Chapter 25- Payag na ako

619 25 3
                                    

RAINE'S POV

Malapit na ang afternoon class namin. Matapos kong makita ang oras sa relo ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagpasya na akong bumalik sa classroom.

Naglalakad ako sa hallway galing sa library nang nakita ko si Marco na nakatayo at tila may hinahantay sa harap ng classroom namin.

"Hoy... Raine!" tawag niya sa akin nang makita ako.

Sure ako, Kanina pa ako hinahanap ng loser na ito. Ayoko ko muna siyang kausapin dahil naalala ko na naman iyong sinabi niya sa akin noong math time namin kahapon. Nakakahiya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob.

"Hi crush." tawag ulit niya.

Hindi ko parin siya pinansin! Pumunta ako sa upuan ko at umupo roon. Napansin kong umupo rin siya sa upuan niya. Gaya-gaya din ang Loser sa pag-upo ko.

"Hoy... crush kailan mo ba ako papansinin?" malungkot niyang tanong.

Napabuntong hininga akong lumingon sa kanya. "Yes... Loser."

Pinansin ko na siya kasi kawawa na eh.

"Crush.. pwedeng magtanong?"

Ano naman kaya ang nasa isip ng Loser na ito. "What?"

"May gusto sana akong sabihin sayo, pero hindi ko alam kong pa-paano."

"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin?" Siguro ang Loser na ito ay nagpapansin lang sa akin para may makausap.

"Diba magaling ka sa Math?" tanong niya.

"Anong connect ng Math sa sasabihin mo?" walang emosyon kong tanong.

"Basta.. may tanong ako sayo." Hay naku! makulit nga talaga siya, sige nalang pagbigyan natin. Kawawa naman.

"Ano?" tanong ko.

"Pero ang gusto ko ay dapat mabilis kang sumagot."

Ano naman kaya tumatakbo sa isip ng lalaking ito. "Okay... okay... pagbigyan."

"26 times 3?"

Naku! ganito lang pala ang tanong niya, sisiw.

"78." Mabilis kong sagot.

"78 minus 14?"

"Tss... 64!" Sagot ko agad. Walang hiya ang bilis kasi niyang magtanong.

"64 divided by 2?"

Naloading sandali utak ko. "Ano... 32!" Sigaw ko.

"32 times 3... plus 2?"

"98... Loser!" Sagot ko ulit. Walang hiya napasubo ako sa mga tanong niya.

"98 divided by 2... times 2?"

"Niloloko mo ba ako Marco... syempre 98 parin!"

Ang sarap hampasin ng baseball bat ang loser na ito parang pinaglalaruan niya ako.

"98 divided by 14... times 45... plus 78... minus 250?" sigaw niya.

Mahirap na to promise! Napatingin ako sa taas para makapag-isip agad ako ng mabilis na sagot.

"Madali lang naman... 143." Sagot ko.

"Huling tanong na ito! Kung isa-isahin mo ang kada isang number ng sagot mo, Anong answer?"

"1-4-3!" Mabilis kong sagot agad.

Biglang nalang lumaki ang ngiti niya at namula sa harapan ko.

"1-4-3 din Raine." habang nakatingin sa mga mata ko.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon