Chapter 45: The Search

539 3 0
                                    

Andrew’s POV       

“I don’t fuckin’ care, kahit gawin niyang 5 million yung ibabayad niyang tip, basta kelangan ko ng passenger manifesto sa lahat ng airlines na lumabas nung araw na yun galing Macau International Airport” binagsakan ko ng telepono ang sekretarya kong makailang beses ko na masigawan magmula nang mauwi ako galing Macau.

Lumabas ulit yung dating Andrew, yung sinasabi ni Peter na pinaglihi kay Godzilla.

But I know this time, I am not the same person that I used to be, I will never be the same without Marga, she has to come back...

It’s been a week since I last saw Marga. I turned Macau upside down the day she slammed that door close. To no avail.

On cue, pumasok naman si Mommy at Daddy kasama ni Peter sa loob ng office ko.

Kitang-kita ko ang awa sa mukha ni Mommy, the last thing I need now is awa, I only need Marga, at hindi pa maibigay sa akin yun.

“Son, are you okay? Hindi ka raw kumakain ng maayos? Look at you?” maluhaluha niyang sabi. She didn’t have to remind me the kind of train wreck I am right now. Alam kong disaster ang istura ko ngayon.

“Hindi ka natutulog ng tama, hindi ka na umuuwi, dito ka na sa office mo nakatira” tuloy niya.

“HAPPY NOW MOM? Look at me? I am the perfect emblem of a broken hearted man, kung hindi mo sana ipinagpilitan si Marga na pakasalan ko, hindi ako magkakaganito. Hindi ko siya mamahalin ng higit pa sa buhay ko. I will not be in this situation if you didn’t involve yourself in my lovelife.” Tinitigan ko ng matatalim si Mommy. Ramdam ko na ang mga luha ko out of desperation. I don’t usually shed tears. Hindi ako iyakin. Poker faced nga diba. Pero now, it felt like crying is the only way out of the heaviness I feel inside me. Na kapag hindi ako umiyak eh sasabog ako at ikakamatay ko yun.

“Don’t talk to your mother like that Andrew!!! It’s your choices that brought you to this situation. You always had the choice, and you chose to break her heart, hindi si Mommy mo o si Marga ang nagpapasok kay Chantal sa kwarto na yun, you did, at kung hindi ka lang sana..” at dinapuan na si Daddy ng kamao ko na hindi pa natatapos pagsalita.

“Andrew???” at hinarang na ni Mommy ang katawan niya sa nakahiga sa sahig na si Daddy, putok ang labi.

Naramdaman ko naman ang buong weight ni Peter sa likuran ko para pigilan ako. “Dude, that’s enough. You’ve had enough for today. Umuwi ka na muna, ako nang bahala dito”

“I’m sorry Mom, Sorry Dad, I dunno what’s happening to me” ang nasabi ko bago ko pa tinungo ang pinto ng office ko. Uuwi na muna ako. Hindi ako makakapag-isip if I’m this desperate.

While driving home, mas naramdaman ko ang desperation sa loob ko. Tinitingnan ko sa gilid ng mga mata ko ang walang laman na shotgun seat, naaalala ko pa ang mga tawanan namin ni Marga sa tuwing nakaupo siya sa upuang yun habang nagtatalo kami kung anong music ang paplay niya sa itouch ng sasakyan.

“Nasaan ka na Marga?” ang bulong ko sa hangin.

Nang makarating ako sa bahay ay mas lumala pa ang nararamdaman ko.

Bumungad sakin ang wedding portrait namin na nakabalandra sa living room. Ang kulay peach na kurtina na pinagtalunan pa namin kung kakasya ba sa glass windows ng bahay. Bawat sulok, nagpapaalala sakin sa kanya.

“Sir kakain po ba kayo?” biglang singit ni RIna.

“Hindi” malamig ko na sagot sabay akyat sa hagdanan.

Mamamatay na ata ako nang makapasok ako sa kwarto namin. A normal day would mean Marga running to me after a day’s work. Nakapaligo na siya at handa na rin ang pampaligo ko bago kami magdinner. Naamoy ko rin a familiar na floral scent niya. Ang hairbrush niya na nasa dresser. Ang mga sapatos niya sa walk-in closet namin.

Nariyan din ang kama naming dalawa, kung saan maraming sikreto naming mag-asawa ang tahimik niyang tinatago. How many times kong naangkin si Marga sa kamang ito, purple ang beddings nito nung iniwan ko, ganun pa rin ito ngayon pagbalik ko. Wala kasing Marga na magpapalit nito every 2 weeks. Don’t let the bedbugs bite. Lage niyang pinapaalala sakin sa tuwing nagrereklamo ako kung bakit kelangan every 2 weeks.

I unbuttoned the buttons of my shirt at humiga na sa kama. NIyakap ko ang unan from her side of the bed. Para akong helpless na bata, tumtulo ang mga luha ko. I never cried for anyone like this before. I feel so hallow, I feel so empty. No Marga, No Andrew...

...at nakatulog ako sa wakas. Hindi dahil sa pagod na akong maghanap sa kanya kundi dahil mahapdi na ang mga mata ko sa kakaiyak.

Gumising nalang sakin kinabukasan ang mga mahihinang bulungan sa loob ng kwarto namin. Hindi ko agad dinilat ang mga mata ko.

“Maging kami hindi rin namin alam kung nasaan siya Balae, nag-aalala na rin kami kung kumakain ba siya o di kaya may natutulugan ba siya, kawawa din itong si Andrew” dinig na dinig ko ang umiiyak na boses ni Mommy Stella.

“I’m sorry kinailangan humantong sa ganito. Mahal nila ang isa’t-isa, no question there. Pero masyado nang nasaktan si Marga.” Dinig ko ang parang walang lakas na sabi ng Daddy ni Marga. “Humingi na ako ng tulong sa NBI at kay General, para magpatulong sa Macau police na maitrace ang whereabout niya, kung andun pa ba siya o kung saan siya pumunta galing doon” Naalala ko, Senator pala ‘tong Daddy niya.

“Biktima lang sila pareho ng pagkakataon, pasasaan ba’t mahahanap natin si Marga. Kahit maubos ang yaman at ari-arian ng mga Palafargan, hahanapin natin siya, Andrew will never be the same without Marga. Noon broken hearted lang siya kay Chantal, ngayon he is a broken person, mas malalim ang mga sugat, mas mahirap maghilom” ang Daddy ko naman ang nagsasalita ngayon.

Naramdaman ko naman na parang may umupo sa gilid ng kama dahil lumubog ito. Naramdaman ko rin ang halik sa tuktok ng ulo ko. “I’m sorry Andrew. Hahanapin natin si Marga. Ibabalik ko siya sayo. Now please son, get over yourself, tumayo ka, anong babalikan ni Marga kung dapang-dapa ka” alam kong umiiyak si Mommy habang binubulong niya yun.

May punto siya. Hindi gugustuhin ni Marga bumalik sakin kung dapang-dapa ako. Kung subsob ako sa depression. Kahit mahal ako ni Marga eh matalino pa rin siya, hindi ko siya mapapabalik kung hindi ako maayos. Kelangan pagbalik niya, ako pa rin yung Andrew na iniwan niya, yung minamahal niya, sana...

Bumukas na ang pinto ng kwarto namin, isa-isa nang lumabas ang mga parents namin. Nang marinig kong sinarado ito ay bumangon na ako at napaupo sa kama. Nag-isip ako ng kaunti...kung magpapatalo ako sa nararamdaman ko ngayon ay paniguradong hindi ko mahahanap si Marga. Hindi ako makakapag-isip ng maayos. I cannot plot a good plan, I cannot find Marga.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo. Maliligo na ako at kakain pagkatapos.

Pagsubok lang ito...Hahanapin kita Marga, kahit sa Amazon o sa Antartica.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon