

"Raine, I'm sorry." tumutulo pa rin ang mga luha niya habang kaharap ako.

"Bakit kaba nagsosorry? Bakit ba lahat ng tao nag sosorry sa akin ngayon."

Wala nang ginawa si Denise ang umiyak halos hindi makapagsalita.

"May nagawa kabang masama sa akin kaya iniwasan mo ko?" tanong ko.

Napailing siya at tinalikuran ako. Umiiyak siyang lumabas ng music room at iniwan ako. Di man lang sinagot ang tanong ko.

Gusto ko sana siyang habulin ngunit  pinabayaan ko nalang dahil naisip kong baka gusto niyang mapag-isa.

Ilang minuto akong nagtago sa music room at di nagtagal ay  lumabas din ako. Doon nagkambanga kami ni Edward na tila hingal na hingal.

"Edward."

"Raine... nakita mo ba si Denise?" tanong agad niya.

"Nandito siya kanina... pero umalis na."

Tinanong pa niya kong saan pumunta. Tinuro ko nalang dahil parang kailangan niyang makita si Denise. Matapos kong sabihin ay umalis agad ito.

Nakapagtataka lang... magka-relasyon sila pero bakit parang naghahabulan silang dalawa.

"Raine!" isang boses ng lalaki.

Si Marco, nasadulo ng building na ito. Ayoko ko muna siyang makausap kaya mabilis akong tumakbo para makatakas sa kanya.

"Raine!" tawag pa niya pero hindi ko siya pinakinggan.

Palabas na ako ng campus nang makita ko si Mellisa na nakatambay malapit sa gate. Binilisan ko ang paglakad upang hindi niya ako makitang naluluha.

"Raine!" tawag sa akin ni Mellisa.

Hindi ako lumingon nagpanggap akong hindi ko siyang narinig. Dali-dali akong lumabas ng gate. Balak pa ni Melissa na sundan ako pero binilisan ko ang paglakad para hindi niya ako maabutan. Gusto ko munang mapag-isa.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makarating ako sa park. Hingal na hingal ako sa katatakbo. May nakita akong bench na mauupuan doon nagpahinga muna ako sandali.

Ang lugar na ito parang mahalaga sa akin.

"Biglang may naaalala akong isang bata na umiiyak sa lugar na ito. Tinulungan kong patahanin dahil binubully siya ng mga ibang bata."

Nahihilo na naman ako kapag may naaalala ako. Napatingin ako gilid ng parke. Nakita ko si Denise na naglalakad mag-isa at mukhang tulala. Ano bang iniisip ni Denise at palagi nalang siyang ganyan.

Naalala ko, Kanina pa siya hinahanap ni Edward sa school, Hanggang ngayon  hindi pa rin ba sila nagkikita. Parang sobrang laki ng relasyon ng dalawang ito.

"Denise!" tawag ko sa kanya ngunit nagpatuloy pa rin siya sa paglakad.

Siguro ay hindi niya ako narinig. Masyado din kasing maiingay ang mga sasakyan na dumadaan na malapit sa kanya. Tumayo na ako para sundan siya para may makasama siya sa paglalakad.

Hinabol ko siya. Malapit sa pedestrial lane ko nakita si Denise at tila tulala pa rin. Parang wala sa sarili ang babaeng yon.
Sa di kalayuan napansin ko ang isang sasakyan na sobrang bilis ng patakbo nito at patungo sa tatawiran ni Denise.

Teka! Bakit bigla akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Paglingon ko kay Denise, tumatawid na ito kahit naka red light na ang traffic light.

Tanga ba siya? Bakit siya tumawid?

Isang malakas na busina ang narinig ko. Busina ng isang kotseng paparating na mukhang babangga kay Denise.

Hindi maaaring mangyari ang iniisip ko! Kailangan may gawin ako bago may mangyari kay sa kanya. Lalo na parang wala ito sa katinuan ngayon.

Tumakbo ako at mabilis na tumawid rin para habulin si Denise na masasagasaan ng kotse. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya nang mahawakan ko ang balikat ni Denise ay tinulak ko ito. Papalayo sa kotse na dapat na babangga sa kanya.

Isang malakas na preno ang narinig ko. Hindi ko namalayan na mahahagip ako ng kotseng babanga kay Denise.

Hindi maaari! Gumulong ako sa harap ng salamin kotse bago pa ako nahulog sa kalsada. Nabangga ako ng kotse para iligtas si Denise.

Nahilo ako sa nangyari at unti unting lumabo ang paningin ko.Malalakas na ingay ang narinig ko sa paligid.

"Raine!" sigaw ng babaeng napaupo sa kalsada.

Ilang segundo ay luminaw ang paningin ko. Napabaling ako sa gilid ng kalsada. May dugo din siya sa noo. Si Denise kahit anong pigil ko ay na injured pa rin siya.

Mukhang na di siya makagalaw dahil sa nangyari. Lumapit sa kanya ang isang lalaki at tila nag aalala ito.

"Denise! Okay ka lang?" tanong nito.

Si Edward hawak agad si Denise at inaalalayan ito. Nagkita din sila sa wakas.
Isang imahe ang biglang pumasok sa isip ko.

Isang pangyayaring nakita kong naghahalikan sila ni Edward sa isang lugar. Naalala kong sa birthday iyon ni Ryan sa garden nila. Maslalong sumakit ang ulo ko.

"Raine!" tawag pa sa akin ni Denise sa di kalayuan.

Naalala ko na ang nangyari bago ako naaksidente noon yun ay dahil sa away namin ni Denise dahil kay Edward.

Ang dalawang traydor! Parang bumalik ang sakit na nangyari noon kung paanong si Denise mismo na bestfriend ko na inahas ang boyfriend kong si Edward.

Habang pinagmamasdan ko si Edward naaalala ko lahat ng mga sinabi niyang kasinugalingan kung gaano niya ako kamahal. Napaluha ako habang naalala ko iyon ngayon na magkasama sila mismo sa harap ko.

"Raine!" sigaw ni Marco na nakita akong nakahandusay pa rin sa kalsada. "Anong nangyari sayo?"

Nang makita ko si Marco, naalala kong noong panahon na magkarelasyon kami ni Edward ay sila naman ni Denise.

"Tatawag agad ako ng ambulansya!" natatarantang sabi ni Marco.

Hindi ako makagalaw dahil sa nangyari pero dahil sa nangyaring ito ay naaalala ko na kung sino ba talaga ako. Maraming memories ang pumapasok sa isip ko.

Sa sobrang dami ay kumikirot ang utak ko. 
Habang tumatagal ay nahihilo ako. Lalo na kapag naalala ko ay ang mga bad memories ko bago ako madisgrasya noon at magkaroon ng amnesia.

Bago pa man ako mawalan ng malay ay may nakita akong isang lalaking naka uniforme katulad sa aamin. Kilalang kilala ko ito at wala siyang ginawa kundi ang magmasdan ako.

Si Luigi,  Ang mukha ni Luigi parang kilala ko na siya noon pa at ngayon unti unti ko narin naalala  na may malaking atraso siya sa kin. Nanghihina na ang katawan ko na parang inaatok lalo na kapag napapaisip ako.

Napansin ko nalang unti unti nang dumudilim ang paningin ko habang pinagmamasdan ang mukha ni Luigi sa oras na iyon.

To be continued...

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon