Chapter 64: In loving, Pain is Inevitable

884 12 2
                                    

Marga's POV

Hindi na ako muling tatakbo pa.

Yun ang napagdesisyunan kong gawin pagkatapos nang usapan namin ng mga kaibigan ko. Handa akong pagbayaran lahat ng sakit na dinulot k okay Andrew at sa pamilya namin. At kung ang pananatili sa tabi ni Andrew habambuhay ang kabayaran, pagtiyatiyagaan ko.

Pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay ang hiyawan at tawanan ni Andrew at Darell ang bumungad sakin. Nasa meh pool area sila kaya tinungo ko na sila doon.

“Andito lang pala kayo.” Bati ka sa kanilang dalawa.

“Hi Mom, Dad’s teaching me how to swim” masayang-masayang sabi ng anak ko sakin habang pinapakita ang mga natutunan niya.

“Napaaga ata ang uwi mo 3pm pa lang ah” pagtatanong ko kay Andrew. Madalas kasi na 7 na ito umuuwi.

“Wala masyadong ginagawa sa office ngayon, nakabalik na kasi si Peter at nakakatulong na si Phillip” sinasabi niya habang tinutulungan magfloat si Darell.

“Uhm Darell, can you go get Yaya Paning, ask her to bring snack for all 3 of us here” inutusan ko si Darell para magkapanahon akong kausapin si Andrew at linawin sa kanya ang mga nalalaman ko.

Nang mawala na si Darell eh si Andrew naman ang umahon sa pool. Pinupunasan niya ang katawan niya sa tuwalyang inabot ko sa kanya. Pinagmamasadan ko siya ng maigi, siguro ay hinahanapan ko siya ng bakas ng nakaraan.

“Hindi mo sinabi sakin nakulong ka pala” pambungad ko. Kapag hindi ko inunang tanungin yun eh paniguradong mahihirapan na ako. Natigilan naman si Andrew sandali sa ginawa niya.

Nang tinuloy niya ang pagpupunas ng katawan eh sinagot niya rin ako. “Hindi na mahalaga yun ngayon” Dinampot niya ang t-shirt niya sa meh upuan at nagumpisa na sanang maglakad pabalik sa bahay nang hinawakan ko siya sa braso.

“I’m Sorry Andrew. Hindi ko alam” buong pagmamahal kong sinabi yun sa kanya. Ramdam ko ang paninigas sa braso niya na tila nagpipigil ng emosyon. AKo naman hindi na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ang dami kong ginawang pasakit para sa kanya. Pero eto pa rin siya, lumalapit, willing to give us another shot.

“Sabi ko naman diba, hindi na mahalaga yun” hindi siya lumingon sakin. Hinayaan niya lang akong hawakan siya sa braso. Nanatili kaming nakatayo sa gilid ng pool at walang ni isa sa amin ang nagtangkang gumalaw.

“Mahalaga sakin yun Andrew...ang malaman ang lahat-lahat” mahinahon kong sagot. Pinipilit kong pigilan ang pagdami ng mga luha.

Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni Andrew. Nilingon niya ako. Nawala ang mga maaong mata niya, napalitan ito ng sobrang dilim na ekspresyon. “Ano bang gusto mo malaman Marga? Na nakulong ako dahil sa paghahanap sayo? Kasi naniwala sila na pwede akong maging ganun ka sama para masaktan kita. Lintik na pagkakataon. Pagbintangan niyo na ako with kissing another girl, dun aamin ako, pero ang patayin ka? Papatayin ko muna ang sarili ko bago ko magawang saktan ka ng ganun” Hinawi niya ang kamay ko sa mga braso niya. Ramdam ko na rin ang pagtulo ng mga luha niya kasabay nang pagtulo nang sakin.

“I agreed to be maltreated that way kasi akala ko...*sniffs...I thought if you knew, you would comeback and clear my name” Tiningnan niya ako sa mga mata gamit ang madilim na ekspresyon na yun. Yung mga tingin na sobrang sinasaksak ako. “Pero hindi ka bumalik, hindi moko binalikan, and what’s worse, sumama ka sa ibang lalaki, and you chose to be with him over me when I needed you most” awang-awa ako keh Andrew. Gusto ko isyang yakapin para pawiin ang sakit pero hindi ko magawa. Hiyang-hiya ako sa mga nagawa kong iyon sa kanya. I brought him hell.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon