Nang idilat ko ang mga mata ko ay mataas na ang araw, naku 11:00 na pagkakita ko sa wall clock sa loob ng kwarto namin ni Andrew.
Pero teka, nasaan na ba siya? Dito ba siya natulog? Hindi ko na naramdaman ang paglabas niya ng banyo kagabi dahil naidlip na ako. Wait!
Agad kong tiningnan ang katawan ko, kumpleto pa naman ang suot ko kagabi. Safe!
Sumilip ako sa bintana ng attic, nakita ko naman silang lahat na nasa poolside, wala ni ano mang bakas ng kasal na naganap kahapon. Nagsiswimming ang kambal kasama sina Peter at Faith, Nag-uusap naman at nagtatawanan ang mga magulang namin kasama si Andrew.
Agad naman akong pumasok sa banyo, nagmadling maligo. Sinuot ko na rin agad ang simpleng shorts at red na blouse na sinabayan ng blue sandals. Hinayaan ko nalang nakalugay ang hair ko tutal basa pa naman ito. Bago ako bumaba ay inanagan ko ang wedding ring at engagemtn ring na suot suot ko sa kaliwang kamay. Bagong pahina ito sa buhay ko, kasama ang mga bagong tao sa buhay ko, kasama si Andrew. Nagpigil ako ng luha. Simula sa araw na ito, hindi na ako malaya, pagmamay-ari na ako ni Andrew, ng mga Palafargan.
Katulad ng mga properties ng Palafargan Industries, meron na rin akong tatak, ang mga singsing na suotsuot ko.
Muli kong inayos ang sarili at bumaba na ng hagdan.
Pagdating ko sa poolside ay saktong dumating naman ang tanghalian.
“Oh Mrs. Palafargan, napagod ba kabgabi?” Bulong sakin ni Faith.
“baliw!” sabay batok ko sa kanya. Nagtawanan naman kami ng tinungo ko ang ibang tao pang andun.
“Pasensiya na po tinaghali ako ng gising” hinalikan ko sa ulo ang Mommy’t Daddy ko at nakipag beso na rin kay Tito Lino at Tita Carrey.
“How was your sleep iha, nakapag pahinga ka ba ng maayos?” tanong ni Tita Carrey.
“Maayos naman po, tinaghali na nga ako ng gising, pasensiya na po di ko namalayan Tita.”
“Anong Tita, from now on Mommy Carrey and Daddy Lino na ang tawag mo samin”pagsita skain ng aking so-called mother in-law.
“Ah opo, pasensiya na po Mommy.”Sagot ko na nauutal pa.
“Babe, dito ka na sa chair ko maupo, kukuha nalang ako ng isa pa sa loob”tawag sakin ni Andrew. Masasanay na talaga ako sa babe babe na yan, kasing gwapo ba naman niya ang tumatawag sayo, heaven.
Pagdating ng dapit hapon ay napagdesisyunan na naming bumalik ng Manila. Sa sasakyan na ako ni Andrew sumabay dahil uuwi na daw kami sa bahay namin...talaga lang ha...namin talaga.
“Pagdating natin ng Manila, sa bahay natin ikaw titira, wala na yung Yaya mo na nakabuntot sayo magdamag, kahit ata paliguan ka ginagawa pa nun hanggang ngayon” pagbasag ni Andrew sa katahimikang namuo sa loob ng sasakyan.
Nagulat naman ako. Of all people, si Yaya Paning ka ang ipagbabawal niya skaing makasama ko.
“Andrew naman eh, gusto ko pa din makasama si Yaya Paning” pagrereklamo ko.
“You’re gonna live in my house, under my rules, pag sinabi kong walang Yaya Paning, wala okay. At sa bahay ko, wala akong katulong o driver. May naglilinis ng bahay ko 3 times a week at may security guard pero liban pa doon, mag-isa lang ako sa bahay, pero now that you’re gonna live with me, Dalawa lang tayo sa bahay.”
Bakit parang nagbago ang aura ng lalaking ito. Nung kasama namin ang pamilya namin mabait at sweet naman ‘to. Ngayon natatakot ako sa kanya.
“Kung di ka marunong magdrive, magcommute ka papunta sa school mo, kung panu mo gagawin yun, go figure, may mga sasakyan sa bahay at your disposal, pero sorry ka nalang kung hindi ka marunong magdrive”
Wow mahaba pa ang listahan ng taong ‘to.
“Magluto ka kung gutom ka, hindi ako usually kumakain sa bahay kaya sariling sikap tayo. Kanya kanya. At dahil ako na ang responsible sa’yo from now on, ako na magbibigay ng allowance mo. 500 pesos ka lang a week. At kung may gusto kang lutuin ilista mo at iwan sa pinto ng ref, papabili ko yun.”
“Wa.wa.wait” Putol ko. “halos kawawain moko sa bahay mo tas babawasan mo pa allowance ibang klase ka rin ano” hindi na ako nakapagpigil. Sa international school kaya ako nag-aaral, kulang nga siguro sa 2 o 3 araw yang 500 na yan pamasahe pa lang sabi ko sa sarili ko.
“Remember, you’re in my house, my rules” napaka commanding ng tono niya.
Hindi na ako nakapagsalita. Akala ko ba nangako siya sa parents namin na aalgaaan niya ako, why then would he make my life a living hell?
Bumyahe pa kami ng kaunti at pumasok na kami sa isang prominenteng village sa Makati. Halatang may sinabi si Andrew sa village na ‘to dahil ang mga gwardya ay sumasaludo sa kanya.
Maganda ang paligid, may touch of the suburbs at urban living. May man-made lake sa paligid ng jogging track at may maliit na rin na playground sa gilid. Sa dulo ng lake ay isang clubhouse na halatang pangmayaman talaga, meron tennis at basketball court at isang olympic size na swimming pool.
Nang malampasan namin yun ay bumungad sa akin ang isang napakataas na itim na gate, may kung anong pinindot si Andrew na configuration sa remote na hawak niya at saka bumukas ang gate. Agad naman siyang sinaluduhan ng gwardya at bumalik na sa pwesto niya.
Pagpasok ng sasakyan sa gate ay tumambag sa akin ang isang napaka garang bahay, modern ang design nito, gawa sa salamin at semento. Combination ng black at white naman ang bahay na ito. Triple ata ang laki nito sa bahay namin eh.
Pumarada na si Andrew sa garahe, tama nga siya, may nasa 5 sasakyan ang nakahelera dito, may volvo, audi, merceds benz at toyota.
“Bumaba ka na, find your way inside, bukas naman yan, the last door at the end of the hall sa second floor, yun yung master’s bedroom, kwarto natin” nagmamadaling sabi ni Andrew.
“Ha, eh ikaw saan ka pupunta?” tanong ko.
“May nakalimutan lang ako sa office, kukunin ko lang yun.” Sabay atras ng sasakyan niya palabas ng gate. Ang lamig niya, may galit sa mga tingin na yun. Natatakot ako sa kanya.
Pumasok na ako sa bago kong bahay.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...