Chapter 26: You can't have the cake and eat it too...

1.1K 10 0
                                    

Marga’s POV

These past few days, daming nagbago kay Andrew. Bukod sa nakaksabay ko siya magbreakfast at dinner, nakakatabi matulog eh hinahatid na nila ako ni Kuya Ernie sa school bago siya pumasok at pinapasundo ako pauwi.

Naastigan nga sakin yung mga schoolmates ko kasi luxury cars talaga mga naghahatid sundo sakin. Audi, lexus, Volvo mga rare brands sa Pilipinas lahat.

At itong araw na ‘to is no different.

Ngayong araw yung summit namin sa school. Nakapang executive attire nga ako, eto kasi yung requirement ng professors namin. Madami daw kasing individuals from the corporate world ang dadalaw sa university.

Napagusapan na namin ni Faith kung ano yung itinerary namin for the day. Hahanap kami ng company for ojt, manonood ng mga sharings ng inspirational speaker at uumpisahan nang gawin yung essay namin about the event.

KAsalukuyan naming binabagtas yung daan papuntang school ko, minsan hindi ko gets kung bakit kahit out of the way ito eh sinasadya ito ni Andrew para lang maihatid ako.

“Babe, ano bang meron sa school niyo ngayon? Ba’t ganyan suot mo?” napaisip tuloy ako kung bakit siya nagtatanong, palagay ko maayos naman suot ko ah. Naka A-line skirt ako na black at poloshirt na white, pinaresan ko rin ito ng stilettos na black. I’m oozing confidence nga palagay ko eh.

“Don’t get me  wrong, just asking” nahalata niya siguro na naconscious ako.

“Ah may Summit kasi para sa Business and Governance students  ngayon. Required kami na mag ganito.” Sagot ko. Napatango lang ito at nagsimulang magdial ng number sa cellphone niya.

Maya-maya lang ay may kausap na ito.

Michelle, can you give me a rain check of my schedule today. I need to clarify something

*long pause

 Okay great! Bye.

At katahimikan na hanggang sa pumarada kami sa entrance ng school ko.

“Dito na ako, salamat Kuya Ernie. Una na ako Andrew” pagpapaalam ko sa kanila sabay kuha ng bag ko.

Nagulat naman ako ng bigla akong halikan ni Andrew sa ulo. “Good luck today Babe. See you later”

“Ah huh huh, okay” kinikilig ako. Shet! Ang hirap tuloy bumaba ng sasakyan.

PAgbaba ko ng sasakayan ay naka abang na ang bestfriend kong si Faith. Nanunuya yung mga tingin niya sakin.

“Hi friend, good morning.” Pagbati ko sabay yakap sa kanya. MAganda rin yung suot niya. In fact, mas maganda pa nga sa suot ko ata. Kahit magbestfriend kami eh mas may taste sa fashion itong si Faith.

 

“Good morning talaga, nakita ko yun ah, may pagoodbye kiss pang nalalaman si Mr. Palafargan. Bumabait yun lately. Saan na yung 500 pesos rule niya at ngayon de Volvo pa ang mahal na prinsesa” panunukso sa akin.

“Shhh! Tumigil ka nga. May makarinig sayo. Diba nga sabi ko sayo, mabait naman talaga si Andrew. Namimisinterpret lang natin yung mga Executive Orders niya, ganun lang talaga siya, nasanay sa take ng pagiging businessman” pagtatanggol ko.

“Okay, sabi mo eh, ipagtanggol ang asawa, halika na nga at baka maubusan tayo ng slots sa job fair” at pumunta na kami sa gym kung nasaan inorganize ang job fair.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon