Chapter 65: Coming to Terms with Kyle

897 9 1
                                    

Marga’s POV

“Bakit dito sa Park mo pa naisipang makipagkita samin Kyle? Pwede namang sa bahay ka pumunta.” Pagrereklamo ko kay Kyle. Tinagpo niya kami ni Darell sa park sa loob ng village. Busyng-busy na sa paglalaro sa mga amenities ang anak ko habang sinusundan ni Yaya Paning. Kami naman ni Kyle eh kanina pa nakaupo sa isa sa mga benches dito, pan yang text niya at ako naman nakatingin lang keh Darell.

“Alam mo namang close kami nung asawa mo, baka ano na namang sabihin niya o gawin niya. Mabuti na yung umiwas ako. Nasaan nga pala yun?” pagsagot niya sakin habang text ng text.

“Nasa trabaho syempre.” Simple kong sagot. Tinitigan kong maigi si Kyle. Napansin kong may nagbago sa kanya.  Bukod sa bagong gupit at ahit siya ay bago ang pabango niya at mas gumwapo pa sa bagong style niya. Dati-rati eh simpleng t-shirt at pantalon sasabayan niya ng rubber shoes eh pwede na kaming gumala sa mall nung nasa ibang bansa kami. Alam ko talaga na meh nagbago sa best kind of friend ko dahil naka pantaloon pa rin siye pero nawala na yung t-shirt at napalitan ng isang semi-fit na polo shirt, may tatak pa rin ito ng isang sikat na sports brand, bakas ng pagiging athlete niya ang mga choices niya sa brand ng gamit. Nawala na yung rubber shoes at napalitan ng top-sider na high cut. At ngayong nakipagkita siya ng ganito eh alam kong may gusto siyang sabihin o kailangan niya ng kausap.

“Spill” muling pagbasag ko sa namuong panandaliang katahimikan sa amin.

Natigil siya sa pagtetext at binulsa ang cellphone niya. “Anong spill?” pagmamaangmaangan niya.

“C’mon Kyle, I know you well enough to tell na may bumabagabag diyan sa kaloob-looban mo. So spill. enlighten me.” Nangingiti kong sabi sa kanya na sinabayan ko pa ng paniniko.

“Kamusta ka na? Pinapakisamahan ka ba niya ng maayos?” biglang tanong ni Kyle sakin na pumawi sa ngiti na namuo sa mga labi ko. Bumalik ang pamilyar na pakiramdam sa dibdib ko na panandalian kong nakalimutan nung nagkaasaran kami ni Kyle. Malungkot ako dahil sa mga mali kong desisyon noon, nagsisisi ako sa mga ginawa ko. Hindi ko na nagawang matulog ng maayos kagabi dahil sa mga napagtanto kong pagkakamali, na iniwan ko si Andrew at hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon magpaliwanag noon at sa dinanas niya nung nawala ako.

Ang mas nakapagpabigat ng pakiramdam ko ay ang presence ni Kyle ngayon. Mas lalo akong naguilty habang tinitingnan ko si Kyle sa mga mata na may concerned na emotion. Isa si Kyle sa mga pagkakamali ko, kinulong ko siya sa responsibilidad na samahan ako sa loob ng ilang taon. Natigil ang pagikot ng mundo niya kasabay ng pagkalugmok ko sa walang katuturan na galit.

“Kyle, nagkamali ako. I’m sorry at nadamay ka pa sa katangahan ko” muling tumulo ang mga luha ko. Ewan ko ba kung bakit hindi sila maubos-ubos. Araw-araw nalang may ganitong eksena. Sumandal ako sa kanya at pinagsalikop ko ang mga kamay namin.

“Magmula ngayon, I’m setting you free. Pinapangako ko, hindi na kita muli pang kakaladkarin sa mga problema ko. Mabuhay ka na malaya sakin Kyle. Salamat sa pagmamahal mo. Salamat sa friendship. Salamat sa pagiging ama ni Darell for the past 4 years. Salamat sa paguntog sa akin sa katotohanan. Salamat at pinilit mo akong umuwi. Salamat at hindi mo ako hinusgahan. Salamat dahil ikaw si Kyle, ang best kind of friend ko.” Ngayon umiiyak ako hindi para sa sarili ko o kay Andrew, umiiyak ako para kay Kyle. Ayoko siyang pakawalan dahil siya ang naging security blanket ko, he was my soulmate, my knight in shining armour, but he can never be the man I love, he can never complete me. He may heal all my wounds  but he can never remove the memory of that scar. All that belonged to one man, one who can erase all my cares with one touch of a finger. One man who deserved the world. And after all these years, one man who I truly love and will never hurt again, si Andrew.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon