Marga's POV
Nagpipigil ako ng damdamin at luha nang pumasok ako. Paulit-ulit kong sinasabi sa kalooblooban ko, Kalma Margaret, Kumalama ka...
Kumakabogkabog ang puso ko. Ramdam ko ang pagnanais niyang tumakas sa loob ng dibdib ko. Para bang may magnet na humahatak sa kanya papunta sa kinaroroonan ni Andrew.
“Ma’am Margaret?” isang hindi pamilyar na boses ng lalaki ang biglang pumukaw sa akin.
Nilingon ko ang isang binatilyong siguro eh kaka-20 pa lang. “Kilala moko?” nagtataka kong tanong sa kanya.
Binati niya ako ng tingin at tinuro sa isang portrait na ngayon ko lang napansin. Nakasabit ito sa gilid ng bar counter ng yate. Nang mapansin ko kung sino yung nasa litrato ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko, blown up picture ko ito na tumatawa pagkatapos ng graduation ko. “Diba po ikaw yan Ma’am? Lage ka pong nakukuwento samin ni Sir Andrew. Yung mga tawa mong nakakahawa, yung mga titig mong kaya ipangako ang buong kalawakan. Lahat po yung kinuwento ni Sir Andrew samin nung binili niya tong villa at yate Ma’am. Sabi niya, balang araw, dadalhin ka niya dito at ipapakilala ka niya samin.”
Nangingiti naman ako habang may mga luha na tumutulo sa mga mata ko. “At andito na ako” nababaliw na nga yata ako. May ngiti at luha sa mukha ko at the same time. Nilahad ko sa kanya ang mga kamay ko offering a handshake.
“Ay...” pinahid niya ang mga palad niya sa moang pants na suot niya. “Vito po pala Ma’am. Pasenisya na nakalimutan kong magpakilala. Ako po ang katiwala ni Sir Andrew dito sa yate. Welcome po Ma’am sa MV Margaret. One of its own dito sa Pilipinas. Custom-made para kay Sir Andrew. Parang ikaw po, para kay Sir Andrew lang” nang sabihin niya ang mga katagang yun ay pinaalala niya sakin na kahit kailan, kay Andrew lang ako and for no one else. At kahit saan man ako dalhin ng agos ng buhay, kay Andrew at kay Andrew lang pa rin ang tungo ko.
Tinuro sakin ni Vito ang circular na stairs sakin. Dun daw ako inaantay ni Andrew.
Pagabot ko sa dulo ng hagdan eh nakita ko na ang kanina ko pa hinahanap. Dito sa control room ng yate. Nakatukod ang mga kamay niya sa railings at nakadungaw sa blue na karagatan sa labas ng salamin na kaharap niya.
Bigla naman siyang nagsalita. “Andiyan ka pala. Buti naisipan mong samahan ako dito” hindi niya ako nilingon. Patuloy lang siyang nakatingin sa malawak na karagatan. “Nagustuhan mo ba ang Villa Margaret?” pasimple niyang sabi sakin. Uminom siya sa basong hawak niya na naglalaman ng puting likido, wine siguro.
“I bought this Villa nung naligaw ako sa lugar na ito a 2 years ago. I was missing you a lot so I drove around. May malaking FOR SALE sign ito sa loob ng gate nun. Ang ganda ng gate, very out of the ordinary kaya naenganyo ako magtanong. Timing naman, the couple who used to own the place were here that time. They told me the reason why they were selling, including their love story” patuloy niya sa pagkukuwento at paginom ng wine. “They were childless kaya they made this villa their baby. Lahat ng pagmamahal at perang pumapasok sa kanila ay dito nila nilaan. Kaya lang they had to give it up...damn! the old lady had Parkinson’s and they were slowly feeling it. Kaya kahit masakit they had to put this property up in the market. This place meant nothing if they didn’t have each other, that was their story. Nagulat pa nga ako na they were selling on a very low price...” suminghap siya at natigilan sandal. “I couldn’t buy it for the price they wanted, I knew paid higher. Pakiramdam ko kahit kalahati ng networth ko hindi enough for the real price of this villa. Their love was priceless, tulad nang bumabalot na pagmamahal sa villa. Naalala ko ang mga tawa mo or how your eyes shown when you had ideas, the welcoming ambiance of the place, the promise of love, the warmth of the corners, the strength of the pillars...it all resembled you.” Muli tumigil si Andrew sa pagkukuwento. Nilapag na niya this time sa railings ang baso na pinagiinuman niya ng wine. “The couple really struck me even when I got to Manila. I couldn’t take my mind off them, that also inluded the villa. Kaya kinabukasan, I sent my agents to this place and gave them the right price for their real estate, with a promise na pupunuin ko rin ito ng memories of my own, ng pagmamahal. Kaya everytime I miss you, I got something for this place. Nakakatawa, pero nagmumukha na nga atang shrine mo ito. Kung artista ka, ako yung president ng fans club mo, kung kulto ka naman ako yung high priest. This yacht is my latest purchase” Nilingon na niya ako this Kitang-kita ko na ang namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. Ramdam ko ang longing sa mga mapanusok na tingin niya na yun. Bukod doon ay naramdaman ko na rin ang pagod mula sa pagkakatayo niya ng ganun. I knew then and there that Andrew was falling apart. For the longest time, he kept his ground...but for how much more? Hanggang kalian ako magdadamot sa kanya?
“Marga?” mahina niyang tawag sa akin. “Miss na miss na kita”
Bumagsak ang mga luha na kanina pa niya pinipigil. Ngayon ko lang nakita umiyak ng ganito ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi niya ako malapitan kahit ilang pulgada lang ang layo niya sakin.
Napasandal naman siya sa railings ng deck na kinaroroonan namin. “I miss you but I don’t know if I can still hold up for a longer time. Masisiraan na ata ako dahil sa pagmamahal na ito” yumuko siya at tiningnan lang ang mga sapatos niya. Sa yuko niyang yun ay parang talong talo siya sa laro ng buhay. Takot ang bumalot sa akin, natakot ako na tuluyan na siyang sumuko sa aming dalawa.
Hindi ko maihakbang ng tama ang mga paa ko. Tulala lang ako sa kinaroroonan ko. Pareho lang kaming tahimik.
Sa katahimikan na yun ay naalala ko ang mga pinagdaanan naming dalawa nung mga panahong magkasama pa kami at kahit na nung nagkalayu kami. Doon sa mga panahong yun ako natutuong mabuhay, doon ako nagmahal, nasaktan, bumagsak at muling bumangon. Lahat yun dahil sa lalaking kaharap ko. Dahil kay Andrew.
Hindi ko pala pwedeng i-single out ang buhay ko from Andrew’s...kahit anong gawin ko eh magkarugtong na ang buhay naming dalawa. At hindi ko na rin kakayanin pa ulit na muli pang lumayo sa kanya.
Walang patumpiktumpik na lumapit na kao sa kinaroroonan niya. “Andrew” kalmado kong tawag sa kanya.
Hinawakan ko siya sa baba at inangat ito. Nang magtama ang mga tingin namin ay hindi ko na napigilan a ang damdamin ko. Niyakap ko siya ng buong pagmamahal. Umiiyak akong binaon ang mukha ko sa dibdib niya. And yes, I was right. In his arms...I was home.
The familiar warmth was all I needed to make me feel okay once again. No amount of pain and hurt will make me leave again. This time I’m staying right where I am now...in his arms.
“Thank you for loving me this much..this way” and I faced him. He automatically placed a peck on my lips.
MUli ko siyang niyakap. Pinulupot ko ang mga braso ko sa bewang niya. Sumandal ako sa kanya at magkasama naming tinanaw ang nakapalibot na dagat.
Naramdaman ko naman na inakbayan niya ako at hinalikan sa ulo. “Marami pa tayong paguusapan Babe. Pero let’s just enjoy this moment for now. I LOVE YOU” buong-buo niyang sabi sa akin habang nandun pa din kami sa ganung posisyon.
Walang pagdadalawang-isip ko naman siyang sinagot din. “I LOVE YOU”
The warmth of his voice was comforting. The weight of his arms around me was heaven. It was enough to make me once again believe that everything after this moment is going to be okay.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...