Marga’s POV
Eto ako ngayon, with my dearly beloved friends, touring the whole of Seoul. The place is breathtaking, ibang-iba sa Pilipinas. Fashionista mga madlang people dito at kay gaganda ng skin.
Pero syempre di kami papatalbog ng mga friendships ko, shopping agad ng pamatay na outfit pagdating at explore explore, nandito yata kami para magselfie, este magbakasyon.
“Girls, puntahan natin yung Gangnam district,” excited ata ‘tong si Nica to see for herself if totoo yung kanta sa Gangnam style, super sikat kaya nun noon.
“Unahin na natin yung K-Wave Experience Zone, Koreanovelas in the flesh” pagdidiin ni Faithlyn.
Haay, matagal-tagal na naman na usapan ‘to kung saan kami mauuna. Tawagan ko na nga lang muna si Andrew bago magbusy ang lahat. Pinangako ko kasi sa kanya na tatawagan ko siya lage kapalit ng pagpayag niya na magbakasyon ako dito kasama ang mga kaibigan ko.
Dinial ko na ang numero ng asawa ko.
Agad naman itong nagring.
“Hello” boses pa lang ni Andrew natutunaw na ako sa kinatatayuan ko. Hindi pa ako nasanay.
“Good afternoon, can I please talk to the most amazing husband on the planet?” pabiro kong sabi.
“This is the most amazing husband on the planet, are you the silly wife who realized just now?”hindi ko inaasahan yung sagot niya. Si Andrew nga talaga ‘tong kausap ko, laging handa, me sa boyscout nga naman kasi sila ng family niya, natatawa kong inisip.
“Hi Babe, you got me there ah. I miss you, 2 more days.” masaya kong bati sa kanya.
“Yeah 2 more days, how’s everything going there? Nakapagpapicture ka na kay San Chai?”
“Waah Babe, Taiwanese siya, nasa Korea kami, si Geum Jan-di yung dito sa Korea, nakakatuwa ka”
*Laughs “Oh sorry, I am so clueless when it comes to that,” tawang-tawa na sagot ni Andrew sa kabilang linya.
“Yaan mo na, if magkasundo na si Faith at Nica sa itinerary eh makakapunta na kami sa museum with the K-POP memorabilias, I’ll keep you updated. Ikaw kamusta?”
“Am driving, on the way to a friend’s bar, Peter got me to catch up with old friends” sabi nito.
“That’s good, reconnect with your friends Babe, huwag yung puro work nalang. Basta mag-iingat ka, buo ka nung iniwanan kita, buo kitang babalikan” pabiro kong sabi.
“Kulang nga ako eh, wala ka kasi...Opo Babe, I’ll be careful, not gonna drink a lot, need to drive eh” at ako na ang kinilig ng todo.
“O sige na, call you again later. I love you. 2 more days” pagpapaalam ko.
“Okay, I love you too.”
Binaba ko na ang cellphone ko, timing naman na nasettle na ang direction ng lakad naming ngayong gabi.
Inikot naming magkakakibigan ang K-POP Museum at napagkasunduang pumunta sa Gangnam district para magparty at subukan na rin ang sikat na seaweed soup.
It’s these rare times in life that we celebrate being alive, in the company of good friends.
Andrew’s POV
Pagdating ko sa bar ng kaibigan kong si Xander ay hindi ako agad bumaba ng kotse, nagtanggal muna ako ng tie at coat, unbuttoned some of the buttons from my shirt. Ginulo ng kaunti yung buhok ko. I need to look loosened up, hindi masyadong seryoso, like old times.
Nang makuntento na ako sa ayos ko ay agad namang kinuha ng valet ang susi ko para ipark ang kotse ko sa paradahan. Nakita ko namang pasimple itong naexcite, maserati-quattroporte-s ba naman mamanehuin niya.
I began walking to the bar’s entrance. I already know where to go, tulad ng dati, my friends hang in the VIP lounge, it’s more private.
When I reached the heavily tinted doors, I carefully opened it.
“Andrew Pare, long time no see, we are far from glad you came” Bati sakin ni Xander sabay tapik sa balikat ko.
“Napilit ko eh” dinig kong sabi ni Peter. Nauna nap ala siya sakin.
“I’ve been busy” nangingiti kong sabi sa mga tao na kaharap ko ngayon.
“Oo nga eh, tampo kami, you got married and never invited us, we even haven’t met the new Mrs. Palafargan, you owe us that much Pare.” Si Billy and doctor ng grupo na binati ako ng unique handshake namin.
“Wag niyo masyado gisahin yan baka magmadaling umuwi, ‘di pa yan magkuwento, musta pare?” Si Carlo, ang bunso sa grupo, the actor. Binigyan ko rin ng handshake ng barkada.
“Andito nap ala ang kukumpleto ng barkada eh, Ivan Andrew, naalala mo pa ba ako, si Mico ‘to, dorm mate moko nung high school” pabiro nitong sabi.
“Oo naman, alalang alala kita, ikaw nagturo sakin mambabae eh” pabiro kong sabi.
“Ikaw nga yan Andrew” natatawang sagot ni Mico. Andun din si Lyka yung babaeng nakita naming ni Marga sa simbahan, she’s Mico’s wife.
“Looking good pare ah, ang yaman mo na daw, kuwento nito ni Peter, tirahan mo naman kami” si Billy.
“Just got lucky” pahumble kong sabi at umupo na sa sofa sa gilid ni Peter.
“going back to my question, when do we meet Mrs. Palafargan?” follow-up ni Billy sabay abot sakin ng basong may ice at whisky.
“Not tonight, she’s in Seoul with friends” sabi ko bago nilagok yung alak na bigay sakin.
“I met her na, and beautiful is an understatement” pagsingit ni Lyka.
Nagtitinginan naman sila sakin, kahit noon hindi ako masyado open sa personal life ko. Pero nalalaman pa din nila ang mga nangyayari sa buhay ko, may sa FBI ata mga kabigan ko.
“Beautiful is never an understatement, it’s even an overstatement, saying that means perfection,and we all know that nobody’s perfect”
Bigla akong natigilan sa paglagok ng alak na inaabot sakin ng mga kaibigan ko. Nanigas yung mga tuhod ko. Bigla kong naramdaman ang puslo sa batok ko. Kilalang kilala ko ang boses na yan, hindi ko pwedeng makalimutan.
Boses ni Chantal.
Natahimik ang lahat, naramdaman siguro nila yung akward silence na bumabalot sa room. Hindi naman ako makagalaw agad, meh sa anong baga na muling umiinit sa puso ko, pinagpapawisan na ako ng malamig.
Kalma Andrew, kalma. Pilit kong pagalo sa sarili ko.
MAtapos ang ilang sandal ay nagawa ko ring lumingon at tumayo.
“Chantal, Hi! It’s been awhile” pinilit kong ngumiti. Sabay lapit sa kanya at beso.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin, mahigpit na mahigpit ito na may halong pananabik. Narealize ko naman how I long wanted for this in the past, but now, I can hardly explain, this feeling, it has no meaning, no word in the dictionary can describe. Confusion? Anger? Hatred? Anxiety? Goddamit! give me a word.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...