Chapter 36- Walang Pilitan

498 19 1
                                    

RAINE'S POV

Kakatapos kulang maligo galing sa bath room ng may nakarinig ako ng tawag sa phone. Hay naku, I know who's this. Walang iba kundi ang Loser kong manliligaw.

Gwapo is calling...

Sabi ko na nga ba! Sinagot ko iyon kahit nakatapis lang ako ng tuwalya.

Me : "Hello Loser?"

Him : "Nasaan ka ngayon?"

Ang boses niya parang namamdali siya.

Me : "Syempre nandito sa bahay."

Him : "Bilisan mo pumunta ka agad dito sa bahay!"

Ang tono niya sa kabilang linya parang nagdi-dikta.

Me : "At bakit naman ako pupunta dyan?"

Him : "Si Biena nagkasakit, hinahanap ka... gusto ka daw niyang makita."

Bigla akong nag-alala para kay Biena.

Me : "Huh.. anong sakit niya?"

Him : "Basta, pumunta ka na dito... nanghihina na siya... Please, bilisan mo bago pa mahuli ang lahat!"

Me : "Anong mahuli na ang lahat? Anong bang nangyayari sa baby Biena ko?"

Nagsimula na akong mataranta sa pinagsasabi ni Marco.

Him : "Kung hindi ka pumunta dito, baka hindi mo na siya maabutan na buhay pa!"

Narinig ko sa kabilang linya na parang may humagolgol sa iyak. Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Kailangan kong pumunta sa bahay nila Marco. Nag-aalala na ako para sa baby Biena ko.

Me : "Bye... Papunta na ako!"

End call...

Nagmamadali akong nagbihis ng damit. Sa sobrang pagmamadali ko ay halos hindi na ako nakapagsuklay.

Nagpahatid ako sa driver at limang minuto lang ay nakarating na agad ako sa bahay nila Marco. Dali-dali akong pumasok sa bahay nila. Nakita ko agad si Marco kaya dali ko siyang nilapitan sa sala.

"Marco... Nasaan na si Biena?" tanong ko.

"Wow... Ang bilis mo naman!" nakangiting wika niya.

"Nasaan si Biena?" hingal kong tanong.

Pero nakangiti lang sa Marco. Anong problema ng lalaking ito? Nag-aalala na nga ako. Siya parang wala lang.

"Ate Raine... bakit ka nandito?" isang maliit na boses ang narinig ko mula sa likod.

Paglingon ko si Biena. Masigla habang hawak ang doll na binigay ko sa kanya.

"Biena, akala ko may sakit ka?" tanong ko.

"Huh? Anong sakit?" taka din niyang tanong.

Narinig ko sa likuran na tila pasimpleng humahagikgik na sa tawa si Marco. Lumingon ako sa likod kung nasaan siya pero sa pagkakataong ito ay kumukulo na ang dugo ko kanya.

"Marcooo!!"

Napatingin ako sa TV nila. Sa isang drama pala galing ang boses na humahagol-gol sa iyak kanina sa kabilang linya noong kausap ko pa siya.

"Gusto kasi kitang makita eh."

Binatukan ko siya agad sa ulo.

"Arayy... bakit ka nangmamatok agad?" namimilipit na siya sa sakit.

"Walang hiya ka! alam mo ba pagsisinungaling mo... nakalimutan kong magsukay para lang pumunta dito!"

"Eh ano naman kung wala ka pang suklay... maganda ka pa rin naman ah."

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon