Chapter 1: My name is Marga

3.4K 9 0
                                    

"Margaaaaa!" sigaw ng bestfriend ko na si Faith, "waah! (pasigaw) Isang buong summer din kitang hindi nakita" sabay yakap niya sakin. Kung di ko lang talaga mahal 'tong best friend ko na 'to eh kanina ko pa ito kinutos sa hilig niyang sumigaw.

Unang araw ng pasukan namin ngayon sa university, 5th year na namin sa Management Engineering. I consider myself an average student, pero dahil kilalang Senador ang daddy ko at minalas na maging only child ako, kelangang extra effort ako, ika nga ni Mommy everytime na pinapangaralan niya ako, "You should always shine brighter than the others sweetie, because it's good for your Dad's ratings" kaya ganun nalang siguro ang effort niyang magsumikap maging successful interior designer, medyo kilala na nga ang company niya sa real estate world.

Ganun ang buong buhay ko, sunod-sunuran ako sa gusto ng mga magulang ko, ang hirap talaga maging only child ni Mommy at ni Daddy. Kahit noong councilor pa lang si Dad kelangan "perfect daughter" na ako. Sabi din nila "one day, you will understand" Pero kahit ngayong 21 na ako hindi ko pa din maintindihan kung bakit ingat na ingat sila sa akin at kung bakit kelangan laging perfect ang lahat sa akin. magmula sa pananamit ko hanggang sa kurso ko sa college (mas gusto ko sana ng medicine kaya lang umalma si Mommy, nakakapangit daw ng skin ang puyatan ng mga doctor, oh diba ang saya saya ng buhay ko)

Buti nalang may tama rin silang ginawa sa buhay kong ito, binigay nila sakin si Yaya Paning, baby pa lang ako siya na ang kasa kasama ko sa lahat ng bagay, dahil sa sobrang busy ng parents ko, siya na tumayong pangalawang magulang ko present sa lahat ng events ko sa school at sa lahat ng fieldtrip ko mapa local o abroad, at kahit ngayong 21 na ako, andiyan pa rin si Yaya di na nga siya nakapag asawa dahil sakin. Tinutukso nga ako lage ng bestfriend kong si Faith, na "baby bonjing" daw, panu meh taga hatid pa ako ng lunch at taga bitbit ng bag ko hanggang gate ng University.

"Woi, earth to Margaret Celine Javier" napukaw ang thoughts ko, nagdadaydream na naman ako ng patungkol sa napaka "perfect" (sarcasm) ko na buhay. "Ano bang iniisip mo diyan, at kanina pa ako dakdak ng dakdak dito about sa summer vacay ko sa Europe with my Kuya and Ate tapos di ka pala nakikinig".

"Sorry naman, iniisip ko lang kasi yung next subject ko na Professor, si Ms. Tan, terror daw yun, palibhasa old maid" pagsisinungaling ko.

"Naku! kapag minamalas ka nga naman friend, si Ms. Tan pa, salamat nga naka 75 pa ako sa kanya last sem eh, alam mo kasi galit yun sa mga magaganda, kaya siguro galit yun sakin, ewan ko baka pasahin ka naman niya, di ka naman maganda, buhok mo pang teacher, tayo mo pang parang crooked road sa SanFo..." binatukan ko na siya sa mga kalokohan niya aba kahit hindi pang super model tong mukha ko sabi ng mommy at ni yaya maganada kaya ako. "gagi! serious naman ako friend, gusto ko pasahin to, down to our last year na tayo, ngayon pa ba ako babagsak" cut ko sa kanya. "May point ka nga naman, sige bibigyan nalang kita ng tips,..." at tips she did give me.

Pumasok na kami sa kanya-kanya naming klase pagkatapos at nagagree nalang na mag mall pagkatapos ng mga pasok namin to catch up on the updates na we missed sa summer na hindi kami magkasama.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon