Chapter 66: Choice

887 11 2
                                    

Marga's POV

Kasalukuyan kaming kumakain ni Darell ng hapunan kasama si Kyle at Ela. Bumalik sila sa bahay para ibalita sa akin na binigay nga ni Andrew sa kanila ang basbas nito para magdate sila. “How about Mommy Carrey and Daddy Lino Ela, alam ba nila ang tungkol sa inyo ni Kyle?” biglang tanong ko kay Ela habang sinusubuan ng ulam at kanin si Darell. Hindi pa nakakuwi si Andrew magmula nang pumasok siya kaninang umaga.

“I asked them when Kyle and I first went out a few weeks ago, wala naman masyado silang reaction, ’as long as you inform your brothers and they approve of you then we don’t seem to have a problem’, those were Dad’s exact words” sagot niya sakin sabay kopya pa ng tono ng pananalita ng Daddy niya.

“ganun ba. All is well naman pala” nangingiti kong kumento habang nakatingin sa kanilang dalawa na magkatabi sa mesa. Nakakatuwa sila tingnan. Yung namumuong twinkle sa mga mata nila kapag nagsasalubong ang mga tingin nila, dun napapansin na may pagtingin nga sila sa isa’t-isa.

“So panu mo naman napaamo si Andrew? Eh diba nga daig pa nun si Godzilla at Incredible Hulk” baling ko kay Kyle na muling nilalagyan ng kanin ang pinggan niya.

“Kinausap ko siya ng lalaki sa lalaki” kinindatan niya pa ako.

“By lalaki sa lalaki you mean what?” muli kong pagusisa. Sa lahat ng taong kilala ko, si Andrew ang pinaka mahirap amuhin. Bukod sa hindi mo mabasa ang takbo ng isip niya eh lagi itong naka poker face, hindi mo agad mababakas ang ekspresyon na pinapahiwatig niya sa mga tingin niya.

“Tinira ko siya sa kahinaan niya...” simpleng sagot niya sakin. “Kung ano man yang kahinaan ni Andrew na yan paki share naman sakin one of these days, magamit nga para hindi niya naman ako barahin lage” natatawa ko pang kumento sa sagot ni Kyle sa akin.

Tiningnan niya naman ako habang ngumingiti, “Kung alam mo lang”.

 

Nang lumalim na ang gabi ay nagpaalam na si Kyle at Ela sa akin. Nakatulog na rin si Darell na sinamahan na ni Yaya Paning sa kwarto. Iniligpit ko na ang mga nagkalat na laruan ng anak ko sa paligid ng bahay. Pagkatapos ay dinungaw ko ang nakasabit na wall clock malapit sa hagdan, magaala una na ng madaling araw pero hindi pa nakakauwi si Andrew. Nakakapanibago dahil madalas 7pm pa lang ay nakauwi na ito para siguruhin na gising pa si Darell sa paguwi niya. Pero bakit ngayon na halos maguumaga na ay wala pa rin siya.

Hindi niya malaman kung dapat na ba siyang mag-alala at kung ano ang dapat niya gawing hakbang para masigurado ang kaligtasan ni Andrew.

Pagkaraan ng ilang sandali ay napagdesisyunan niyang umakyat na sa kwarto at dun nalang antayin si Andrew. Ngunit nakaligo at bihis na siya eh wala pa ring bakas nito. Ilang minuto pagkaraan niyang humiga sa kanilang malambot na kamay ay hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya nang dahil sa pagod.

Sa buong gabing yun eh hindi umuwi si Andrew.

Kaya ganun nalang ang pagaalala niya nang magising siya kinabukasan na hindi man lang nagalaw ang bahagi ni Andrew sa kanilang kama.

Dali-dali niyang ginawa ang grooming niya sa umaga. Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na siya. Dinatnan niya si Yaya Paning sa kusina na naghahanda ng pagkain ni Darell. “Yaya, anong oras po ba umuwi si Andrew kagabi?”

Humihikab pa si Yaya Paning na sinagot ako, “Inumaga nalang ako sa kakaantay diyan sa asawa mo para mapagbuksan ko ng pinto Marga, hindi umuwi.” Pagkaraan niyang sabihin yun eh iniwan na niya ako para silipin kung gising na si Darell nang mapaliguan na niya.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon