Chapter 55: What's your name?

987 9 0
                                    

Marga's POV

Dinala ko ang mga magulang ko sa hotel pagkatapos ng mga nangyari sa kasal ni Faith at Peter. Ang dami nilang naka hang na tanong na hindi ko pa nasasagot. Nauna na si Kyle para maabisuhan ang Mommy niya kaya sa sasakyan ako ng mga magulang ko nakasakay.

Nang pumasok kami sa hotel ay dinala ko muna sila sa isang hindi masyado matao na sulok para hindi mabigla.

“Mom, Dad, huwag sana kayong mabibigla sa ipapakita ko sa inyo, May mabigat akong dahilan kung bakit hindi ako agad nakabalik. I’m really sorry if I shut you out of my life for so long. I needed the time and space” pagpapaliwanag ko.

“Anak pinapatay mo naman kami sa suspense, bakit tayo andito sa hotel na ito, umuwi na tayo satin” nagtatakang sabi ni Dad. Si Mom naman ay tahimik na nakikinig.

“Basta. Malalaman niyo rin” agad na kaming pumanhik sa elevator at umakyat sa suite na inupahan namin.

Inabutan naming si Kyle at ang Mommy niya sa labas ng suite.

“Ako na dito Kyle, umuwi na kayo para makapagpahinga, tawagan nalang kita. Thank you” niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit.

“Tawagan moko kahit na anong mangyari, mabuti man yan o maganda” bulong niya sakin.

Binalingan ko rin ang Mommy niya bago nagpaalam.

Nang nakaalis na sila ay tiningnan ko ang mga magulang ko. Bumuntong hininga ako “I need you to keep an open mind, I need you to accept what’s inside this room, everything inside the room” kinakabahan kong panimula sa mga magulang ko.

“You’re killing us with the suspense anak, what is it?” balisang sabi ni Mommy.

“No Mom, who’s inside the room” at agad kong binuksan ang pintuan ng suite.

Tumambad samin ang tulog na tulog na si Darell. Nakapajamas na siya at tanging ang night lamp lang ang nagsisilbing ilaw niya. He looked so peaceful, so innocent.

“Marga?” biglang taas ng boses ni Daddy na para bang galit na.

Dinaluhan ko si Darell at hinagkan sa ulo. Tiningnan ko naman ang mga magulang ko na natigilan sa entrada ng suite. Magkahalong pagtataka at pagtatanong ang mga expression na pinapakita nila.

“Mom, Dad, this is my son Darell, siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakabalik agad” pagpapaliwanag ko sa mga magulang ko.

“Sino ba ang Ama ng batang yan Marga? Si Kyle ba? Nagtaksil ka ba kay Andrew kaya mo siya iniwan?” galit na sumbat ni Daddy sa akin. Palagay niya ay isang eskandalo ang nakikita niya sa mga panahong ito.

Pagkatapos sabihin ni Dad yun ay sunod-sunod na naman ang agos ng luha ko. Bumagsak na ang kanina ko pa pinipigilan.

Pinaliwanag ko sa kanila ang nangyari samin. Inisa-isa ko magmula sa Macau, kung panu ko nakita si Kyle sa airport, ang buhay ko sa Gibraltar, how I found out I was pregnant, ang mga tanong ni Darell. Lahat ng battles ko kinuwento ko. Wala akong tinira sa tago.

  Napahalukipkip si Dad at sumandal sa dingding ng suite. Si Mom naman ay dinaluhan na ang anak kong si Darell. Binusisi niya ang bawat feature ng anak ko na parang imbesitgador.

“Anak, panu mo siya ipapaliwanag kina Andrew?” wala na akong naisagot sa tanong na iyon. Alam kong kailangan ko talaga sabihin sa kanila. Pero kung papanu eh hindi ko pa alam.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon