Marga's POV
Makailang sandali lang pagkatapos ko ayusin ang sarili ko ay bumalik na ako sa pamilya ko. Lutang pa rin ako sa confrontation na nangyari samin ni Andrew. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko pagkatapos ng nangyaring yun samin dalawa.
Tulad nang eksenang iniwan ko eh nagkakatuwaan pa rin sila. Hindi na ako nagulat na wala doon si Andrew, nasa satellite office daw at kameeting ang Macau group. At the back of my head nagtatanong ako, does it involve Chantal? Tsss! What was I thinking.
Si Darell naman ay pinasyal daw ni Yaya Paning sa Picnic Grove para mag horseback riding. Pinayagan naman daw nila dahil excited ang bata.
Nang maupo ako ay sumalubong sa akin ang tanong ni Ela “Sis, what’s your plan after here?”
“Oo nga Margs, where do you go from here?” follow-up ni Mommy Stella.
Bigla ko namang narealize, how I effin’ don’t have a plan, kasi naman I went here just for Darell, not thinking about myself. Oo nga pala, I’m jobless and have no concrete plan.
“Hindi ko pa po alam, I will figure it out eventually” nangingiti kong sagot sa kanilang lahat.
“You’re always welcome in Palafargan Industries Marga, Andrew will always have a place for you there, we are family afterall” suggestion ni Daddy Lino.
Gusto kong sabihin na, No way! That will bre the death of me, pero sinagot ko nalang ng ngiti, “I will consider that po Dad”. I lied.
“Are you staying with your parents?” tanong ni Mommy Carrey.
“Of course I am/ No she’s not” sabay pa naming sabi ng Mommy ko.
“Ugh Ano ba talaga?” nalilito na si Mommy Carrey.
“Hindi ka pwede sa bahay Marga, may bahay kayo ni Andrew, you go home to where your husband is” panenermon sakin ni Mommy habang nakaupo kaming lahat sa round table.
“We have not been husband and wife for a long time Mom, I don’t think now would be any different” nakayuko kong sagot kay Mommy. Hindi ko sila matingnan sa mga mata kasi alam kong isusuplong ako ng mga mata ko sa emotions ko na hindi ko nagugustuhan. My heart is refusing to believe what my head is blurting out right now.
“Exactly our point Marga, you have not been a wife to your husband for a long time, kaya bumawi ka. And this time, none of us is letting Kyle get in the way, kung ano mang meron kayo ni Kyle, tigilan mo na” hindi ko alam anong pinakain ni Andrew sa Mommy ko at dahil ganito siya kung maka asta towards me. The last time I checked, ako yung anak niya.
“Marga, dun na muna kayo kay Andrew. He also intends to go back na sa bahay niyo. Darell just met his Dad, that would be helpful for the father and son bonding” kalmadong singit ni Daddy ko.
“I’ll think about it po, I dunno kung kelan namin pag-uusapan ang annulment” nung pauwi ako ay naisipan ko na rin magfile ng annulment, Ayoko na pahirapan pa ang loob ko dahil nakatali pa ako kay Andrew. Mas madaling mag-isip na walang papel getting in the way of the both of us. I just want to be done. Baka sa annulement namin makakahinga ako and I can finally move on.
“Anong pinagsasabi mong annulment?” gulat ako nung sumagot na talaga si Mommy Carrey. Napatayo pa siya sa kinauupuan niya. Bakas sa kanya ang pagkainis sa mga salitang kakasabi ko lang.
“Gusto ko na po ng annulment, I want nothing to do with Andrew” pinilit ko talagang sumagot ng buong tapang. Hindi ako patitinag sa mga magulang namin. Mga Pro-Andrew ito.
“WHAT?!? Marga tigilan mo nga yang pagiging selfish mo. For once stop thinking about yourself and think of your family. O kahit nang sa anak mo nalang. You just got Darell into this roller coaster of emotions having just introduced his father and family to him, hindi pa masyado nagsisink in sa anak mo, tapos ngayon isasabak mo na naman siya sa annulment ng mga magulang niya, how could you be so self-centered?” Galit na talaga si Mommy Stella. Dinuduro na niya ako. Para siyang bulkan na ilang taon nagpipigil at ngayon sumabog na talaga. It scared me. “I was being nice to you kasi mahal kita like my own, mahal ka namin, back then you were what we thought was best for Andrew, kaya pinaglaban namin ng mga magulang mo na ikasal kayo, but after the series of unfortunate events and how you reacted, leaving and not letting us know you had a child with Andrew, I was beginning to ask again, maybe, maybe wala ka ngang pinagkaiba kay Chantal, you only think of no one but your goddam self” nang sabihin ni Mommy Carrey ang mga salitang yun ay para akong binuhusan ng malamig na tubig na sinabayan pa ng isang toneladang hollow blocks. It hurt real bad.
Nakayuko akong umiiling sa kanilang lahat. Ang mga kamay ko ay napahawak na sa tuhod ko trying to hold back yung panginginig ng buong katawan ko sa mga hikbi ko. Ang premature ko talaga mag-isip. Malamang ay nasa akin nga talaga ang problema. Ano pa nga bang magagawa ko, I got hurt and I will do all in my power to not feel that again. Pero sa inaakto ko, ganun pa din naman, nasasaktan pa rin ako. Ganun na nga siguro talaga ang feel ni Andrew sa akin, he can be my heaven and my hell.
“Okay po, I will move back in with Andrew”
Hindi ko alam saan nanggaling yung sagot ko na yun. But I know I will regret it later.
Isa-isa namang nagdatingnan ang mga pananghalian namin pagkatapos nun. Hindi na muli naungkat ang napagusapan namin. SI Darell na ulit ang naging sentro ng attention dahil sa mga kuwento niya tungkol sa kanyang first horseback riding experience.
Si Andrew eh hindi sumabay sa tangahalian. Sinabayan na siya ni Phillip sa opisina niya ngayon. Kung pagpapatuloy ni Andrew ang ganitong uri ng business niya, hindi ako mahihirapan tumira ulit sa bahay kasama niya gayung lagi naman siyang wala. May tinge of hope pa rin na I won’t have to deal with him always.
Matapos ang tanghalian ay umikot ulit kami sa Tagaytay. Dinala namin si Darell sa Palace in the Sky at tuwang-tuwa naman siya sa view of the Taal Lake. Dati-rati eh sa internet lang naipapakita ni Kyle sa kanya ito, at ngayon na harap-harapan niya nang nakikita ito eh mas lalong namangha siya dito. Kitang-kita mo talaga ang panlalaki sa mga mata niya in awe.
“Please bare with Mommy Sis, she just wants you back together with Kuya, I understand it’s not easy but at least give it a shot,” pabulong na sabi ni Ela sakin habang pinagmamasdan namin ang sites.
Tinanguan ko siya. “Pasensiya na kayo sakin Sis ha” sagot ko sa kanya.
Natahimik kami ng ilang sandal. Inabutan niya ako ng mineral water na agad kong nilagok dahil nauuhaw na rin ako.
“Sis, uhm, kasi...ganito...ahhh...si Kyle ba, anong meron kayo?” tanong niya sakin. Nilingon ko naman siya agad na nangingiti. Si Kyle pa rin pala ang gusto nitong si Phoemela. Napansin ko na mula nung dumating kami na sinusulyapan niya ito ng patago. Malamang ito na yung chance na makabawi ako kay Kyle, magsisilbi akong tulay niya kay Ela.
“He is a friend. Platonic ang relationship namin. I consider him my best kind of friend.” Excited kong sagot sa kanya na pilit kong tinago sa kalmadong tono.
“Uhh really, that’s great” sabay akbay niya sa akin. Kitang-kita ko sa kanya ang relief at excitement. They will make a good pair.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...